HP 40

976 33 1
                                    

Alisis.





"Athena, kung nandito pa si Dracunox ay sigurado akong papatayin ka no'n dahil isa kang anak ng dalawang Titans. Kung maibabalik ang nakaraan, isa kang cursed specialist." Turan ni Wenessa at napansin ko ang pagngiti ng tipid ni Athena.


"I know that, buti nalang hindi ko kaagad nalaman ang katotohanan. Na ako ang ikatlong sinumpang specialist, pangatlo kay Menesis at Genesis." Sagot naman nito kay Wenessa.


Gano'n kalupit ang mundong ginagalawan nila no'n sa kamay ng lalaking 'yon na hindi ko maatim na tawaging 'lolo' dahil sa kasakiman niya sa kapangyarihan. Sabi nila, my lolo is the Titan God of Life. Sa posisyon pa lang, napakalakas na nito pero hindi pa daw siya kuntento at agad kinuha ang mga kapangyarihan ng mga inosenteng specialist sa Natharia.


"But Donessa killed him, mabuti nalang talaga ay agad siyang pinaslang para wala ng kasakiman sa Natharia." Cylechter said na agad ikinatango ni Senny.


"Saksi ako sa mga kaguluhan ng school na 'yon pero maraming memories naibigay ng eskwelahan na 'yon sa atin. Hindi lang talaga naging mabait ang tadhana, katulad ngayon, may mga malalakas pa palang kalaban tayong dapat kaharapin." Sabat naman ni Senny.


Ilang araw na ang lumipas at na-gain na namin ulit ang mga lakas namin. Napaghandaan na ang lahat, napagplanuhan at dapat siguradong mananalo kung sakaling aatake na ang mga specialist na galing sa Eastheria. Hindi biro ang mga kapangyarihan na meron sila, kahit malakas ang kapangyarihan ko ay kayang-kaya nila akong talunin. Naalala ko pa ang Eastherian na na-engkuwentro namin sa mundo ng mga tao, nakaya niyang biyakin ang yelo kong napakatatag at napakatigas.


Gano'n sila kalakas. Napapantayan nila ang kapangyarihan ko at pati ang kapangyarihan ng mga Diyos at Diyosa.


"Nasaan na nga pala si Seyvana?" Tanong ko.

"Nasa clinic siya ilang araw na din, ayaw niyang umalis do'n dahil pagod na pagod daw siya. Hindi biro ang paggamit niya ng kapangyarihan para tawagin ang ama kong dragon." Sagot naman ni Athena kaya agad akong napatingin sa mga mata niya.


Kaibigan na kaya ang turing niya kay Seyvana? Eh sa amin? Minsan hindi ko kayang mabasa ang mga kinikilos niya, ang mga ipinapakitang emosyon ng mga mata niya ay para sa akin ay blangko. Hindi ko mawari kung bakit gano'n nalang siya kagaling magtago ng ekspresiyon.


"God! I didn't expect na dragon ang ama mo Athena." Turan ni Wenessa na siyang ikinahagikhik namin. Kahit kami, akala namin ay may kailangan lang siya sa dragon pero 'yon pala ay gano'n nalang kalaki ang papel ng dragon sa kaniya.



"I need to look for my mother and my younger sibling. Hindi ko pa alam kung lalaki o babae ang kapatid ko." Seryosong puna ni Athena kaya agad akong napatango.

"I guess we need to part ways, may misyon kayo at may misyon pa kaming dapat tapusin." Sabi ko sa kanila na ikinanuot ng mga noo nila.


"No! Alisis, kailangan magkasama tayo." Kunot-noong sabi ni Wenessa sa akin.

Hinayaan nalang nila akong tawagin sa mga pangalan nila na walang 'kuya' o 'ate' dahil nasanay narin ako. Nakaka-awkward kasi eh magkasing-edad lang kami kung tignan.


"Wenessa, matatagalan tayo. Kailangan na namin ang mga Diyos na nasa libro para mailigtas ang nanay at si tatay." Seryoso ko naring turan sa kaniya at tinignan silang lahat para ipakitang determinado akong gawin ang lahat para lang sa pamilya ko.


"Naiintindihan ka namin pero hindi mo kakayanin mag-isa." Cylechter butt in.

"Nandito kami pare, nasa amin ang mga kapangyarihan ng Legendary Knights o Ancient Knights na 'yan. Malakas parin ang kakayahan namin kaya huwag kayong mag-alala." Agad namang sabat ni Chester na para bang nainsulto sa sinabi ni Cylechter.


Academia: Hidden Powers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon