HP 52

837 31 0
                                    

Athena.




"Masiyado ng magulo ang buong Satharia dahil sa presensiya niyo, dahil sa inyo ay unti-unti nang nababalutan ng takot at pangamba ang buong estudyante sa loob ng Academia." Habang nakaupo kami sa malambot na kulay itim na sofa, ang mga seryosong mata na siyang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya, ay siyang hindi rin kami makapaniwala dahil sinisisi niya kami sa lahat ng mga nangyayari dito.


"Diba dapat ikaw ang sisihin?" Napalingon kami kay Wenessa dahil sa biglaan niyang pagsabat. Agad siyang tinignan sa mga mata ni Avanza, the Headmistress of this Academia na ngayon nalang namin nakita matapos ang labanan no'n between Satharia at Natharia.


"Paano mo naman nasabing ako dapat ang sisihin, estudyante? At may karapatan ka pa talagang sabihin iyan sa harapan ng mas nakakataas sa'yo?" Seryosong turan ni Avanza pero napangisi nalang ako sa sinabi niya.



"We are not your students, we are here for a mission. Misyon na siyang ikakapayapa ng buong Avalon, eh ikaw? May nagawa ka ba para maging payapa ang buong Satharia? Ang buong mundo? At kinokonsidera mo pa talaga ang sarili mo na mas mataas sa amin eh wala ka ngang nagawa?" Hindi mawala-wala ang ngisi sa labi ko para pang-inis kay Avanza. Napansin kong natigilan siya dahil sa sinabi ko, napansin kong hindi siya makahanap agad ng isasagot.




"Titan Goddess of Reincarnation? Totoo ba talaga na 'yan ang responsibilidad mo sa mundong 'to? At 'yon ang ginagawa mong dahilan para hindi ka lumabas ng Satharia at magtago nalang na parang isang hayop na naduduwag sa paparating na bagyo?" Dagdag kong turan sa kaniya, ewan ko ba pero ang apoy na meron ako ay nakakaramdam din. Ang apoy na galing sa isang dragon ay parang nagsasabing hindi siya isang Titan Goddess of Reincarnation, na nagsisinungaling lang siya, na may itinatago siya sa amin.




"I am the Titan Goddess of Reincarnation, at huwag kang pasisiguro na isa akong hayop na nagtatago lang sa paparating na bagyo. At anong sinasabi mo na wala akong nagawa sa buong Avalon? Sa buong Satharia? Naitayo ang eskwelahan na'to para mabihasa ang mga kapangyarihan ng mga Satharians. Sa sitwasiyon na 'yon, may naitulong na ako, may naipundar na ako sa buong Avalon." Siya na ngayon ang nakangisi, siya na ngayon ang lamang sa amin pero hindi ako magpapatalo.



"Pero hinayaan mo si Dracunox na sakupin ang buong Natharia at muntikan na ang iba pa. Anong naitulong mo sa laban? Kung hindi pa dumating ang lola nina Menesis at Genesis ay hindi ka gagalaw, hindi ka kikilos. Bakit? Pipigilan mo ba talaga ang laban na 'yon kung hindi dumating ang babaeng 'yon? Kung hindi dumating ang Titan Goddess of all Goddess?" Balik bato ko sa kaniya kaya siya naman ngayon ang natigilan dahil sa sinabi ko, ako na ngayon ang nasa tamang puwesto.




"Wala kang karapatang sabihin 'yan sa aki—"



"At may naitulong ka ba no'ng mawala ang isa sa mga estudyante mo?" Turo ko kay Seyvana na ngayo'y nakayuko na dahil sa hiya.


"She was took by a Devil Lord at muntikan na siyang pag-eksperimentuhan, bakit kami pang mga taga-Natharia ang kumilos? Bakit walang nakaalam sa pagkawala ng isa sa mga estudyante niya? Bakit hindi man lang kumilos ang mga Royal blooded? Ang mga Diyos ninyo?" Dagdag ko pang turan at napansin ko ang pagtayo ni Daneel at masama akong tinignan.


"Dahil hindi kayo nakinig sa amin! Ang sabi namin, kami na ang bahalang humanap sa kaniya pero nagmatigas parin kayo!" Sigaw niya sa akin at isa-isa kaming tinignan sa mga mata kaya agad akong napangisi.



"Bakit? Bakit kayo nagpapigil? Diba mga Royal blooded kayo? May karapatan, mas maharlika at mas may karapatang tumulong dahil estudyante niyo ang nawala? Pero ano? Wala kayong nagawa, wala kang nagawa Daneel. Isa lang kayong display sa Satharia, mga laruan." Sa sinabi kong 'yon ay akmang susugod siya sa akin nang bigla nalang kaming napatingin sa harapan at kita namin ang lamesa ay nahati na ngayon sa dalawa.


Academia: Hidden Powers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon