Minulat ko ang mga mata bumungad sakin ang puting kisame inikot ko ang paningin ko. May dextrose na nakakabit sakin at may oxygen rin na nakakabit sakin.
Napaluha ako ng maalala ang nangyari sakin.
Alam naman ni daddy na allergy ako sa hipon pero bakit pinakain parin niya ako? Ang sakit sakit bakit nagawa niyang kalimutan ang bagay na 'yun? Natatakot ako dahil minsan na rin ako nasugod dito sa hospital at nagkaroon na ako ng trauma don dahil natatakot ako na maulit uli sakin ang bagay na 'yun pero tignan mo naman nandito muli ako at ang nakakatuwa don parehas pa ng sitwasyon.
Pero napapaisip rin ako bakit niya ako pinakain ng hipon kung alam niyang may allergy ako don? Bakit may problema ba si daddy? Napaisip ako. Kung may problema siya sinasabi naman niya sakin hindi naman siya naglilihim sakin.
Nalilito ako. Iniisip ko ang pag-alis niya ng maaga at pag-uwe niya ng late at madalas laging tulala palaging may iniisip.
Binato ko ng unan si Ethan na nakahiga sa sofa.
"Shit!"
"Anong 'shit' ka diyan?"naiinis na sabi ko.
Napabalikwas siya natawa ako. Halos manggilid ang kaniyang luha at yumakap sakin ng mahigpit.
"Love, salamat nagising ka na"sabi niya, natawa ako. Kumalas siya sa pagkakayakap sakin hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at sinamaan ng tingin. "Tumatawa ka pa diyan, halos mamatay na nga ako sa sobrang pag-aalala sayo!"
"Sorry, hindi naman ako mamatay sa simpleng allergy lang"
"Anong hindi? Meron din namamatay sa allergy love at ayokong mangyari yun sayo"
"Totoo?"halos manlaki ang mga mata ko.
Tumango tango pa siya.
"Di nga? Totoo?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
Nanlalaki ang mga matang napatingin sa kaniya pero nawala rin ang gulat ko ng marinig kong bumukas ang pinto at iniluwa non ang mga kaibigan ko.
"Hala ang panget mo na!"naiiyak na sabi ni Carmela at yumakap sakin. Ganon din ang ginawa ng iba ko pang kaibigan halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang higpit ng yakap nila sakin.
"Na-ospital ka na naman? Hindi na kami magkanda-ugaga ng malaman namin na nasugod ka sa hospital. Ano ba ang nangyari sayo Karen?"si Mark. Lumungkot ang mukha ko.
Bumuntong hininga ako at sinabi sa kanila ang dahilan.
"Si daddy, pinatikim niya ako ng hipon. Hindi ko alam na hipon ang niluluto niya wala akong ideya Mark. Masyado akong pokus sa kaniya. Hindi ko matanggap na pinagluto niya ako na alam niyang allergy ako don? Alam naman niya 'yun pero ba't niluto parin niya?"
Nagkatinginan ang mga kaibigan ko.
"Sigurado ka bang hipon ang pinatikim sayo? Baka naman hotdog?"hindi ako green-minded kung hindi ko maiintindihan ang sinabi ni Tristan. Binato ko siya ng unan at sapol sa mukha niya.
"Ulol!"sigaw ko sa kaniya. "Sa hipon lang ako allergy"
"Sigurado ka bang sa hipon lang? Baka naman kapag pinakain ka namin allergy ka pa pala sa iba pang pagkain na hindi mo pa natitikaman?"si Mark.
"Hipon lang talaga Mark"
"Karen, may napapansin ka bang kakaiba ngayon kay tito?"tanong ni Carmela napakunot ang noo ko.
"Oo, madalas maaga siya umalis kahit na alas nwebe pa ang duty niya at umuuwe siya ng alas dose kahit na alas dies naman ang uwe niya and lately palaging may iniisip"
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...