HP 64

847 34 1
                                    

Serafina.




Hindi kami namamalikmata, ang Auntie nga 'to ni Alisi—Genesis. Hindi, nagpanggap siyang Auntie pero hindi talaga totoo ang lahat. Kinuha niya pa ang mga alaala ni Genesis at ni Venny, binura ang presensiya ni Genesis pero hindi parin mawala sa isip ko 'yong sinabi ni Levinas, kapatid ni Venny na ngayon ay Lauron na. Hayst! Nakakaloka nga, grabe talaga ang pangyayari, ni hindi ako makapaniwala na magkakadugtong lang ang mga buhay nila.



"Azania, bakit ka pa nagpakita? Papatayin ka din namin, kinuha mo anak ni Genesis at ni Levinas, kinuha mo ang memorya niya at binura mo pa ang presensiya niya at may gana ka pang magpakita?" Sabi ni Menesis, grabe ang attitude na meron siya eh. Nakakatakot, minsan kapag tumitingin ako sa kaniya ay kailangan ko pang magdasal kasi baka kung ano ang gawin niya sa akin. Ni hindi ko nga sure kung gusto niya kaming nandito, baka napipilitan lang siya dahil kasamahan kami ni Genesis.



"Sabi na, magkatulad lang ang oras sa Avalon at sa mundo ng mga tao. Niloko nga lang talaga kayo ng babaeng 'yan Venedict." Dinig kong turan ni Wyeth—Venny's mate.




"Ayon nga ang naging mali ko, kung sana ay nalaman ko kaagad ay sana hindi na umabot sa ganito ang pangyayari." Napalakas ata ang pagkakasabi no'n ni Venny kaya napalingon sa kaniya si Azania.



Nakakalito, her eyes with full of sadness and regrets. Naghinayang ba siya? Nagsisi? Ano kaya ang nasa isip niya? Puwede ko kayang utusan si Venny? Hahaha huwag na, baka kagatin lang ako ng dalawang bampira na 'yan.



"Kamusta Lauron, alam na alam kong ikaw ang magsasabi sa lahat ng katotohanan. At dadating ang araw na ikaw ay isang magiging magiting na bampira." Agad naman kumunot ang noo ni Venny sa sinabi ng bruha, ni hindi ko nga gusto ang tindig niya eh. Kahit nga naaawa ako dahil mamamatay na siya mamaya ay nilalagyan ko nalang ng aliw ang sarili ko para mawala sa isipan ko ang mangyayari mamaya.



"Alam kong nabasa mo ang nasa librong binigay ko Levinas, at dadating din ang araw na—"


"Ano bang pinagsasabi mo?!" Sigaw ni Menesis at kaagad binato si Azania ng apoy pero tumagos lang 'yon at sa puno na nasa likuran ni Azania ang natamaan. Ano na naman kaya ang kapangyarihan na meron siya?




"Hindi niyo ako masasaktan sa ngayon, pero gumawa ako ng paraan para makausap kayo ng masinsinan. Ang Azania na nasa harapan niyo ay isang panaginip lang, nananaginip lang ako pero kayang pumunta sa totoong mundo ang katawan na ito." Hindi ko alam kung mamamangha ba ako o malilito, akala ko ba 'yong nabanggit lang ni Levinas no'n ang kapangyarihan na meron siya? Pero parang ang dami niya atang alam?



"Bakit kami maniniwala sa'yo? Binura mo memorya ko, kinuha mo anak ko at niloko mo kaming laha—"



"Lahat may rason Genesis, tinulungan lang kitang maging ligtas. Wala na sa akin ang libro kaya hindi ko na alam ang susunod na mangyayari sa'yo. I expected na dadating ka ditong wala paring naaalala pero sadyang malabo 'yon mangyari, ramdam na ramdam niya na ang kapangyarihan niyong dalawang magkambal. Nasa panganib na kayong lahat." Tugon ni Azania kay Menesis at Genesis. Agad naman akong kinabahan sa sinabi niya.



"Makinig kayo, oo mali na kinuha ko ang mga anak niyo pero katulad niyo ay kailangan kong iligtas ang mga bata. Hindi nila alam ang kakayahan ng dalawa, lalong-lalo na si Alisis kaya kailangan ko silang ibigay sa mga Eastherians para maalagaan. I told them na anak ko ang dalawa at ako na ang magbabantay, hindi pa nila alam na nagsisinungaling ako sa kanila. Matagal na akong nagtatrabaho sa kanila pero hindi ko gusto ang pamamalakad nila, hayok siya sa kapangyarihan at sinasabihan niya ang mga alagad niya na dapat silang maghiganti. Kontrolado niya sa isip ang mga kasamahan niya kaya napapasunod niya ang mga ito. Huwag kayong mag-alala, nasa tabi ko sila ngayon, walang nangyari sa kanilang masama." Sa sinabi ni Azania ng mga salitang 'yon ay napansin ko ang pagbuntong-hininga ni Genesis at ni Levinas, pati si Demeter na asawa ni Levinas ay napakuyom nalang ang mga palad.




Academia: Hidden Powers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon