Satro."Are you going to believe me if I saw Genesis here?" Pagsisimula ko habang tinitigan silang lahat isa-isa.
We are now here in our office, only us Royal blooded can be here and no one dares to enter.
"I believe you Satro, minsan ko na din siyang nakita and I thought its just my imagination pero nang dahil sa sinabi mo, naghinala na ako." Pagsasang-ayon ni Yvino kaya napatayo ako habang nakahawak ang dalawang kamay ko sa bilog na lamesa kung saan nakapalibot ang iba ko pang mga kasama.
"Pero hindi niya ako naaalala, there is something happening. 'Yong mga kasama niya, galing sa mundo ng mga tao. And their presences, they are strong maliban nalang kay Genesis, wala akong nararamdamang presensiya sa kaniya." Turan ko sa kanila kaya seryoso silang napatingin sa akin.
"Zhavia, what do you think?" Tanong ko sa kaniya and like the others, she is seriously looking at me.
"Hindi siya ang Genesis na tinutukoy mo Satro." Walang emosyong sambit niya kaya taka ko naman siyang tinignan.
"How did you know?" Takang tanong ni Yvino.
"The Genesis you are talking about, she is strong. Stronger than the real Genesis."
**********
Alisis.
"Last minute for the training and prepare for the battle individually!" Sigaw ng propesor namin kaya agad kaming nag-focus sa ensayo.
Agad akong sumipa-sipa sa mga dummies na ginawa ng propesor namin. They are not harmful sapagkat they just scaring the system out of me. Nakakatakot ang mga mukha nila, ang hahaba ng mga pangil na may mga dugo pang tumutulo galing sa bibig nito. Their paws na may mahahabang kuko at katawan nilang puno ng itim na balahibo, literally monster.
"God! Sir ang panget naman ng mga dummies na ginawa mo!" Sigaw ni Venedict kaya agad ko siyang sinita.
"Venedict, nakakatulong 'yan para mawala ang mga takot niyo!" Sigaw din nito pabalik kay Venedict na may inis na tono.
"Huwag ka na kasing maarte diyan Venedict!" Sigaw na din sa kaniya ni Chester kaya agad naman itong binigyan ng masamang tingin.
"And time is up!" Sigaw ulit ng propesor kaya agad akong umatras ng aatakihin na ako ng dummie na halimaw. Agad itong naglaho nang akmang aatakihin niya na ako.
"Okay so listen up! Tatlong pares ang maglalaban ngayon and the others, bukas na. So I will call on the partners at kayo ang maglalaban." Sambit nito kaya agad kaming napatangong lahat.
Sa section namin ay dalawampu ang bilang namin and luckily ay magkaklase kami nina Sera, Chester at Venedict. After that day na nalaman ni Satro ang tungkol sa amin ay hindi na siya namin nakita kaya kinakabahan na kami. Baka kasi kung anong gawin nila sa amin, ipatapon ba, ipapatay kaya? Nakakatakot kung gano'n, kaunti lang kami, marami sila.
"Kung anu-ano na naman ang iniisip mo Alisis. Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano, pati ako nati-trigger sa iniisip mo eh. Nabawasan tuloy energy ko." Agad akong napatingin kay Venedict dahil sa sinabi niya.
"Hindi na natin nakikita si Satro, Venedict. Naghahanda na ba sila ng plano kung papaano nila tayo susugurin?" Nag-aalala kong turan ko sa kaniya, napabuntong-hininga naman siya sa sinabi ko.
"I think it's not, iba ang nababasa ko kay Satro. Seryoso siya kung tignan pero kakaiba ang pakiramdam ko sa puso na meron siya. He is kind I guess? Mag-base nalang tayo sa guessing ko para mabawas-bawasan naman 'yang kaba sa dibdib mo." Ngiting turan ni Venedict kaya napatango nalang ako.
BINABASA MO ANG
Academia: Hidden Powers
FantasyStarted: August 21, 2019 Ended: February 06, 2020 U N E D I T E D Academia 2 They are not actually the cursed, they are just powerfully gifted. They are the real product of truth and lies, and it is already predicted. Another secrets will be reveal...