Chester.
Nagising ako sa karumal-dumal na krimen, namatay ang mga inakala kong mga magulang sa isang sitwasiyon na kailanman ay hindi ko maintindihan. Akala ko, isa akong ordinaryong lalaking mahilig mam-bully ng mga babae pero no'ng makilala ko ang taong 'to—specialist na'to ay hindi na ako sigurado sa buhay na kinagagalawan ko. Kung saan ba talaga ako nabibilang, kung saan ako nababagay o kung sino ang mga tunay kong mga magulang. Akala ko mamamatay na'ko, but he saved me. Hindi ko man makilala ang pangalan niya, pero alam na alam ko ang hubog ng mukha niya.
At nakikita ko ang mukha niya sa mukha ko, hindi nalalayo ang itsura namin pero alam kong mas matanda pa siya kaysa sa akin ng ilang taon. He saved me from wildfire spreading to nation, parang sa isang iglap ay naglaho ang mga kabahayan at mga puno na naging silbing tambayan ko no'n.
At sa pambu-bully ko kay Alisis, napansin ko na talaga na may kakaiba sa kaniya. Hindi siya ordinaryo, habang nahawakan ko ang kamay niya ay do'n nanlaki ang mga mata ko dahil sa lakas ng palad niya. Akala ko napa-paranoid lang ako pero 'yon na pala ang hudyat na kailangan kong tanggapin na hindi nga talaga ako ordinaryo, na may kakaiba pa sa pagkatao ko and its bullshit dahil bakit nito ko lang agad nalaman.
That man—who saved me has fire on his palm. A kind of fire that you wouldn't expect to see, a violet fire burnin' his whole hands are just great.
"Enexx, hi! Siguro matutuwa si Senny kapag nakita ka niya but first, we need to go there dahil nando'n ang mga kasama namin." Sabi nitong babaeng katabi ko na walang ginawa kundi magpa-cute sa lalaking 'yan. Ewan ko ba kung may sayad lang ba siya o nasobrahan sa pagka-friendly ang babaeng 'to? Nang-iinit ang ulo ko kapag kausap niya 'yong lalaking may wand tapos ito namang isa na nag-aapoy ang buhok. My fire are great than their fires.
"S-Sige, para matulungan natin sila." Utal namang sagot nitong Enexx, ni hindi man guwapo ang lalaking 'to. Mas lamang ako ng marami at ilang tabo ng tubig, mas fresh pa mukha ko kaysa sa kaniya eh.
Naglakad nalang kami ng naglakad, hinahanap namin ang mga posibleng traces kung saan namin sila makikita. Ino-obserbahan din namin ang paligid dahil mahirap na kapag may mga kalaban na namang lumitaw. Minsan kasi kailangan dapat maingat, kagaya ko, maingat ako sa pambu-bully no'n. Kay Alisis lang talaga ako nahinto, babaeng 'yon talaga napaka-inosente. Sinabihan tuloy siyang psychopath ng Yvino na 'yon na ikinainit agad ng mga ulo namin.
"Kilala mo si Alisis, pre?" Tanong ko kay Enexx at taka niya naman akong tinignan.
"Namali lang ba ang rinig ko? I think its Menesis and Genesis, hindi Alisis." Turan naman kaagad nito kaya napatango ako. Kilala niya ang nanay ni Alisis, pati ang kapatid nito ay kilala din. Naku-curious tuloy ako kung ano ba talaga ang mga papel ng mga babaeng mahal ni Alisis sa mundo ng Avalon.
"They are the strongest goddesses, hindi man ipagkaila na maganda sila, may mga katangian pa sila na hindi ko maiintindihan na sila lang magkakapatid ang nakakaintindi. Menesis is the Goddess of Creation and Destruction, while Genesis is the Goddess of Life and Death. Sa pagkakaalala ko, Genesis has daughter na hindi ko alam ang pangalan basta may anak siya. And the rest are history, nawala nalang sila bigla at hindi na nagpakita." Mataas niyang sabi na hindi ko naman tinanong pero hayaan na.
Madami siyang alam, nahihiwagaan ako kung anong klaseng lalaki 'tong kasama namin. Baka hindi namin alam na niloloko na kami ng lalaking 'to, baka isa pala 'tong kalaban kaya dapat mag-ingat kami ni Serafina.
Agad kong hinila si Serafina sa tabi ko at nakipagpalitan ng puwesto para kami ni Enexx ang magtabi. Napansin kong napangiti si Enexx pero kaagad 'yon nawala ng makita niya akong nakatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Academia: Hidden Powers
FantasyStarted: August 21, 2019 Ended: February 06, 2020 U N E D I T E D Academia 2 They are not actually the cursed, they are just powerfully gifted. They are the real product of truth and lies, and it is already predicted. Another secrets will be reveal...