Tumulo ang luha ko habang papunta sa bahay namin. Hindi ko lubos akalain na may lakas pang magpakita sakin ni daddy tapos may gana pa siyang sabihin sakin na babalikan niya kami ni mama.
"Masyado na bang masakit, baby girl?"mahina sabi niya. "Just tell me baby"nakikiusap na sabi niya.
"Sobra, Steven masakit na sa puso. You think na kaya ko pa ang ganitong sakit? Sawang sawa na ako sa ganito Steven"
"Nakayanan mo ang lahat habang wala ako sa tabi mo Karen. Sa tingin ko kaya mo parin naman 'yan kahit wala ako sa tabi mo pero hindi mo kailangan sumuko masyado ka ng maraming napagdaanan ngayon ka pa ba susuko?"
He's right. Pero ngayon ko lang kase naranasan ang ganitong sakit sa pamilya ko dati kase panay tawa lang ang nakikita ko sa mga mukha ng mga magulang ko pero hindi ko akalain na may kapalit din pala 'yon.
Pero iniisip ko masyado na kaseng masakit kailangan ko ng magpahinga! Gusto kong maging masaya uli pero pa'no naman ako magiging masaya? Kung hindi naman kami kumpleto?
"Hindi ako susuko Steven. Kung 'yon ang mas nakakasaya sa inyo. Hindi ako susuko kahit na nahihirapan na ako"
"Good, Im always here for you baby girl. Im not leaving you anymore"
"Sana"
"Hindi na ako aalis sa tabi mo Karen, ayokong makita kang nag-iisa at nasasaktan sa isang tabi"
"Salamat Steven, salamat kase nagpakita ka ng biglaan ngayon ko lang naranasan na may kapatid na dinadamayan ako bukod sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko"
"Mabuti na lang at sinabi sakin ni daddy na may kapatid akong kasing ganda mo na babae"
"Alam ko naman na maganda ako Steven hindi na 'yon maipagkakaila sa ganda kong 'to? Maraming nahuhumaling at nagkakandarapa sakin ng mga lalaki!"natatawa na sabi ko.
"Yan ngumiti ka na rin sa wakas. Sana magtuloy tuloy na 'yang ngiti mo"
"Ngingiti lang ako kapag nakapagtrabaho na ako sa Hospital"
"Bakit magtratrabaho ka ba sa hospital?"tanong niya. Ngumiti naman ako. Pabalik balik ang tingin niya sa'kin pati sa kalsada.
"Mmmm, tutulungan ko si mama sa pagtratrabaho hindi kase kami mabubuhay sa paglalabandera ni mama magkano lang kase ang kinikita niya e hindi pa 'yon kasya sa pangangailangan namin ni mama lalong-lalo na sa bahay"
"Wag kang magtrabaho Karen, tutulungan ko na lang kayo ng mama mo"
"Thanks, pero hindi na kailangan Steven. Magtratrabaho parin ako sayang kase ang oportunity e. Gusto ko rin kase malaman ang pagdodoctor habang maaga pa at tsaka kay papa naman ako magtratrabaho"
"Ano ba Trabaho mo don?"
"Assistant ni papa, aalamin ko ang mga schedule niya tapos kung kailangan niyang icheck ang pasyente at tsaka kung sino at kailan ooperahan ang pasyente pero mukhang hindi ko na ata kailangan alamin ang mga 'yon kase alam na ni papa lahat 'yon. Pinagbigyan niya lang ako magtrabaho dahil gusto ko maging doctor"
"Napakasipag mo naman talaga baby girl kailangan pagdating ng araw doctor ka na ah?"
"Oo naman Steven, pangarap ko 'yon e"
Tumango siya sakin at ngumiti at binalik sa tingin ang kalsada pero kumunot ang noo ko ng mamukaan ang motor na nakaparada sa tapat ng bahay namin. Hininto agad ni Steven ang kotse at agad agad na bumaba ng kotse.
Halos madapa pa ako kakamadali sa pagpasok sa bahay.
"Mama?"sigaw ko ng makapasok ko sa bahay. Sumunod sakin si Steven at nilibot niya ang paningin sa buong bahay. "Mama! Nasan ka?"sigaw ko uli.
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...