Hindi parin nag-sisink in sa utak ko 'yung sinabi niya. Kapatid ko ang kaharap ko na 'to? Paanong nangyari 'yun?
Pumasok kaming dalawa sa bahay. Si mama naabutan kong natutulog na sa kwarto niya siguro dahil na rin sa pagod. Bumaba ako at tinignan ang lalaking nagsasabing kapatid ko. Nililibot niya ang tingin sa buong bahay namin.
"Pasensiya ka na sa bahay namin hindi ito gaano kalaki gaya ng inyo"sinabi ko 'yun habang bumaba hindi pa ako nakakapagpalit ng damit dahil ayokong maghintay siya.
"Okay lang hindi naman akong maarteng lalaki"
"Paano mong nasabing kapatid kita?"tanong ko sa kaniya umupo ako sa at nakapalumbabang nakatingin sa kaniya.
"Kinakabahan naman ako sayo baby girl"
Napangiwi ako sa tawag niya.
"Kinakabahan ka ba talaga?"tanong ko tumango naman siya.
"Okay! Fine! Kinuwento sakin ni daddy na may kapatid pa akong isang babae, mabait daw maganda at sobrang kulit niya at sinabi rin niya sakin na sobra daw niya mahal 'yung anak niyang babae. Pinakita niya sakin ang picture mo kaya nalaman ko kung sino ang kapatid kong babae"
"Tss! Sinabi pala sayo ng tatay mo? Okay lang"
"Sorry ha? Nang dahil samin ni mommy nasira 'yung pamilya niyo. Si mommy kase may sakit siya at nalalabi na lang ang araw niya dito. Hinanap ko ang sinasabi ni mommy na daddy ko raw. Nagawa ko naman hanapin si daddy 'yun kase ang gusto ni mommy hanapin ko si daddy at kahit sa huling hantungan manlang daw niya makasama niya si daddy"kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Kita mo talaga ang lungkot sa mga mata niya. "Hindi ko na sana hahanapin si daddy kaso si mommy na ang nagrequest hindi ko naman matanggihan dahil mawawala na siya sa piling ko, namin ni daddy hindi ko man nakapiling si daddy ng 20 years masaya parin ako dahil sa huling hininga ni mommy kasama niya si daddy"tumulo ang luha niya.
"Bakit kailangan sabihin mo sakin 'to?"
"Gusto ko lang ipaalam sayo na hindi kabit ni daddy si mommy. Bago kase na maging asawa ni daddy ang mommy mo nagkaroon ng anak si daddy at ako 'yun kaya ng iwan ni daddy si mommy hindi niya alam na buntis si mommy. Ang sabi kase sakin ni mommy ang gusto daw na anak ni daddy babae kaya hindi na raw niya hinanap ni mommy si daddy dahil wala rin naman daw patutunguhan 'yun kase babae daw ang gusto niya at hindi lalaki. Masakit pero tinanggap ko"
"Hindi mo naman ito kailangan sabihin sakin Steven I don't care about my dad. He left me, He left my mother. Sana sinabi na lang niya ng deretso samin ni mama maiintindihan ko pa 'yun e pero 'yung ilihim niya samin at hindi sabihin 'yun ang masakit Steven"
"Alam ko kung ano ang nararamdam mo Karen, pero ipagkakait mo ba sakin na hindi ko maranasan na may tatay ako? Yung maisip ko na sa tagal na panahon na wala akong tatay tinaggap ko pero hindi ko maiwasan na maiinggit kase sila may tatay pero ako? Wala? Naging masaya ako ng makita ko ang tatay ko para akong nanalo sa loto ng makita ko si daddy"
"Habang kayo masaya, kami naman nagdudusa, pero sinasabi ko naman sa sarili ko na kakayanin ko habang walang tatay ang dami kong tatay diyan lalo sa mga kaibigan ko pinaramdam nilang mahalaga ako sa kanila kahit na hindi naman nila ako kadugo pero hindi naman 'yun naging hadlang na magkaroon ako ng tatay uli diba? Samin kase si mama ang nasasaktan siya ang asawa, siya ang minahal pero iiwan kami ng ganon ganon lang naiintindihan ko siya dahil hindi naman talaga 'yun maiiwasan pero dapat talaga sinabi na niya sakin e"
"Napapansin ko si daddy na palaging may naiisip kapag tinatanong ko siya ang palagi niyang sinasabi na namimiss na daw niya 'yung anak niyang babae. Pinagtabuyan mo na siya 'yun ang sinabi niya sakin pero ano magagawa kase masakit din para sayo 'yun kaya pinagtabuyan mo na si daddy?"
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...