Ilang araw ang nakalipas simula ng makita ko si daddy sa babae niya. Hindi ko pa sinasabi kay mama dahil alam kong masasaktan siya hindi na rin umuwe si daddy dito ang mga gamit niya pinaabot ko na lang sa mga kaibigan ko dahil ayokong makita ang pagmumukha niya.
Wala pa akong balak sabihin kay mama ang totoo dahil alam kong masasaktan siya kapag sinabi ko sa kaniya.
Pero ngayon nagbabalak ako ngayon sabihin sa kaniya ang totoo. Pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Tinatanong din niya ako kung bakit hindi umuuwe si daddy pero hindi ko masabi sabi sa kaniya dahil alam kong masasaktan siya.
Palagi niyang tinitiran si daddy ng pagkain kahit na hindi umuuwe si daddy dito kaya napapanis at nasasayang lang ang pagkain. Sinasabi sakin ng mga kaibigan ko na masaya raw si daddy sa babae niya.
Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi nila kahit na deep inside gusto ko na umiyak dahil dati kami ang masaya pero ngayon hindi na kami masaya. Dahil sa iba siya masaya hindi samin.
Pumunta ako sa kusina at naabutan ko si mama na nagluluto ng pagkain namin. Napapansin kong umiiyak siya kaya lumapit ako sa kaniya at yumakap sa likod niya.
"Ma? Ba't ka umiiyak? Baka naman maglasa luha yang niluluto mo?"
Agad niyang pinunasan ang luha niya.
"Namimiss ko lang yung daddy mo, nga pala nagtext na ba daddy mo? Uuwe daw ba siya?"
Ganon ang palagi niyang sinasabi sakin sa tuwing magkasama kaming dalawa.
"Hindi pa nagtetext si daddy, mama"sagot ko. "Wag ka na umiyak mama"humigpit ang yakap ko at nanggilid ang luha ko.
Namimiss palang niya si daddy pero ngayon umiiyak na siya. Paano na lang kung sabihin ko sa kaniya ang totoo? Mas lalo lang siya masasaktan.
"Umalis ka na diyan hindi ako makapagluto ng maayos"ginalaw niya ang balikat. Umalis ako sa pagkakayakap at pumunta sa sala.
Tinawagan ko si Ethan at agad naman niyang sinagot.
"Hello? Love?"sagot niya sa tawag ko.
'I miss him so much'
Matapos ang pagpunta namin kay daddy hindi na siya nakakapunta dito dahil kailangan daw niya tulungan si tita sa pag-aayos ng bahay.
"Hello, kamusta na?"tanong ko.
"Ito hindi okay, hindi kumpleto araw ko hindi kase kita nakikita e"
'Panay hindi ah?'
Natawa ako pero napangiti rin.
"Abnoy! Tapusin niyo na yang ginagawa niyo pagkatapos niyo magpahinga ka na, pasukan na natin bukas"
"Oo, tatapusin na nga namin nila mommy ilang araw na kaming nag-aayos ng bahay walang kasawa sawa"
"Isusumbong kita kay tita diyan sige ka?"
"Kamusta na ang allergy mo?"iniba niya ang usapan. May iniinom naman akong gamot kaya mabilis na nawala ang allergy ko nagpapasalamat ako dahil nawala agad natatakot kase ako na baka lumala. Salamat kay tito dahil hindi niya ako pinabayaan ang dami niyang binigay sakin na kung anu-ano na gamot para sa allergy para daw gumaling daw agad mahirap daw kase kapag hindi pa gumaling may chance na lumala at mamatay ako sa allergy ko.
"Okay na nawala na siya mabuti naman at nawala kase may pasok na bukas kung hindi nawala hindi ako maganda sa pagpasok ko bukas"
"Wag kang magpaganda ng masyado ha??"
"Opo, ikaw lang naman e"
"Yun, I love you sige na bye na love"
"Weyt, love"pigil ko sa kaniya kaya ko naman siya tinawagan para tulungan ako tungkol kay mama.
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...