Alisis.
Bawat butil ng ulan galing sa kalangitan siyang nagbibigay kalungkutan sa'kin. Hindi ko alam kung saan hahantong ang lahat kapag hindi ko matutulungan mga magulang ko. Nahihirapan ako kahit bago palang ako sa lugar na'to, oo napakahirap.
Malakas nga kapangyarihan ko, kaya kong kumitil kahit sa isang iglap lang pero puso ko naman ang napupunit dahil hindi ko pinangarap na maging ganito. Hindi ako masaya kapag nakakapatay ako ng kalaban, at lalong-lalo na hindi ako masaya kapag may nasasaktan akong nakikita.
Sa labas ng bahay, kitang-kita ko ang pagpatak ng luha ni Sera na para bang sumasabay sa pagpatak ng ulan galing sa madilim na kalangitan.
"Iniisip mo pa rin ba ang ina mo Sera?" Tanong ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin na may kalungkutan sa mga mata.
"Ang nanay-nanayan ko ba o ang tunay na nanay ko, Alisis?" Balik niyang tanong.
"Siguro sila pareho?" Hindi ko siguradong tanong pabalik sa kaniya at binigyan niya ako ng pilit na ngiti.
"Wala naman talaga akong pakialam sa nanay-nanayan ko Alisis eh, sila lang kasi ang puwedeng magdala sa akin sa lugar kung saan ko posibleng makita ang mga magulang ko. Wala akong kaalam-alam sa lugar niyo, sa mga nangyayari kaya hindi ko alam kung tamang tao ba ang nilapitan ko." Turan niya sa akin kaya lumapit ako sa kaniya at iilang distansiya nalang ay mababasa na kaming pareho dahil sa kasabikang langhapin ang bango ng mga bulaklak na sumasabay sa malamig na hangin dulot ng ulan.
Ngayon ko lang na-realize, bakit Genesis parin ang tawag sa akin ni Werrestella sa akin? Nagpakilala na ako no'n bilang anak ni nanay pero parang nakalimutan niya ata? Gano'n na ba talaga ang galit niya sa nanay ko?
"She died, Werrestella died pero wala man akong naramdamang lungkot dahil narin ata sa ginawa niya sa akin no'n. Hindi kasi talaga maganda ang pakikitungo niya sa akin bata pa lang ako, ewan ko ba kung bakit sila pa ang nakakita sa akin sa park no'n." Turan niya at naririnig ko ang inis sa kaniyang tono.
Ewan ko kung ganiyan din ba ang mararamdaman ko kapag ako ang nasa posisyon niya, siguro nga hindi ko rin makakaya kung papalakihin ako ng hindi maayos ng mga adoptive parents ko. Nakuwento na kasi sa akin ni Sera na magkasama daw sila no'n ng mga magulang niya nang mawala siya at maligaw, at do'n na pumasok sa eksena ang tatay-tatayan niya na hindi ko pa nakikilala ang pangalan.
I remembered Sera's adoptive father reactions no'ng makita niya ako, gulat na gulat siya.
"Mabait naman ang tatay-tatayan mo diba? Puwede natin siyang hanapin, maaaring nandidito lang 'yon dahil nga nandito rin si Werrestella." Turan ko at napatango nalang siya.
"Hindi naman kasi mag-asawa si Werrestella at ang tatay-tatayan ko, they are just friends sabi ni dad. Nagkasundo lang sila na tumira sa iisang bahay dahil sa isang misyon and I'm proud to have him kasi nga pinakita niya sa akin kung sino talaga siya, kung ano ang pakay nila. Sana nga magkasing-bait lang sila ni Werrestella eh."
May sasabihin pa sana ako nang bigla nalang lumitaw ang libro ng Heiress sa harapan ko. Nagulat pa ako ng bahagya dahil sa liwanag nito. The book flip its own pages hanggang sa huminto ito sa mga imahe na may mga pangalan sa ilalim nito. Wenessa, Athena, Sarionaya at Sonata, magkakatabi sila sa isang pahina at pinalilibutan ang bawat corners ng mga pulang liwanag na siyang hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin.
"What is that Alisis? Bakit ang mga imahe nila ay lumiliwanag ng pula?" Takang tanong sa akin ni Sera na naguguluhan din sa nakikita. Nagbikit-balikat lang ako dahil kahit ako, hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin nito.
BINABASA MO ANG
Academia: Hidden Powers
FantasyStarted: August 21, 2019 Ended: February 06, 2020 U N E D I T E D Academia 2 They are not actually the cursed, they are just powerfully gifted. They are the real product of truth and lies, and it is already predicted. Another secrets will be reveal...