HP 59

824 33 1
                                    

Athena.






Napatingin ako kay Enexx dahil sa sinabi ni Beezlebub, nakita ko ang pagtagis ng mga panga niya, mga ngipin niyang nagngingitngit at mga palad na nakakuyom. Hindi—hindi totoo ang mga sinasabi ng mga demonyong 'to, they are just playing around dahil do'n sila magaling, ang paglaruan ang mga biktima nila.





Ang dami ng problema, ang dami pang katanungan na hindi nasasagot. Kung sino ang babaeng Diyosa na tinutukoy ng mga lalaking 'yon, kung sino at bakit kalaban si Azania at ano ang rason niya even we are not close ay kilala ko parin siya at matalik siyang kaibigan ng mga kasamahan ko ngayon. Mga problema na bakit nila ito ginagawa sa amin, na bakit gusto nila kaming patayin at bakit din hindi nabuhay si Ignite at bakit ang mga anak nina Levinas at Genesis ay nasa kanila?





"Huwag niyo na kaming paglaruan mga demonyo, kahit anong sabihin niyo ay hindi niyo kami maloloko. Alam ko na ang mga ganiyang istilo, para magkaaway-away kami pero puwes, sikreto man ang kalaban namin, may sagot kaming mga nakahanda." Turan ko na ikinangisi lang ni Lerves, ang siyang pinakamakapangyarihang Devil Lord, siya ang unang anghel na ginawang perpekto, nasa kaniya na ang lahat noon pero pinili niya parin maging sakim sa kapangyarihan, pinilit niya parin maging isa sa mga makapangyarihan.




"Kung 'yan ang pinaniniwalaan mo Athena, wala akong problema diyan. Mamamatay din naman kayong lahat sa mga kamay namin." Ngising turan ni Beezlebub kaya mas lalo akong nanggalaiti sa galit. Bakit parang ang dali-dali lang para sa kanila na sabihin na papatayin nila kami nang ganoon lang kadali? Bakit parang napakadali lang para sa kanila na banggitin ang salitang 'yon? Madali lang para sa kanila dahil mga demonyo sila. Hindi sila takot sa amin, hindi sila takot na mamatay, hindi sila takot pumatay dahil pumatay man sila o hindi, babalik at babalik sila sa impyerno.





"Talaga? Paano mo naman nasabing mapapatay mo kami gano'n-gano'n nalang?" Napalingon kami kay Dracunox dahil sa sinabi nito. Ngumisi lang ang dalawang demonyo, naglakad papalapit kay Beezlebub si Lerves kaya mas lalo namin silang nakikita ng malapitan, harapan, mata sa mata.




"Ako ang kalabanin niyo, huwag ang mga kasamahan ko." Nalipat na naman ang mga tingin namin kay Enexx dahil sa sinabi nito, kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito na para bang ang dali-dali lang para sa kaniyang sabihin at gawin 'yon.



"Ano ba Enexx? Hindi mo sila kakayanin." Diing bulong ko sa kaniya pero hindi niya ako narinig o sadiyang hindi niya lang ako pinakinggan. Minsan, ayoko sa side niya na napakulit, 'yong tipong hindi kaniya pakikinggan dahil may sarili siyang pinaniniwalaan.





"Harapin niyo 'ko!" Mas lalo akong nagalit dahil sa sigaw ni Enexx, mas lalong uminit ang ulo ko.



"Huwag ka ngang magulo Enexx, bakit ba ang hilig mong makialam?!" Sigaw ko narin pati si Senny ay sigaw ng sigaw sa pangalan niya. Lumingon sa akin si Enexx, nagulat ako dahil sa lungkot ng mga mata niya, hindi ko maintindihan pero kinabahan ako sa inaakto niyang 'to.





"Athena, hindi mo ba alam na minahal ka niya no'ng araw na bumisita ka sa impyerno? Siya lang ang may kakayahang buksan ang impyerno maliban sa akin kaya nakalabas siya, mahal ka niya kaya siya sunod ng sunod sa'yo. Nilagyan pa niya ng ibang memorya ang utak mo at ang utak ng mga magulang na kinalakihan mo noon, mga memorya na naging parte siya ng pamilya niyo. Napagtagumpayan n—"



"Huwag kang magsalita dahil hindi ko tinatanong at wala akong pakialam!" Sigaw ko kaya natigilan naman si Lerves at nawala ang ngisi sa mga labi niya. Tinignan ko sa mga mata si Lerves at galit siyang hinarap.



"Kapag hindi ka kinakausap, tumahimik ka dahil hindi kami ang mamamatay kundi kayo. Kaya kung puwede lang, huwag kayong makialam?" Seryosong turan ko, wala akong pakialam kung ano ang nangyayari ngayon pero gusto kong malaman ang lahat.





Academia: Hidden Powers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon