Chester.
Agad kong pinuntahan si Sera, agad ko siyang niyakap ng mahigpit dahil salamat ligtas siya. Ni hindi ko siya natulungan iligtas ang mga magulang niya, tanging iyak nalang ang isinasagot niya kapag tinatanong ko siya. Naaawa ako kay Sera, nawala na ang mga magulang niya na siyang nagpalaki sa kaniya at nagbigay ng pagmamahal sa kaniya. Buti nalang hindi ko naabutan ang Nilfred na 'yon, baka hindi lang ang kaluluwa niya ang kunin ko, papahirapan ko muna siya hanggang sa magmakaawa siya sa akin hayop siya!
Nagbago pananaw ko dahil kay Genesis at mas lalong luminaw dahil kay Serafina, mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Serafina at kahit hindi niya 'yon alam, ayos na sa akin na maprotektahan siya sa mga kalaban at sa mga nilalang na magtatangkang kalabanin siya. Wala na akong pamilya, pagkatapos nila akong itapon sa mundo ng mga tao, ang panahon ding 'yon ang araw na kinalimutan ko silang lahat.
"W-Wala na sila Chester, wala ang mga magulang ko." Hikbi niyang sabi kaya wala akong nagawa kundi yakapin lang siya ng mahigpit. Sa pamamaraan na'to ko lang maipapakitang nandito ako sa tabi niya kahit anong mangyari.
"Malalagpasan din natin 'to Serafina, tiwala lang. Nandito lang ako sa tabi mo, poprotektahan kita." Turan ko sa kaniya at napaangat ang ulo niya kaya nagkasalubong ang mga mata namin, mga mata niyang siyang nagpahulog sa akin, mga mata niyang lagi akong hinihila sa ilalim, mga mata niyang nagbibigay sa akin ng saya at mga mata niyang nagpapakita ng katatagan na siyang hinangaan ko sa kaniya.
Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kaniya hanggang sa naramdaman ko nalang na lumapat ang malambot niyang labi sa mga labi kong nanginginig pa ng kaunti dahil sa kaba. Dinamdam namin ang paligid, sa halik na pinagsasaluhan namin ay parang wala ng gulo kaming kinakaharap, ang halik niyang nagpalimot sa akin kung sino ako at ilang segundo ding nawala ang ulirat ko dahil sa nakakalason niyang halik. Agad akong humiwalay dahil sa baka kung saan kami umabot, tinulungan ko siyang makatayo at hinarap ang mga naka-blue coat na patakbong papunta sa amin.
"Humanda ka na, kayang-kaya natin 'to. Mamahalin pa kita Serafina." Turan na nagpangiti sa kaniya, mas lalo tuloy akong nagdalawang-isip kung itatakbo ko nalang si Serafina para hindi na kami mapahamak pa.
"Kakayanin natin 'to, para kay ina at ama at para sa pagmamahalan nating dalawa." Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at parang hindi kaagad nag-sink in sa utak ko ang mga katagang 'yon. Magsasalita na sana ako nang tumakbo na siya papalayo sa akin, kaagad ko siyang sinundan at ewan pero napangiti nalang ako sa kalagitnaan ng labanan.
"Huwag kang magpapakasaya apo, nandito pa ako." Agad akong nahinto sa pagtakbo dahil sa pamilyar na boses. Nilingon ko kaagad kung saan nanggaling ang boses na 'yon at kaagad bumungad sa akin ang matandang mukha niya, ang lalaking nagbigay sa akin ng kapangyarihan na'to, ang lalaking dahilan kung bakit ako tinapon sa mundo ng mga tao, ang lalaking kinakamuhian ko. Ang lalaking nagliyab sa buong Natharia Fire Kingdom no'n pero ako ang sinisi dahil daw galing sa akin ang ubeng kapangyarihan na 'yon na hindi nila alam, galing 'yon sa matandang nasa harapan ko.
"Walang hiya kang matanda ka, hindi ko alam kung bakit buhay ka pa pero naniniwala na ako na tatanda pa talaga ang mga makasalanan." Seryoso kong turan sa kaniya, hindi niya ako pinansin dahil para siyang maestrong naglalakad-lakad na pabalik-pabalik sa harapan ko at ang mga kamay nito ay nasa likuran. Inis ko siyang tinignan dahil sa ginagawa niya, mas lalo niya akong iniinis dahil sa ekspresiyon niyang seryoso na akala mo totoo, mapagpanggap ang matandang 'to.
"Alam mo apo, kung hindi dahil sa akin ay hindi ka tutungtong sa ganitong klaseng laban. Ito naman ang pinangarap mo no'n diba? Ang lumaban sa hindi boring na labanan, ibinigay ko sa'yo ang kapangyarihan na iyan dahil baka magalak ka at maipagmalaki ka ng buong angkan ng mga Friston." Turan niya sa akin, ni hindi man kang nagbabago ang ekspresiyon niyang seryoso na para bang walang kabuhay-buhay ang kausap ko.
BINABASA MO ANG
Academia: Hidden Powers
FantasyStarted: August 21, 2019 Ended: February 06, 2020 U N E D I T E D Academia 2 They are not actually the cursed, they are just powerfully gifted. They are the real product of truth and lies, and it is already predicted. Another secrets will be reveal...