HP 9

1.2K 45 1
                                    

Alisis.




Pagpasok pa lang namin sa eskwelahan nila ay agad kong naramdaman ang mga iba't-ibang klaseng presensiya, kakaibang kapaligiran, atmospera at ang kapangyarihang bumabalot sa buong Satharia Academia. Tumingin ako sa itaas at napansin kong may nag-go-glow do'n and I think they called it barrier para walang makakatakas at makakapasok.

Lumingon ako kung saan kami pumasok, the mini door. Hindi 'yon lock pagpasok namin kaya delikado din 'yon para sa mga estudyanteng nagsasanay sa loob. Puwede silang salakayin kung may magtatangka and worst—hindi sila makakalaban dahil bago pa silang nag-aaral kung paano nila gamitin ang mga kapangyarihan nila.



"Puwede po ba kaming lumabas ng eskwelahan kapag may kailangang puntahan? I mean hindi po kasi namin matiis na hindi bisitahin ang mga magulang namin." Pagsisinungaling ko and please forgive me my Lord in heaven sa hindi ko pagsasabi ng totoo.


"You can ask permission sa Headmistress dito, huwag kayong mag-alala dahil hindi naman siya strikta. Just follow her para madali ang usapan." Turan nito sa amin kaya tumango nalang ako para ipakitang naiintindihan ko.


Sunud-sunod lang kami sa kaniya at kasabay no'n ang paglibot ng mga mata ko sa kapaligiran. Opposite ito sa labas, gloom siya kung tignan. More on black and red ang nandidito, mga bulaklak na puro pula at itim lang ang kulay at may malaking paru-paro pa do'ng lumilipad mag-isa na parang sinosolo ang mahalimuyak na mga bulaklak. The buildings, its divided in to three.


"Sa tatlong gusali na 'yan, nasa gitna ang office ng Headmistress, ang room ng mga Royal blooded at ng mga Diyos dito. Nasa magkabilang-gilid naman ang mga specialist na may kakaibang kapangyarihan kaysa sa Natharia." Pagpapaliwanag nito sa amin.

"Ang lalaki ng mga building dito ah?" Manghang turan ni Chester na nakanganga pa. Tinakpan agad ni Sera ang nakangangang bibig nito gamit ang palad niya.

"Don't talk Chester, diyan tayo napapahamak." Bulong ni Sera pero rinig na rinig ko naman.


Hindi naman nakakatakot ang lugar, its just that hindi mo lang talaga maiwasang hindi makaramdam ng kaunting takot dahil sa kakaibang lugar. Hindi ko inaasahan na ganito pala sa loob, malayong-malayo sa labas ng eskwelahan. Oo nakakamangha sa labas pero mas nakakamangha ang mga bagay-bagay dito sa dahil sa lawak, linis at ganda ng bawat eskinita.

Agad kaming pumasok sa pasilyo ng nasa gitnang gusali.

"Konektado ang tatlong gusali dito kaya hindi kayo maliligaw kung may gusto kayong puntahan. Just be careful dahil mga loko-loko din minsan ang mga estudyante dito."

"Sir Satro, kung hindi niyo po nalalaman, may kasama din kaming loko-loko kaya patas na din. Siya ang ipapain namin kapag may gustong kumalaban sa amin." Natawa ako sa tinuran ni Venedict na nakangisi na ngayon at napansin kong nakakunot ang noo ni Chester.


"Talaga? Meron din kasi akong kilala na mas loko-loko sa lahat. At huwag niyo na rin akong tawaging kuya, hindi lang naman nalalayo ang edad natin. I'm just nineteen." Agad akong nagulat sa sinabi ni Kuya Satro. Napasinghap din si Sera at Venedict dahil sa nalaman.

"Ang OA niyo naman, ngayong lang ba kayo naka-encounter ng nineteen years old?" Inis na turan ni Chester.



"Ibang-iba ang oras ng Avalon sa mundo ng mga tao. Isang taon do'n, labinwalong taon na dito. Pero hindi tumatanda ang mga specialist na nanggaling sa Avalon kapag pumunta sila dito, they will become more younger."


Academia: Hidden Powers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon