Nakatayo ako sa harap ng beach at pilit iniisip ang sinabi ni Ethan sa'kin kanina. Gabi na at wala akong balak bumalik sa tinutuluyan namin.
Pagkatapos ang nangyari kanina umalis na ako dahil hindi ko kaya ang nakikita ko. Shit this can't be happening!
Gulong gulo na ang utak ko sa sinabi ni Ethan at pilit hinahanapan ng sagot ang sinabi niya sa'kin. Napasabunot ako sa buhok ko dahil hindi ko talaga mahanapan ng sagot ang sinabi niya sa'kin bakit kailangan niyang sabihin sa'kin ang gano'n bagay? Bakit siya nag-sorry sa'kin? Hindi ko talaga alam kung bakit? Bwisit na yan kailangan ko siyang makausap at tanungin kung para sa'n ang sorry niya para hindi na ako mabaliw sa kakaisip kung para sa'n talaga ang sorry niyang 'yun.
Napaisip din ako hindi ko alam kung sa'n siya banda sa hotel na 'to at hindi ko alam kung pa'no ko siya mapupuntahan. Bwisit na yan lalo niyang pinapasakit ang ulo ko ng dahil sa sinabi niya.
Ang mga kaibigan ko nasa hotel na at ako lang mag-isa dito sa labas ayoko na muna pumasok doon hindi ko rin nagawang maligo sa dagat dahil sa sinabi ni Ethan maghapon lang ako nakatanaw sa karagatan at pinapanood ang iba maligo.
Nagulat ako ng may biglang may humawak sa balikat ko agad ko ito siniko dahilan para mapadaing sa sakit kung sino ang humawak sa balikat ko.
"Aray ko!"napalingon kaagad ako ng makilala ang boses na yun. Gosh, Karen why did you do that? Hindi ka kase nag-iingat eh!.
"Sorry Ethan hindi ko sinasadya"agad ko siya tinulungan sa pagtayo.
"Grabe ka naman sa'kin"sabi niya.
"Bakit ba kase nanggugulat ka?"
"Paano kase kanina ka pa tulala diyan"sabi niya tsaka siya umayos ng tayo habang ako gulat at hindi makapaniwala na kanina pa pala siya nakamasid sa'kin. Napangiwi ako habang nakatingin sa kalangitan. "May problema ba Karen?"
Nanggilid ang mga luha ko habang nakatingin sa kalangitan para akong tangang iiyak ng walang dahilan. Shit!
"Iniisip ko kase yung sinabi mo sa'kin kanina, ginugulo ako ng dahil sa sinabi mong 'yun para sa'n ang sorry mo na yun?"tanong ko sa kaniya pero wala sa kaniya ang paningin ko.
"Hindi ko din alam"lumingon na ako sa kaniya.
"Pa'nong hindi mo alam?"
"Hindi ko alam bakit ko nasabi sayo ang bagay na yun pero isa lang ang dahilan ko. Siguro nag-sorry ako sayo dahil hindi mapapahinto ang kasal namin ng kaibigan mo. Sorry kase hindi ko alam na kaibigan mo pala ang mapapakasalan ko"tila'y parang kumirot ang puso ko sa sinabi niyang yun siguro nga kailangan ko ng kalimutan ang feelings ko para sa kaniya kase kapag hindi ko kinalimutan yun, masasaktan na naman ako. "Siguro ito na ang tamang panahon para pumayag sa kasal na talagang nakatadhana na sa'kin"
Hindi ko alam bakit parang kinurot ang puso ko hindi ko alam bakit nahinto ako sa pag-hinga para na naman akong patay ng walang buhay. Ito na naman ako,nasaktan na naman ako.
Ang laki ng pag-asa ko na balang araw magkakagusto rin siya sa'kin pero nagkamali ako. Pumayag na siya sa gusto ng kaniyang ama, pumayag na siyang matali sa iba.
"Siguro ito na ang tamang panahon para i let go ko na yung taong mahal ko"nakatitig lang siya sa mga mata ko, hindi ko alam kung bakit niya mismo sa'kin sinasabi 'yun, ngumiti siya sa'kin pero may bahid ng sakit yun.
"Kung kailangan mo na siya i let go bakit mo sa'kin yan sinasabi? Bakit kailangan ako ang maunang malaman na gusto mo siya?"
"Gusto ko kase pag-praktisan kung paano umamin sa kaniya hindi ko pa kase nararanasan umamin sa isang babaeng mahal ko"
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...