Venedict.
Napakaaliwalas, masarap ang hanging humahampas sa buong paligid at ang natural na init ng araw na siyang humahaplos sa balat ko ay nagbibigay ng pakiramdam na sarap na sana wala ng gulong magaganap pa sa Verdugal. Hindi 'yon gano'n kalaking laban pero masasabi kong masiyado 'yong madugo. Maraming namatay sa mga puting bampira pero kaunti lang ang nawalan ng buhay sa itim na mga bampira but still sad for the black vampires.
Balitang-balita sa buong kastilyo dito kung paano ko napatay ang tatlong prinsipe ng mga puting bampira. Ang dalawa oo, pero ang isa ay hindi ako sigurado kung patay na ba. Tanging ang portal na gawa ko siyang lumamon sa buong katawan ng prinsipe na 'yon.
Nandito ako sa pinakatuktok ng kastilyo, 'yong parang nasa Rapunzel? Para tuloy akong si Rapunzel na palaging tinatanaw ang labas at ibaba, pero ang pinagkaiba ay hindi ako kinulong at wala akong mahabang buhok-mahaba buhok ko pero ako lang ang nakakakita!
Ang mga maliliit na bampira ay parang mga langgam kapag isa ka lamang ordinaryong tao pero kitang-kita ko ang mga pinaggagawa nilang lahat. This vampire senses are also useful, kahit gaano kalayo ang isang tao ay makikilala't-makikilala mo parin dahil sa mga kakaiba mong mga mata at matatalas na mga tenga na maririnig mo kahit mahinang kaluskos lang ng kung anong bagay. Pati ang lakas ko ay nadagdagan, ang katawan ko ay parang mas tumigas at ang balat kong para ng balat ni Wyeth, maputla.
Dinamdam ko ang hangin na humahaplos sa mukha ko, ang sarap sa pakiramdam na unti-unti ka ng natatanggap ng buong kastilyo at pati na ang mga itim na bampira dito. Minulat ako dito sa katotohanang hindi lahat ng puti ay liwanag, kailangan mo kasing pumasok sa kadiliman para malaman mo kung sino ang malinaw na nilalang ang pinapatay ka na sa kani-kanilang isipan.
Naaalala ko pa na masiyado akong kinabahan dahil sa kakaiba nilang tingin after Wyeth brought me here but look at the situations now, they already accepted me who I am.
"Parang ang ganda ng mood ng aking asawa." Agad akong pinag-initan ng pisngi dahil sa sinabi ng lalaking nasa likuran ko. Hindi ko na siya nilingon at agad nalang napangiti na para bang isang batang kinikilig. Kaloka! Eh sa kinikilig nga ako bakit ba?!
"Hindi namamansin ang aking asawa." Dinig kong sabi niya na para bang nagtatampo ang tono kaya mas lalo akong nabaliw kaya nilingon ko siya, unti-unting napapalitan ng matamis na ngiti ang kaninang nakangusong labi.
"Sabi na nga ba, hindi ako matitiis ng aking asa-teka bakit ka namumula?! May sakit ka?!" Agad akong napaatras dahil sa tarantang sigaw niya, agad ko siyang sinimangutan dahil sa nagulat ako to the highest level at ang loko ay parang walang pakiramdam. Hindi niya ba alam na namumula ako dahil sa mga simpleng salita na lumalabas diyan sa bibig niya? Kainis siya!
"Ewan ko sa'yo Wyeth, minsan naiisip ko kung dapat ka bang maging prinsipe ng kastilyo niyo." Turan ko sa kaniya na ikinanguso niya ulit kaya agad akong napahagikhik dahil sa ginawa niya. Hayst! Hindi ako ganito pagkatapos naming maghiwalay ni Hyros, minsan nalang akong ngumingiti at napapahagikhik ng ganito. That's because of Wyeth, he's making me smile every second.
Wyeth is so very special to me, kakaiba nga talaga siya na kahit simpleng bagay ay napapangiti niya ang mga labi kong bihira lang ngumiti no'n.
"Gusto mo bang maglibot?" Tanong niya sa akin na ikinataka ko naman.
"Kakalibot mo lang sa akin kahapon ah? Pinakilala mo pa ako sa mga tauhan mo, sa pamilya mo at sa mga kaibigan mo. Pati sa mga hindi mo kilala ay pinakilala mo ako, inanunsiyo mo pa na ako ang nakapatay sa mga prinsipe ng mga puting bampira. Masiyado na akong sikat niyan Wyeth." Turan ko sa kaniya na ikinatawa niya naman. His laugh, its heaven.
BINABASA MO ANG
Academia: Hidden Powers
FantasyStarted: August 21, 2019 Ended: February 06, 2020 U N E D I T E D Academia 2 They are not actually the cursed, they are just powerfully gifted. They are the real product of truth and lies, and it is already predicted. Another secrets will be reveal...