Chapter 12: Roof!

35 1 0
                                    

Sinamaan ko siya ng tingin hindi ako makakilos at pakiramdam ko nandoon parin ang labi niya.

Bakit kailangan halikan niya ako? Paano kapag may makakita samin isa man sa mga kaibigan ko? Ano na lang ang sasabihin ko sa kanila? Mapapagalitan ako lalong lalo na si Mark dahil iniingatan niya ako.

Si Ethan natatakot ako na baka may magsumbong samin baka iwan niya ako at awayin niya ako natatakot ako.

Ayokong mangyari ang bagay na yun.

Kasalanan ko ang lahat. Ang tanga tanga ko! Ba't kase pumunta pa ako dito?! Edi sana hindi niya ako mahahalikan!

'Ang tanga tanga mo Karen! Sobrang tanga mo talaga! Bobo Karen!'

"Why did you kiss me?!"galit na sabi ko.

Gusto ko siyang tuhurin pero hindi ko magawa. Kinuyom ko ang mga kamay sa sobrang inis.

"I though Jack is your ex? Kaya kita hinalikan para pagselosin siya. Alam kong mahal ka parin niya hanggang ngayon"

"Pero hindi mo na ako kailangan halikan! Paano kapag may nakakita satin?! Kitang kita itong bilyaran makikita tayo ng mga kaibigan ko! Kapag ako nakita ni Mark paniguradong mapapagalitan ako nun"

Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Na ngayon naglulunuran sa dagat. Nagpapasalamat ako dahil hindi nila ako nakita. Kapag nakita nila ang nangyari malalagot ako.

"Sorry hindi na mauulit"sinserong sabi niya. Napabuntong hininga ako.

Kinuha ko ang cellphone ko ng magring ito. Napangiti ako ng makita ang caller.

Love is calling.........

Sinagot ko ito. Napatingin ako kay Lance nakita ko kung paano pa siya sumimangot at selos na makikita mo sa mga mata niya.

"Love!"masiglang sabi ko. Narinig ko pa ang pagtawa niya.

"Aba! Miss mo na ba ako kaagad love?"

Natawa ako.

"Ikaw mamimiss ko? Hindi ah!"

"Sus, miss mo lang ako e"

"Hahaha oo na miss na kita. Nakarating ka na ba diyan love?"

Napataas ang kilay ko ng makitang punong puno ng selos ang mga mata ni Lance.

"Oo nakarating na ako, kamusta ka na diyan love? Parang gusto kong bumalik gusto kitang yakapin tapos dalhin sa kama"

"Manyak!"natawa ako. "Okay lang ako dito love, balitaan mo na lang ako ah tapos ikamusta mo ako kay Alliah ah"

"Opo, sige na love pag-uwi ko ihanda mo na yung sarili mo kama ah"

"Gago! Sige na"

"I love you, love"malambing na sabi niya.

Napangiti ako. "I love you too"

Pinatay na niya ang linya. Natatawang iiling iling kahit kailan talaga ang manyak niya.

Napatingin ako kay Lance nagsalubong ang kilay ko ng makitang hanggang ngayon nakatingin parin siya sakin. Pumitik ako para magising natutulog ata eh hahaha.

"Are you okay?"tanong ko agad siyang tumango.

"O-oo"

"Bakit tulala ka? Natulala ka ba dahil sobrang ganda ko ba? Alam ko na yan Lance hahaha"

Narinig kong tumawa siya ng mahina. Nawala sa isip ko ang ginawa niya pero kailangan kong alisin yun dahil kapag hindi ko naialis sa isip ko yun magugulo lang ang utak ko at mawawala na naman sa katinuan ko.

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon