Dahil Birthday ko ngayon hindi pinalagpas ni mama 'to pinagdebu niya ako sa magandang venue at sobrang daming tao pero okay lang naman sakin na simple lang pero para kay mama hindi pwede kase Birthday ko raw dumating na rin ang mga iba kong kamag anak galing sa ibat-ibang lugar.
Inaayusan ako ng make up artist na kinuha ni mama kasama ko ang pinsan ko na pinakaclose ko sa lahat nasa tabi ko siya at pinipicturan ako habang nakatingin sa salamin supportive pinsan ko yan sabay kami lagi maligo niyan kapag nagkakasama kami.
"Ate Karen labas lang ako may kukunin lang ako saglit"sabi niya. Tumango lang ako sa kaniya hindi ako makapagsalita dahil nilalagyan ng lipstick ang labi ko.
Mas matanda ako sa kaniya ng dalawang taon kaya ate pa ang tawag niya sakin pero parang magkapatid kami niyang kung titignan. Close kaming dalawa at siya lang ang kasama ko kapag gusto kong lumabas o ano.
Pinasuot na sakin ang Red Gown na pinili rin ni mama sabi niya lahat naman daw ng Gown bagay sakin pero dahil birthday ko naman daw Red na lang daw ang ipapasuot niya sakin. Sobrang ayoko ang kulay na Red kaya okay lang sakin kahit na ayoko talaga.
Pinasuot din nila ako ng high heels na may 3 inches ang taas ayoko ng masyadong mataas dahil baka matapilok lang ako sa harap ng maraming tao.
Bumalik naman agad ang pinsan ko kinuha lang niya 'yong power bank niya na naiwan sa van. Maya maya lang pumasok na ang mga kaibigan ko.
"Happy birthday to you, Happy birthday to you, Happy birthday Happy birthday Happy birthday dear Karen"kanta nila lahat. ng gaganda nila sa suot nila kaya naman napangiti ako kahit ang mga lalaking kaibigan ko ang gwapo nila talagang pinaghandaan nila 'to.
"Thank you guys"hindi maalis alis ang ngiti ko habang nakatingin sa kanila sobrang saya ko dahil meron akong kaibigan na gaya nila.
Nag-istay lang sila ng isang oras at bumalik sa venue dahil magsisimula na ang debu ko.
"Ladies ang Gentlemen please welcome to our debudant Miss Karen Eizel Bautista"dahan dahan akong lumabas at naglakad papunta sa gitna ng stage nilibot ko ang tingin ko sa paligid ko sobrang daming tao at karamihan mga kaklase ko ngayon Grade 10 at mga kamag anak ko mga ninang at ninong ko.
Syempre ang escort ko si Kuya na sobrang gwapo sa black suit niya. Hawak niya na mahigpit ang kamay ko. Pinaupo na muna ako ni Kuya tsaka na muna pinakain ang mga bisita para hindi sila magutom mukhs kaseng magtatagal ang birthday celebration ko.
Kinalabit ko si Kuya na nakatayo sa gilid ko nakangiti naman na tumingin siya sakin.
"Are you okay now?"nag-aalala na sabi ko.
"Ofcourse okay na ako kaya ko rin naman mag-move on sa kaniya and I did kaya ngayon okay na ako"
"Baka naman hindi ka okay? Sa kakasabi mo na okay ka lang pero sa loob loob mo hindi ka okay h'wag kang magsinungaling sakin Kuya"
"Promise, okay na talaga ako"tinaas pa niya ang kanang kamay na parang nanunumpa.
"Promise?"
"Promise!"sabi niya tsaka siya ngumiti sakin na pagkalaki laki. Napangiti rin ako sobrang swerte ko sa Kuya ko talagang bumabawe siya sa mga araw na hindi ko siya kasama sa bawat araw ramdam ko ang pagmamahal sa araw araw na 'yon parang taon na sakin dahil sa nakikita ko sa kaniya.
Sa mga taong nakapaligid sakin alam kong mga tunay sila dahil sa mga pinapakita nila na pagtatanggol sakin sa pagturing sakin na boss sa classroom namin sa pagturing bilang prinsesa nila Mark sa pagturing bilang kapatid nila Natalie sa pagturing sakin na kaibigan ni Tim kahit na may bagay na kaming dalawa lang ang nakakaalam tungkol sa pagconfess niya sa nararamdaman niya para sakin pero siya parin ang kaibigan ko na nakilala ko sa hospital.
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomansaAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...