'Anong kasurprise surprise don?'
Napangisi ako habang tinitignan ang kabuuan ng mukha niya at tumigil 'yun sa mga labi niya.
'Nakakamiss ang halik niya'
Binalik ko uli ang tingin ko sa kaniya. Nakatingin na ang lahat ng mga kaklase ko pati yung mga lalaki nakititig na rin samin ni Ethan.
"Hindi ka ba masaya na nandito ako? At kaklase mo pa?"nakanguso na sabi niya. Napangiti ako.
"Ofcourse Im happy to see you Love"nakangiti na sabi ko. Pinisil niya ang ilong ko na sobra ko naman talagang namiss sa kaniya.
Narinig kong tumikhim si Sir sa harapan na ngayon ay nakatitig na rin samin. Umayos kami ng upo ni Ethan at tumingin sa kaniya.
"Pamilya ang sabi ko hindi magsyota!"ani, Sir.
"Tsk! Walang pamilya pamilya dito Sir lalo na kapag kay Karen ang usapan dito. Gusto mong mapaalis dito? I will fired you If you want?"naiinis na sabi ni Mark. Namutla naman ang mukha ni Sir.
"Hay Gosh! Mark stop it. Hindi nakakatuwa ang ginagawa mo"hinawakan ko ang braso niya.
"Hindi sinusura ako ng teacher natin e"tumingin siya sa'kin.
"Tumigil ka na Mark gusto mong magpahangin? Doon na muna tayo sa labas"
"Wag na dito na lang ako para mapag-aralan ko kung pa'no ko patatalsikin 'tong teacher natin"naiinis na tumingin si Mark kay Sir.
'Ba't pa kase sinabi mo 'yun? 'Yan tuloy ikaw ang biktima ni Mark ngayon Aish! Ano ba 'tong pinasok 'ko?'
"Mark stop it. Hindi na ako natutuwa sa mga sinasabi mo please lang stop!"hinigpitan ko ang hawak sa braso niya.
"Okay fine! Pero kapag inulit pa niya 'to patatalsikin ko na 'to?"tumango ako sa kaniya 'yun na lang ang magandang gawin alam kong hindi siya papayag kapag sinabi kong wag pero ano magagawa 'ko? Masyado siyang mainisin at hindi ko na magagawang pahupain 'yun.
"Start the class Ser!"sarkastikong sabi ni Mark. Napapikit pa ako ng mariin at muling minulat ang mga mata at halos mapatayo pa ako sa gulat ng makitang nasa harapan ko na si Ethan nakatingin sa mga labi ko. Iniwas ko ang tingin ko para maialis niya ang tingin sa mga labi ko.
"Stop staring at, Love kung ayaw mong mapaalis diyan sa tabi ko?"naiinis na sabi ko pero nanghihina ako sa mga tingin niya.
"Ito na nga e"nakangisi na sabi niya at bumalik sa tabi ko at nakinig kay Sir. Halos lahat na kay Ethan ang tingin nila inbes na sa teacher namin. Hindi ko naman matatanggi na gwapo si Ethan pero akin siya. His mine!
Hindi ako makapagconcintrate sa mga tinuturo ni Sir. Alam kong nakatitig lang sakin si Ethan at gusto ko siyang bigwasan dahil walang pamapasok sa utak ko kundi ang pagpasok niya dito ng hindi ko alam.
Kinurot ko siya sa tagiliran niya ng hindi ko na makayanan ang pagtitig niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin at tumawa naman siya ng mahina.
"Tumigil ka diyan at makinig ka!"naiinis na sabi ko. Napatingin pa ang pinsan ni Ethan samin.
Hindi ko akalain na pinsan ni Ethan si Nat. Tss hindi manlang sinabi sakin na pinsan niya 'tong mokong na 'to.
"Hindi ko magawang makinig Love katabi kase kita e"
"Edi aalis na ako makikipagpalit na lang ako ng upuan kay Mark para hindi ka madistrack ano?"
Akmang tatayo na ako ng hilahin niya ang braso ko paupo. Ngumiting umiling siya at pinadausdos niya ang kamay papunta sa kamay ko at pinagsalikop ang parehong kamay namin.
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...