HP 42

933 33 1
                                    

Alisis.

"Paanong patay na siya? Kakausap ko lang sa kaniya bago ka dumating?" Taka kong tanong pero may nararamdaman na akong takot dahil baka nga kaluluwa na ang kausap ko. Akala ko ba kakayahan niya lang maglaho?

"Sekretarya ng Headmistress dito si Azumarill kaya kilala siya ng lahat kaya agad kumalat ang balita nang mamatay siya. Nakalabas kasi ang dalawang lalaki na pumatay sa kapatid niya no'n, at hindi daw sa inaasahan ay binalikan siya ng dalawang lalaki dahil sa pagsumbong niya sa nakakataas." Paliwanag niya kaya agad naman nanigas ang buo kong katawan dahil sa sinabi niya.

"Nasaan na ang dalawang lalaki na 'yan?" Tanong ko ulit.

"Pinatay na sila, ayaw na ayaw ng Headmistress na may gulo sa Satharia Academia kaya iniligpit siya ng mga Royal blooded."

Hindi parin talaga ako makapaniwala na patay na si Azumarill, pero ba't gano'n? Bakit ko siya nakausap? Bakit ko siya nakita? Ano ba talaga ang dahilan bakit siya nagpakita sa akin? Is it a good news for me kasi wala na siya at wala ng nakakaalam pa sa sikreto ko?

"Alisis, mukhang iniisip mo parin ang kagabi ah?" Napalingon ako kay Olcor dahil sa sinabi niya kaya agad naman akong tumango at the same time, nalungkot.

"Anong meron kagabi?" Napalingon naman kami kay Chester na nakataas ang kilay kaya agad naman akong natawa dahil sa itsura niya. Nakapamewang pa siya kaya mukha siyang baklang tignan.

"It's a long story Chester, baka pati ikaw ay hindi makapaniwala. 'Yang iniisip mo talaga minsan napakarumi." Agad kong turan sa kaniya at napa-pout nalang siya sa akin. Narinig ko pang napa 'tsk' si Olcor dahil sa inasal ni Chester.

"Kakayanin ba talaga nating apat ang misyon na'to?" Napatingin naman ako kay Sera na may kaba parin sa ekspresiyon niya. Binigyan ko lang siya ng ngiting matamis para pagaanin at palakasin ang damdamin niya.

"Remember Sera? Apostle kita kaya dapat mas malakas ang loob mo sa akin, dapat mas malakas ang emosyon na meron ka at dapat mas matapang ka sa akin." Sabi ko sa kaniya at napangiti nalang siya dahil sa sinabi ko.

"Tama siya Sera, maging malakas ka at patunayan mo sa lahat na kayang-kaya mong lumaban. Nasa atin ang kapangyarihan ng Ancient Knights kaya huwag kang mag-alala. Hindi din tayo pababayaan ni Alisis, walang masamang mangyayari sa atin kapag nandiyan siya." Sabat naman ni Chester kaya tumango nalang ako para sabihing agree ako sa sinabi niya.

Hindi na kailangang itago ang kakayahan nila dahil kalat na 'yon sa buong Satharia kaya nirerespeto ng lahat ang mga presensiya nila. Ang akin lang, puwede itong makarating sa mga kalaban. Baka magka-interes sila sa mga kapangyarihan nila.



Academia: Hidden Powers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon