Alisis.
Kanina pa kami sa school dahil nagpa-practice na kami ng graduation ceremony. Kung paano kami papasok, lalabas at paano namin tatanggapin ang diploma gamit ang kanan naming kamay para mailipat sa kaliwa.
Different laughter, stories and memories we shared here in school. Mga tawa ng iba't-ibang estudyante, mga istorya ng bawat isa at ng mga memories ko dito. Ang magandang nangyari lang naman sa buhay ko ay si Venedict at si Sera, wala ng iba.
"Alisis!" Agad akong napalingon sa may sumigaw at napangiti ako ng nakangiting kumakaway si Sera na papalapit sa akin.
Matapos ang ilang araw ay natanggap niya na ang kakayahan na meron siya pero wala pa kaming alam kung anong klaseng abilidad na meron ang katawan niya. Nagtataka nga ang ibang mga estudyante kung bakit naging light blue ang mga mata nito kaya todo bigay ng rason na nagko-contact lens siya na may grado dahil sa panlalabo na ng mga mata which is pinaniwalaan naman kaagad nila.
She accepted the fate she have, ang buhay na meron siya ngayon at kung bakit nabubuhay pa siya. She once said that her second life is belongs to me so she will do everything to protect me. But still hindi ko parin maiwasang hindi manghingi ng sorry sa kaniya dahil nilabag ko ang kagustuhan niya na huwag siyang bigyan ng kung anong abilidad.
"Kanina ka pa namin hinahanap ni Venny dahil nga magpapatulong siya sa mga decorations para sa party." Sabi nito kaagad habang hinihingal pa ng kaunti.
"Akala ko kasi kaya niya na, sabi niya kanina he can do it naman." Turan ko kaya napahagikhik siya.
"Knowing Venny, Alisis. Minsan hindi niya nagagawa kung ano ang inilalabas ng bibig niya." Ngising sambit ni Sera kaya ako naman ang napahagikhik.
"Sos! Sabi ko Serafina tawagin si Alisis, hindi makipagkuwentuhan!" Agad akong napalingon sa likuran ni Sera dahil sa paglitaw ni Venedict na nakabusangot. Lumingon din si Sera na may maliit na ngiti sa mga labi.
"Kayo talaga." Sambit ko nalang at umakbay sa kanilang dalawa ng magkalapit na kami sa isa't-isa. Matangkad si Venedict kaysa sa akin kaya nahihirapan akong abutin ang balikat niya kaya ending, lumingkis nalang ako sa braso niya.
"Bakit ka umalis do'n Venny? Papunta na talaga kami ni Alisis do'n eh." Tanong ni Sera na ngayo'y mas lalong nagpabusangot sa mukha ni Venedict.
"I don't want to be with those boys! Ang dami-dami nila tapos binobola pa ako na kayang-kaya ko na daw mag-decorate but haler! Hindi ako uto-uto para magpadala sa kanila no! Psh." Malditang turan ni Venedict kaya napahagikhik kami.
Nagtatawanan pa kami habang naglalakad ng mapansin naming maraming nagbubulung-bulungan.
"God! Ang laki ng sunog grabe!"
"Kanina pa ba 'yon?
"Ngayon-ngayon lang. Balita ko bahay nila Chester ang nasusunog."
Bigla akong napatingin kay Venedict at agad nagkunot ang noo nito.
"Huwag na huwag mong gagawin 'yan Alisis. Baka mapahamak tayo." Agad nitong sabi na wala pa akong nasasabi.
"Pero Venedict! Kailangan niya ng tulong!" Sigaw ko na sa kaniya ngayon at napatakip pa siya sa kaniyang tenga. Kahit kailan talaga ang arte ni Venedict.
"Tapos anong gagaw— hoy Alisis!"
Hindi ko na siya pinakinggan at tumakbo kung saan ang may sunog. Napatingin ako sa kalangitan at may napansin nga akong makapal na usok kaya siguradong malapit lang din ang bahay nila dito. Takbo lang ako ng takbo, ramdam na ramdam ko naman ang presensiya nina Sera at Venedict pero hindi ko sili nilingon pero hindi rin naman nila isinisigaw ang pangalan ko kaya hindi sila tutol. Wala akong ibang kilalang Chester kundi ang lalaking mahilig mam-bully ng kapwa.
BINABASA MO ANG
Academia: Hidden Powers
FantasyStarted: August 21, 2019 Ended: February 06, 2020 U N E D I T E D Academia 2 They are not actually the cursed, they are just powerfully gifted. They are the real product of truth and lies, and it is already predicted. Another secrets will be reveal...