Chapter 35: Farewell

28 1 0
                                    

Umuwe kami ni Kuya pagdating namin sa marungko. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na uuwe kami nila Kuya.

Hindi pumayag si Airon gusto pa sana niya gumala at makita ang bulacan kaso hindi pwede kailangan namin umuwe ng maynila para maiuwe ko na si Kuya sa kanila.

Si Kuya ang driver namin ni Airon okay naman siya kaso tahimik lang siyang nagmamaneho minsan naman iiyak habang nagmamaneho.

Alam kong hanggang ngayon nasasaktan parin siya. Nang nasa tore kaming dalawa hinde siya tumitigil kakaiyak niya.

Kahit umiiyak hinila ko siya pababa pauwe sa marungko para bumalik sa maynila. Kahit ayaw pa umuwe ni Airon, umuwe parin kami dahil kailangan namin pumunta sa burol ng mommy ni Kuya.

"Kuya ayos ka na?"tanong ko sa kaniya. Hindi parin siya umiimik nakatuon lang ang kaniyang tingin sa kalsada habang mahigpit na nakahawak sa manubela.

"Tito, okay ka lang ba talaga ano po ba ang nangyare bakit ka po umiiyak?"tanong ni Airon. Hindi pa niya alam ang dahilan kung bakit kami uuwe sa maynila.

No answer.

Hindi na naman siya sumagot.

Mahigpit na nakahawak sa manubela habang tumutulo na naman ang mga luha niya.

Gusto ko siyang yakapin pero naistatwa ako sa kinauupuan ko.

Gusto kong hawakan ang kamay niya pero nanigas kung saan man nakapwesto.

Bumaling ako sa bintana. Kinagat ko ang labi ko ng madiin wala akong pakialam kung dumugo man 'to ang importante mapigilan ko ang hikbi ko na gusto na naman kumawala.

Gusto ko man siyang yakapin pero wala akong lakas nahihigop 'yon dahil sa naririnig kong hikbi.

Hindi ako mapakali kaya naman pinikit ko na lang ang mga mata ko habang kagat kagat ng madiin ang labi ko.

                                 ***

Gabi na ng makarating kami sa bahay nila Kuya. Maraming tao panay kamag anak ni Kuya nandon na rin si mama at si daddy sa harapan ng kabao ng mommy ni Kuya.

Hinawakan ko ang kamay ni Kuya nanginginig 'yon.

Natumba si Kuya ng malapit na siya sa kabao ng mommy niya. Lumuhod ako inayos ko ang buhok niya pinunasan ko ang luha niya nagkandaugaga ang tao lalo na si daddy pero kay Kuya lang nakatuon ang paningin ko.

"Kuya kaya mo yan!"naiiyak na rin ang sabi ko. Naawa ako sa itsura niya parang wala ng nagmamahal sa kaniya parang wala na talagang silbi ang buhay niya.

Pinilit ko siyang itayo kahit na ang bigat bigat niya.

Kinaya ko hanggang sa makalapit na siya sa kabao ng mommy niya kinaya ko dahil gusto ko makita niya ang mommy niya hanggang sa huling pagkakataon.

"H-hindi ko k-kayang m-makita si m-mommy na nakahiga sa k-kabao"naiiyak na sabi niya. Nanghina ang tuhod niya at muli na naman bumagsak sa sahig ang isang kamay nasa ibabaw ng kabao ng mommy niya.

Lumuhod na ako sa harapan ni Kuya tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.

"May mga bagay talaga na kailangan ng lumisan sa mundong 'to wala naman nabubuhay sa mundong 'to na matagal"mahina na sabi ko habang hinahaplos ang kaniyang buhok.

Maraming nakatingin sa amin nagbubulungan tungkol sa nangyari sa mommy ni Kuya lahat sila naawa sa kalagayan ni Kuya pero wala silang magawa dahil wala na 'yong taong nagpapasaya kay Kuya at 'yon ang mommy niya.

"Mommy!"sabi niya.

Napayakap ako ng mahigpit sa kaniya at halos malukot ko na ang damit niya sa sobrang higpit ng pagkakawahak sa damit niya.

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon