Chapter 33: Bulacan

26 0 0
                                    

Habang ginagayak ko ang mga damit namin Ni Airon iniisip ko ang mga sinasabi ng mga kaibigan ko. Sa dinami dami ng sinabi nila sakin tig iisa ang hindi maialis sa isipan ko.

"Don't trust too much. Don't love too much. Don't hope too much. Beacuse that 'too much' can hurt you so much"Mark.

Tama naman ang sinabi niya hindi ko dapat iubos ang tiwala ko sa kaniya na hindi niya ako kayang lokohin hindi ko kailangan na mahalin ko siya ng buong buo kung kaya naman niya ako lokohin at iwan sa ere.

"Mas mabuti na 'yong saktan mo siya keysa naman sa patuloy kang masaktan sa isang taong hindi naman madaling pagkatiwalaan"Tristan.

Yon naman ang ginawa ko sinaktan ko siya pero mas nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang may kasamang iba. Shit kapag nga lang umiiyak na siya masakit na sa puso e.

"Kung patuloy mo siyang mamahalin mas lalo ka lang masasaktan mabuti na 'yong kalimutan mo na siya para hindi ka na masasaktan"Troy.

Paano ko siya makakalimutan kung palagi ko siyang nakikita? Paano ko siya makakalimutan kung hanggang ngayon hindi parin maialis sa isip ko ang mga masasayang memories namin. How? How can I forgot him?

"Napakatanga mo naman kase sinabi ko na sayo na kapag nagmamahal ka h'wag mong hahayaan na masaktan ang puso mo paano na lang kung mabaliw ka na lang dahil paulit ulit ka ng nasasaktan!"Carmela.

Yon naman ang naalala ko sa sinabi ni Carmela wala naman siyang matinong sinabi kaya 'yan ang naalala ko sa kaniya.

Napailing na lang ako dahil kapag si Carmela ang nagsalita tiklop na ako dahil ibubulgar niya ang nakaraan ko lahat.

"Mommy sa'n po tayo pupunta?"tanong ni Airon sa kalagitnaan ng paggagayak ko.

"Pupunta tayo sa bulacan isa sa mga bahay namin nila Carmela isasama ka namin hindi kitang pwedeng iwan baby"sabi ko sa kaniya tsaka ko pinagpatuloy ang paggayak ng iba pa namin gamit.

"May bahay kayo don mommy?"excited na sabi ni Airon.

"Yes baby kila Carmela 'yon pero ngayon samin na 'yon dahil don kami tumutuloy kapag pumupunta kami don"

"Excited na akong pumunta don paano 'yong trabaho mo mommy?"

"Nakapagpaalam na ako kay papa baby pinayagan niya ako mag leave na muna ng dalawang araw"

"Yey!"sigaw niya tsaka siya tumakbo papunta sa banyo. Napailing na lang ako tsaka ko pinagpatuloy ang paggagayak ng mga damit namin.

                                 ***

Nang sumapit ang alas otso ng gabi sinundo na kami ni Mark nagpaalam na kami kay mama na pupunta lang kami sa Bulacan ng dalawang araw tsaka rin kami babalik pag-uwe namin.

Masaya kaming lahat dahil babalik uli kami sa bulacan na marami kaming alaala na magkakaibigan.

Pinili kong umupo sa mismong tabi ng bintana mas gusto ko nakatanaw sa labas nakakagaan kase ng loob kapag nakatingin ka sa labas.

Maiingay ang mga kaibigan ko lalo na si Airon na hindi pa nakakapunta sa Bulacan kaya ang ingay ingay niya at palaging binabanggit ang salitang 'Bulacan' natatawa na lang kaming magkakaibigan dahil sa sinasabi ni Airon.

Nakatulog ako sa pagtitingin sa labas at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako ng marinig ko ang mura ni Mark sa likuran ko.

"Fuck! Fuck! Fuck!"sunod na sunod ang pagmumura niya habang nakatingin sa katabi. Nakita ko naman na may mga bote ng alak sa baba nila at paniguradong uminom na naman sila habang bumabyahe kami, may driver naman kami.

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon