Nakauwe na rin si Airon sa bahay at sa kwarto ko siya natutulog masaya si mama dahil dito na samin si Airon titira. Gaya ni mama excited rin si Airon na makagala at makapag-aral. Binilan ko na siya ng gamit niya at na-enroll ko na siya at ngayon papasok na kami sa school si Kuya ang magsusundo samin kaya tinext ko na ng maaga sila Mark na kay Kuya ako sasakay.
Naghihintay kami sa labas ng gate namin at namataan ko agad ang sasakyan ni Kuya. Huminto ang sasakyan niya sa harapan namin at agad kaming sumakay don.
"Ah Airon ito nga pala ang tito mo. Anak siya ng tatay ko sa ibang babae"sabi ko kay Airon. Naramdaman ko tinignan ako ni Kuya pero pinagsawalang bahala ko na 'yon.
"Ah hi po tito"kumaway pa si Airon sa kaniya. Ngumiti lang sa kaniya si Kuya at pinaandar ang sasakyan niya.
"Are your excited baby?"tanong ko sa kaniya tumingin ako sa likod ko para tignan ang anak ko.
"Yes super excited mommy!"napapasuntok pa siya sa ere at ngingiti na nakakaakit. Baka sa unang beses palang ng pasok na 'to marami ng magkakagusto sa kaniya.
I know he's excited na pumasok sa school. Tumingin ako kay Kuya.
"How is he?"tanong ko sa kaniya ngayon ko na lang ito tinanong sa kaniya.
"Well he is fine"
"I guess. He will be fine. He knows?"
"Nope Im not telling him about Airon"
"Good. Your not telling about Airon Im sure he wanted to see Airon and I don't want to see him again tama na 'yong kinakamusta ko siya"
Hindi parin maialis sakin ang pagkakamiss kay daddy gusto ko man siya makita pero I can't dahil kapag nakita ko siya alam kong hindi na ako makakauwe at pipilitin na bumalik siya samin ni mama pero dahil matigas ako at okay lang na wala siya kinakamusta ko parin naman siya kahit na hindi niya alam.
Ayokong ipaalam sa kaniya na may inampon akong bata dahil alam kong gusto niya makita si Airon. Kaya pinasabi ko kay Kuya na h'wag sabihin kay daddy na may ampon ako.
Si Kuya gusto niyang sabihin kay daddy tungkol kay Airon pero sinabi ko na h'wag na h'wag niyang sasabihin kung ayaw niyang hindi ko na siya ituring na Kuya pero syempre hindi naman 'yon totoo tinakot ko lang siya para hindi niya sabihin kay daddy ang totoo.
Agad kaming nakarating sa school nakita ko ang mga kaibigan kong nasa gate na at hinihitay kami. Nandoon na rin si Ethan at lahat sila nakangiti. Bumaba na kaming lahat sa kotse ni Kuya at pumunta kami sa mga kaibigan ko.
"Hello Kuya Steve"bati sa kaniya ni Carmela.
"Hello"bati ni Kuya kay Carmela nagbatian silang lahat at tinignan si Airon na gwapong gwapo sa suot niya.
"Panibagong heart throb na naman sa school na 'to? He's so handsome"si Carmela.
"Yeah"sang-ayon ni Tristan.
"Hahatid ka na namin sa room mo anak"sabi ko sa kaniya tumango siya at ngumiti ng pagkalawak lawak. Pumasok kami sa school pero nagtatakang tinignan namin si Mark na pumunta sa stage.
"Anong pakulo na naman ni Mark?"nagtatakang tanong ni Tristan. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Pinukpok pa niya ang mike at nagsalita.
"Mukhang may balak siya"si Kuya. Tinignan ko si Mark.
"Students pumunta kayong lahat sa gym"kalmadong sabi ni Mark nagsunuran naman ang mga students.
"Tara puntahan natin si Mark"si Carmela. Pumunta kami sa stage at tinignan namin si Mark.
"Love look at him"sabi ni Ethan, tinignan ko ang mukha niya magkasalubong ang kilay niya at nakakuyom ang mga kamay niya at nanginginig 'yon.

BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...