HP 1

3.5K 70 27
                                    

Alisis.



"Takbo bilis!" Natataranta niyang sigaw sa akin kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko. Kanina pa kaming takbo ng takbo dahil hinahabol kami. Ayokong mahuli baka anong gawin sa akin eh huhuhu.

"Huwag mo akong iwan!" Sigaw ko sa kaniya habang sumusunod sa kaniya. Ang layo na ng natakbo niya pero halos maiyak na talaga ako dahil malapit na siya sa akin.

Narinig ko pang natatawa ang nasa unahan ko at tumigil siya sa pagtakbo.

"Hahahaha ewan ko nalang talaga sa'yo Alisis!" Tawa niyang turan kaya napasimangot ako at tumigil na sa pagtakbo. Nakakainis talaga siya! Palagi niya nalang akong inaasar.

Lumingon ako sa humahabol sa amin and seeing its small body, small paws and cute face.

"Niloloko mo na naman ako Venedict! Hindi naman nangangagat 'yang tuta na 'yan eh!" Inis na sigaw ko sa kaniya at napaupo nalang sa kalsada dahil sa pagod.

Iniinis niya kasi ako, sabi niya may nakakalalang rabis daw ang tuta na 'yan at alam ko naman 'yon. Ang nakakainis lang kasi sabi niya, may kapangyarihan daw 'yan na siyang makakapagpahina sa amin.

"Hoy bruha! Isang Venedict mo pa, kokotongin na talaga kita!" Sigaw niya naman kaya ako naman ngayon ang napangiti ng matamis.


He really hates being Venedict.

"Venedict!" Sigaw ko sa kaniya at mas lalo siyang napasimangot sa isinigaw ko sa kaniya at halos maalerto ako ng bigla nalang siyang tumakbo sa direksiyon ko.

Nataranta naman akong nagteleport papuntang bahay hanggang sa napaupo ako sa sofa.


Oh my God! Buti nalang walang tao do'n! Baka may makakita sa amin!

May napansin akong gintong liwanag na bilog na lumitaw at lumabas do'n si Venedict. Naka-pout pa siyang nakatingin sa akin kaya natawa nalang ako at nag-peace sign sa kaniya.

"Pawisan na kayong dalawa." Napatingin kami kay Auntie Azania habang bumababa siya galing ng hagdan.

"Magpapalit naman po kami ng damit." Turan ko naman sa kaniya at akmang tatayo na ako ng bigla nalang naging seryoso ang ekspresiyon ni Auntie Azania.

"B-Bakit po?" Utal kong sambit at narinig ko pa ang mahinang hagikhik sa katabi ko kaya kaagad ko siyang tinignan ng masama at tumingin ulit kay Auntie.

"Ilang tanong ko na'to sa inyo, kailan kayo babalik sa Avalon?"


Avalon. Ang lugar kung saan makikita namin ang kauri namin, ang mga kasing-lakas namin, mga kalaban at kakampi. Palagi na sa aming ikinukuwento ni Auntie Azania ang lahat kung paano nagsimula ang lahat, kung paano umiksena ang mga magulang namin, paano nila kinalaban ang isa't-isa noon at kung paano sila naging mga bato. Paano sila nagkahiwa-hiwalay at kung paano sila iligtas ng mga magulang namin.


Auntie told us that Eastherian is the real enemy, they attacked them no'ng pauwi na sila sa isang palasyo. Kasama do'n ang nanay at tatay ko at dahilan kung bakit hindi kami nagkasama. May war daw kasi ang Westheria at Natharia at hindi nila alam na hindi talaga sila ang magkalaban. Its because of Natharian naman kasi dahil mali sila ng pinaniniwalaan, there is no curses naman talaga. Auntie told us na greedy daw sa kapangyarihan ang papa ni nanay na siyang nalaman nalang nila na magkadugo sila in the middle of the battle.


Its good that we have Auntie dahil hindi siya pareho sa iba na ibinilin lang ang anak, aakuhin na kapag napamahal na. Auntie told us about our families, family namin ni Venedict at masasabi kong it so tragic to be there kaya paulit-ulit din naming sinasabi sa kaniya na hindi pa namin kaya to take the responsibility. We are not trained, we are not muscular to beat them, and I know we are not that powerful to change the destiny of what Auntie told us.

Academia: Hidden Powers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon