Napansin ni Kuya na umiiyak ako tinatanong niya kung bakit pero hindi ko siya sinasagot. Tinatanong naman niya si Airon tungkol sakin pero hindi rin niya alam ang isasagot dahil hindi naman niya alam.
Nagtext sakin si Ethan kung nasaan ako pero hindi ko siya nireplayan. King ina sinabi niya na wala na siyang nararamdaman kay Ara pero 'yong halik ng babaeng 'yon tinugon n'ya ano 'yon? Nasayahan lang sa halik n'ya? Napagtripan lang ako? O wala naman talaga siyang nararamdaman para sakin? Alin sa mga 'yon? Letche hindi ko na alam gagawin ko sa buhay ko!
Gusto ko silang pagbuhulin at pagsasapakin ng walang awa. Gusto ko silang patayin at ilibing na magkasama! Ang dami kong gustong gawin kaso nanghihina ako sa t'wing naiisip ko ang paghalik ni Ethan nanghihina ako wala akong lakas na maihaharap sa kanila hindi ko rin kayang maging matapang sa harap nila lalo na nakatatak na sa isip ko ang bagay na 'yon.
Bakit kase ang hina ko? Bakit kailangan nilang ahasin ang taong akin? Bakit kailangan sa t'wing masaya na ako tsaka naman may kontrabida na dadating at sisirain ang relasyon namin? Bakit? Dahil ba malas ako sa pag-ibig? O hindi kaya masyado na ako sumosobra pagdating sa pag-ibig?
Tumingin na lang ako sa bintana ng tumulo na naman ang luha ko. Palihim ko 'yon pinunasan at ngumiti pero patuloy parin sa pagpatak ng luha ko.
'Pesteng luha 'to! Kailan ba ako mauubusan ng luha!?'
"Karen, may problema ka ba?"tanong na naman sakin ni Kuya hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya tinatanong sakin 'yan pero wala siyang makuha sakin na sagot dahil wala akong balak na sagutin sa kaniya 'yon.
Gusto ko ako lang nakakaalam kung ano ang nangyari sakin. Ayokong may pagsabihan tungkol kay Ethan dahil panigurado magagalit sila kay Ethan.
"Karen magsalita ka naman!"naiinis na sabi ni Kuya.
"Wala Kuya, namimiss ko lang si Daddy"I lied.
"Hindi ako naniniwala Karen"naiinis na sabi niya at hindi na nagtanong sakin o nagsalita.
Nang makarating kami sa bahay hindi na nagsalita si Kuya alam kong nainis siya sakin dahil hindi ako nagsasabi sa kaniya ng totoo.
Pumasok kami sa bahay wala naman si mama don kaya sa kwarto na ako dumeretso. Nagpalit na ako ng damit at basta basta ko na lang nilapag ang bag ko sa kung saan.
"Dumito ka lang muna Airon, hintayin mo ang Lola mo okay?"sabi ko sa kaniya at umupo sa kama namin.
"Mommy okay ka lang? Ba't hindi tayo sumabay kay daddy? Nagtetext po siya sakin tinatanong kung nasaan daw po tayo sinabi ko po na kay Tito tayo sumakay may problema po ba mommy?"malungkot na sabi niya. Hinaplos ko ang buhok niya at malungkot na ngumiti.
"Nahuli ko kase ang daddy mo na may kahalikan na babae kaya ganito si mommy ngayon pero wala 'yon sakin dahil kahit na maghanap siya ng babae nandito ka naman para pasayahin ako di'ba?"
"Hindi na ba tayo mahal ni daddy kaya siya naghanap ng babae?"
"Hindi ko alam"napapailing na sabi ko at pumatak ang luha ko. "Hindi ko alam kung mahal ba tayo ng daddy mo"pinunasan ko ang luha ko at tumingin kay Airon. "Pesteng luha 'to!"naiinis na sabi ko pero nandon ang hikbi.
Humalik ako sa noo niya at pisngi niya.
"Aalis na ako dito ka lang ha? Magpahinga ka at tsaka kung may homework ka gawin mo na"sabi ko at umalis na ng kwarto.
Nagulat pa ako ng maabutan ko si Kuya sa tapat ng kwarto ko. Madilim ang mukha niya at nakakuyom ang kamao niya. Alam kong narinig niya ang sinabi ko kay Airon kaya siya ganiyan.
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...