Napapagod na binuksan ko ang bahay at agad na pumasok sa kwarto namin at halos magulat ako ng makita kong walang tao sa kwarto namin.
"Baka na kay mama tumabi"tatango tango na sabi ko at pumunta sa kwarto ni mama at binuksan pero wala din si Airon don tsaka si mama.
Tinawagan ko na agad si Airon dahil nag-aalala na ako.
"Mommy"sabi ni Airon sa kabilang linya ng sagutin niya.
"Nasaan ka? Bakit wala ka dito sa kwarto natin?"nag-aalala na sabi ko.
"Nandito ako kila Tito"naistatwa ako sa kinatatayuan ko at biglang nanlamig ang kamay ko.
"A-ano?"
"Nandito ako kila Tito sinama ako ni Lola ayoko sana kaso wala po ako kasama kaya sumama na lang po ako kay Lola"
"Bakit ka naman sumama sa Lola mo?!"
"Sorry mommy"
"Pupuntahan kita dyan"sabi ko at agad na bumaba kahit na hindi pa ako nakakapagpalit ng damit mabuti na lang at hindi pa nakakaalis si Tim.
"Bakit ka lumabas? Gabi na oh tsaka malamig na 'yong panahon"sabi niya. Agad akong sumakay sa motor niya ng walang sabi sabi. Nagulat siya. "Bakit? Mag-iinom na ba tayo?"
"Hinde, kailangan ko ng sasakyan pupuntahan ko si Airon kay Kuya"
"Ha?"
"Bilis na Tim!"naiinis na sabi ko.
"O-okay, turo mo na lang sakin 'yong daan"sabi niya at kaagad niyang sinuot sakin ang helmet niya at pinaharurot ang motor niya.
Kumapit ako sa bewang niya dahil natatakot akong malaglag mabilis ang patakbo niya dahil iilan lang naman ang sasakyan na dumadaan dahil pasado alas dyis na.
Tinuturo ko sa kaniya ang dadaanan namin dalawa medyo malayo ang bahay ni Kuya kaya naman halos kalahating minuto kaming bumyahe kung may traffic isang oras bago makarating sa kanila.
Hindi ako nagpasundo kay Kuya o kay Mark dahil si Tim na lang daw ang naghatid sakin sa bahay matapos ang trabaho namin dahil malapit lang din daw s'ya sa bahay namin.
Bumaba kaagad ako ng motor at nagpaalam kay Tim na umalis na s'ya. Tumango lang s'ya sakin bago niya pinaharurot ang motor n'ya.
Pumasok ako kaagad sa bahay nila at wala akong pakialam sa mga nakatingin ang importante sakin si Airon at mailayo kay daddy.
Nakita ako ni Airon ng makapasok ako sa bahay nila ng walang pasabi nagulat pa si daddy na nakita ako at si Kuya.
"Mommy!"tawag sakin ni Airon at agad na yumakap sakin. Tumingin na muna ako sa kanila lahat sila nakatingin sakin pati 'yong mommy ni Kuya.
"Hatid mo kami Kuya uuwe na kami may pasok pa kaming dalawa"sabi ko kay Kuya tumayo na siya at akmang lalabas na kami ng tawagin ako ni Daddy.
"Karen"napahinto ako saglit tsaka ako tumingin sa kaniya.
"Bakit?"sarkastikong sabi ko sa kaniya nakita ko naman kung paano gumihit ang lungkot sa mga mata n'ya.
"Congrats dahil natupad mo ang pagiging nurse mo kahit na hindi ka pa naman tapos sa pag-aaral mo sobrang proud ako sayo"
"Salamat kay papa dahil pinagtrabaho n'ya ako. By the way aalis na kami ni Airon. Sumama ka na rin mama kailangan mo pa magpahinga"sabi ko tumango na muna siya sa mommy ni Kuya tsaka s'ya tumayo.
"Mauna na kami. Pupunta na lang uli ako dito kapag may time ako"sabi ni mama at tsaka kami umalis don.
"Mommy kailan tayo babalik dito? Gusto ko makita si Lolo"tanong ni Airon. Napataas ang kilay ko at napatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...