Sa sobrang saya ng birthday celebration ko halos lahat ng nag-iinom bagsak na at pati mga kaibigan ko ay bagsak na ang matino na lang si Kuya at si Mark ang mga babae ko naman kaibigan pinauwe ko na dahil gabi na rin nagpalit na ako ng damit ko dahil tapos na rin naman na. Si Tristan gaya ng dati wala na sa sarili at kung anu-ano na ang sinasabi niya si Airon naman ay katabi ko nagcecellphone hinayaan ko na siyang hintayin niya ako matulog dahil hindi talaga siya natutulog ng wala ako sa tabi niya nasanay na siya siguro ng natutulog sa tabi ko.
Dahil si Kuya na lang at si Mark ang matino pinaakay ko na sa kanila sila Tristan at doon na muna sila matulog sa kwarto ko maluwag naman ang kwarto ko kaya kasya kami don. Naglatag na muna ako ng foam at unan at kumot para sa kanila pero baka sa sobrang kalasingan nila hindi na sila makapagkumot inihanda ko na rin ang dalawang electricpan para sa kanila lagi akong handa kapag dito sila matutulog pero bago ako ikasal dito talaga sila matutulog hanggang sa ikasal ako ewan ko kung bakit ganon ang sabi lang ni Carmela mabuti na raw na ganon para hindi ko daw sila makalimutan.
"Mark dalhin mo na sila sa kwarto"sabi ko ng lumabas ako ng bahay tanging mga kaibigan ko na lang ang natitira at si Ethan naman umuwe na dahil pinauwe na ng Daddy niya at magkita na lang daw kami sa araw ng kasal namin.
Tinulungan ko si Mark na akayin si Troy at dinala sa kwarto pinahiga na namin si Troy pero syempre inayos ko na muna siya ng higa at ganon din si Tristan at si Carmela pero si Carmela tabi sila matulog ni Troy. Si Kuya naman sa tabi ko magkapatid naman kami kaya walang malisya.
Pinaglinis ko na muna si Airon ng kaniyang katawan bago ko siya pinahiga sa kama namin ganon din ako naglinis din ako ng katawan dahil naiinitan ang katawan ko dahil sa alak pagkatapos ko maglinis at magpalit ng pangtulog humiga na ako sa kama ko sa tabi ni Kuya at ni Airon.
"Anak matulog na ano ba yang pinapanood mo?"tanong ko sa kaniya at sinilip ang cellphone niya at nakita kong pinapanood niya ang vlog ng Jamill.
"Jamill mommy fan po kase nila ako e"
"Okay pagtapos niyan tama na yan ha? Matulog na tayo pagtapos mo hindi pwede sa bata na matulog ng late nakakabawas pogi points yon"
"Opo mommy"sabi niya bumangon ako at tinignan ko ang mga regalo na ibinigay nila sakin kanina.
Una kong binuklat kay mama isang magandang kwintas na ang design ay ang pangalan ko na nakaukit na 'Karen' kay Daddy naman malaking teddy bear na kulay pink at isang susi para sa kotse kanina niya inabot sakin 'yon nong isinayaw niya ako. Kay Ethan another cellphone na Iphone 11 pro at isang sulat binuklat ko 'yon at binasa.
Hi mylove sana magustuhan mo ang cellphone na regalo ko sayo hindi lang ito ang regalo ko sayo meron pa itong kasunod at 'yon ay isang surprise kaya maghanda ka na bukas ng hapon susunduin kita sa inyo isama mo na rin ang anak natin dahil gusto ko rin na kasama natin siya at para na din makapagbonding tayong tatlo miss na miss ko na kayong dalawa kainis kase e bakit kase bawal kita makita araw araw? Pero okay lang kase makikita rin naman kita na maglalakad sa altar hihintayin kita doon sana huwag kang tumakas dahil kapag tumakas ka bubuntisin kita HAHAHA joke lang mylove alam kong ayaw mo pa pero huwag mong gagawin 'yon dahil nakakadurog ng puso 'yon love. Pangako love aalagaan kita ng higit sa pag-aalaga ng mama mo at ng daddy mo hindi kita papagurin pero sa kama kaya kitang pagurin Joke lang po! Alam kong lagot ako sayo e HAHAHA 'yong ireregalo ko sayo alam kong magugustuhan mo 'yon dahil 'yon ang matagal mo ng hiling na sana magkaroon ka ng ganon pero bukas mo na 'yon makikita pambawi sa mga kasalanan na ginawa ko sayo. Happy birthday love and thank you sa lahat lahat sa pagmamahal mo sakin kaya lahat ng pagmamahal mo at pag-aalaga mo ako naman ang gagawa para sayo love. Iloveyousomuch love.
Napangiti ako sa sulat niya kaya binuksan ko ang cellhone na regalo niya.
"Ano sabi niya? Papagurin ka niya sa kama? Sapak gusto niya?"nagulat ako ng magsalita si Kuya sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...