Venedict.
Kanina ko pa naiisip, kung isang specialist ang nanay ni Serafina, specialist na pala ang babaeng 'yon kahit hindi siya binigyan ng kapangyarihan ni Alisis. Ang nakaka-ironic no'n, ayaw niyang magkaroon ng kapangyarihan dahil ayaw na ayaw niya pero may dugong specialist na pala siya.
"Anong iniisip mo, Venedict?" Napatingin ako kay Wyeth na nasa tabi ko at parang alalang-alala siyang nakatingin sa akin.
"Wala naman, kaya huwag ka ng mag-alala diyan." Turan ko sa kaniya at napansin ko pa ang pagbuntong-hininga niya.
Nakita namin si Laura kanina na naglalakad-lakad sa buong kastilyo, kahit nakasuot 'yon ng itim na roba ay hindi mo maaalis na isa talaga siyang puting bampira. Hindi man sabihin ng mga prinsipe, binabantayan parin nila ang kinikilos ni Laura na baka makagawa siya ng kakaiba. Pero nalulungkot ako para sa kaniya, halata kasing inlove na inlove talaga siya kay Xyron pero parang walang nararamdaman si Xyron sa kaniya.
Xyron is a cold vampire, hindi siya palangiti at hindi siya nagpapakita ng ekspresiyon. I wonder kung bakit? Kasi sa pagkakaalam ko, lahat ng mga cold ay may pinagdaanan na no'n. Kaya nasisigurado akong may pinagdaanan si Xyron kaya ganiyan siya ka-cold.
"Kailangan na nating maghanda, Venedict. Susugod na tayo sa kastilyo ng mga puting bampira para iligtas ang asawa ng ina ng kaibigan mo." Sabi niya kaya napatango nalang ako.
Ewan ko pero hindi parin ako mapakali, hindi parin ako mapakali dahil sa naging mate niya noon. Isang specialist, babaeng specialist at hindi ko maintindihan kung bakit hindi sila nagkatuluyan. Kakayahan ni Wyeth na i-mate ang dalawang bampira at kaya niya ring ipawalang-bisa ang bond ng dalawa. Ano kayang nangyari sa kanila?
Napakarami ko paring tanong na hindi pa nasasagot, kailangan ko na ba siyang tanungin? What if ayaw niyang pag-usapan? What if ayaw niya ng balikan ang nakaraan? Pero alam ko namang walang mawawala sa akin kung magtatanong ako diba? Wala nga ba?
"Paano nga pala nabuksan ang mga pinto ng bawat mundo, Wyeth?" Tanong ko nalang sa kaniya kaya napansin ko ang pag-seryoso ng mga mata niya.
"Ewan ko pero dahil 'yon sa mga Diyos. Alam kong may Diyos ng pagkabuhay at pagkamatay, Diyos ng pagkasira at pagkaayos at Diyos ng oras. Sila lang naman ang may kayang gawin ang lahat, pero sa pagpunta ko sa Avalon ay nakita ko kung paano naging bato ang isa sa mga Diyos na nabanggit ko." Sagot niya na kahit hindi ko masiyadong maintindihan pero tumango nalang ako.
"Ang Diyos ng oras, pinaglaruan nila ang oras kaya mas lalong bumukas ang mga pinto ng bawat mundo. Bumalik ang mga nilalang na hindi naman dapat nasa oras natin ngayon." Dagdag pa niya.
Siguro pagbalik ko sa Avalon, kailangan kong sabihin sa kanila na ang mga Diyos na binanggit ni Wyeth ay siyang dapat hanapin para hindi na mabuksan ang bawat mundo.
Pero nang dahil sa mga pinto na 'yon ay nakilala ko si Wyeth, nakilala ko ang lalaking nagpatibok ng puso ko.
Hayst kaloka! Alam kong hindi ako babae at paulit-ulit na sumasagi sa isip ko na huwag ako masiyadong choosy o maarte baka kasi hiwalayan ako at ipawalang-bisa niya ang bond naming dalawa. Pero may tiwala naman ako kay Wyeth kaya alam kong hindi niya gagawin ang mga naiisip ko.
"Venedict, hindi rin naman ang Avalon ang nangangailangan ng tulong ng kaibigan mo. At may mga sikreto pa na dapat mong malaman na hindi ang mga nasa paligid mo dapat magsabi sa inyo." Bigla naman kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sikreto? Na dapat ako lang ang makaalam?
BINABASA MO ANG
Academia: Hidden Powers
FantasiStarted: August 21, 2019 Ended: February 06, 2020 U N E D I T E D Academia 2 They are not actually the cursed, they are just powerfully gifted. They are the real product of truth and lies, and it is already predicted. Another secrets will be reveal...