HP 39

921 25 1
                                    

Venedict.





Ang saya nilang kasama, 'yong akala mong huhusgahan ka dahil sa kasarian mo, 'yong akala mong huhusgahan ka dahil sa ibang dugo at lahi na meron ka pero akala lang pala ang lahat. Tanggap nila akong lahat, kung ano ako, sino at kung ano ang kakayahan ko bilang isang specialist.


Nag-kuwentuhan lang kami sa hapag-kainan habang kumakain, napaka-awkward naman daw kasi kung kakain kami na ang mga kubyertos lang ang nagkukuwentuhan. Nag-kuwento ang hari kung paano siya nahirapan papunta sa ibang mundo. Oo, nakaya niyang tumawid sa ibang mundo dahil sa vampire ability niyang kayang gumawa ng dimension. Para ding portal pero mas madali lang daw ang portal kaysa sa dimension. Matagal pa daw makakarating kapag dimension ang gamit, may possibility kasi na hindi ka makakarating o ire-reject ang lugar na pupuntahan mo.



"Saan sa mundo aking asawa? Hindi mo binanggit sa akin ang mundong ninais mong puntahan." Tanong sa kaniya ng Inang Reyna na para bang nagtatampo ang kaniyang tono. Napapansin ko ngang napapaawang nalang ang mga labi ng mga prinsipe dahil sa kinikilos ng Inang Reyna, bakit? Hindi ba puwedeng maging sweet ang ina sa kaniyang asawa? Hayst mga lalaki talaga, mahilig i-big deal lahat.



"Mahal kong reyna, masiyado lang naman maliit ang mundong aking pinasukan at hindi na kailangan pang banggitin—Pero kasi mahal kita ay sa Corona ako pumunta." Napahagikhik nalang ako dahil sa napalihis si Amang Hari dahil binigyan siya ng Inang Reyna ng masamang tingin. Hayst, may pinagmanahan nga ang kaniyang mga anak.


Kung titignan, batang-bata pa ang Inang Reyna at Amang Reyna na parang kasing-edad lang nila ang kani-kanilang mga anak. Hayst, matagal na ba ako mamamatay? Paano nalang ang mga kaibigan ko? Paano nalang kung mauuna sila? Maiiwan ako? Ayan, resulta sa pagiging bitten dahil nagiging paranoid na sa lahat ng bagay.



"Ano namang ginawa mo sa Corona mahal na hari?" Tanong na naman ng Inang Reyna.


"May nakapagsabi sa akin na masagana ang lugar doon, maraming mga batong mamahalin at hindi nga nagkamali ang napakapagsabi sa akin no'n. Nasa ating kwarto ang mga mamahaling mga bato, ang iba naman ay aking itinago sa isang kwarto. Ipapalililok ko iyon para maging isang kuwintas at mga sing-sing o kung anu-ano pang mga klaseng alahas." Sagot naman ng Amang Hari kaya napangiti nalang ang kaniyang asawa na napapailing.

Grabe pala dito, ang mga mamahaling bato ay para lang ordinaryo sa kanila. Kung may mga tao pa dito, siguro magsi-sigaw na sila dahil sa mayaman na sila. Ganiyan ang mga ugali ng mga tao, kung makakakita ng mamahalin ay agad maghi-histerical.


Eh dito? Para lang ordinaryo sa kanila ang mga mamahaling bato. Na para bang koleksiyon lang para sa kanila.



Napalingon kami sa malaking pintuan dahil sa marahas na pagbukas nito. Bumungad sa amin ang isang kawal na parang hinihingal dahil nakahawak pa siya sa dibdib niya. Agad siyang napayuko nang makita niya kaming nagtitipon at agad iniangat.


Whoo, para na talaga akong prinsesa ng isang kaharian at kailangang yukuan dahil sa isa akong maharlika! Hahaha ano ba 'yan! Para na talaga akong loka-loka nito, kung sana nandito lang ang mga kaibigan ko sana ay naranasan na nila ang pagiging importante at maharlikang buhay kahit minsan.

Alam ko kasing hindi ito permanente, isa lang itong panaginip na agad akong magmumulat ng mga mata. Pero okay lang, at least may mga memories na ako dito at hindi na nila ako makakalimutan.

"P-Pasensiya sa pang-iistorbo mga kamahalan ngunit may isang nilalang na hindi natin kalahi ang nangangailangan ng tulong dahil ang kaniyang asawa ay nasa mga kamay ng mga puting bampira. Isa siyang specialist." Sa sinabi ng kawal ay agad napatayo ang Amang Hari at ang Inang Reyna at kaagad lumabas.

Academia: Hidden Powers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon