HP 26

1K 36 1
                                    

Venedict.

Naloka ako sa bata, seeing his cute little body and face ay parang hindi niya kayang gawin ang pag-block ng mind but he did. Ngayon ay patuloy parin siyang nagtatalon-talon sa kama na kinatulugan ko habang bagot na bagot naman si Wyeth na nakatingin sa kaniya.

"Spoiled brat little kid." Dinig kong bulong niya kaya napahagikhik nalang ako.

"Hindi ko alam na ganiyan kalakas ang abilidad ng batang 'yan, ang laking tulong niyan para sa mga kalaban, sa mga White Vampires." Biglang sabi ko na ikinatango niya.

Wyeth told me, White Vampires here are the enemies, the trouble and the chaos. Hindi kasi lahat ng mga kulay puti, mababait, payapa at mapagkakatiwalaan. Like the White Vampires, they are innocent kung tignan pero may tinatagong bangis at lason sa katawan na siyang puwede mong ikamatay kung tatanga-tanga ka.

"Naka-encounter na ba kayo ng mga Goddesses and Gods?" Tanong ko kay Wyeth habang nakatingin siya sa mga mata ko.

"Marami na akong na-engkuwentrong iba't-ibang nilalang, Venedict. Specialists, Witches, Enchantress, Summoners, o kahit ano pang klaseng nilalang. Na-engkuwentro ko sila dahil sa hindi na balanse ang mga pinto ng bawat mundo kaya malaya akong nakakapasok at labas. Ako lang, ako lang ang kayang gumawa no'n. Ako lang ang may kayang i-adopt ang pamumuhay ng bawat nilalang." Paliwanag niya kaya agad naman akong napatango pero agad namang may naalala.

"Diba pumunta ka sa mundo namin? I mean sa mundo ng mga tao, sinabi mo pa na kailangang-kailangan naming bumalik sa lalong madaling panahon sa Avalon. Hindi ko alam kung anong pinupunto mo no'n and how did you know na kami ang mga specialist na 'yon?" Curious kong tanong sa kaniya.

"Nasabi ko 'yon dahil may nag-utos sa akin na gawin 'yon. And she is the Goddess of Sealing Power, Books and Words. I think alam niyang dadating ako sa buhay mo so that she confronted me to tell all of those para agad kayong mapabalik sa Avalon. Kailangan daw ng Avalon ang tulong niyong dalawa, wala akong alam sa posisyon niyo sa mundo ng mga specialists at ng mga manipulators pero alam kong malaking-malaki." Sa pakikinig ko sa kaniya ay hindi ko maiwasang mas lalong mahulog, the way he talked, the way his moved his lips are damn attractive. Malaking-malaking biyaya na'to sa akin na hindi na dapat pakawalan.

Pero, hindi parin dapat ako pasisiguro. Oo mate niya ako, as a vampire pero pa'no naman ako? Bilang isang specialist? Baka isa siya sa mga misyon na dapat kong i-accomplish, baka isa siya sa mga kalaban. Bigla nalang akong napailing at taka niya naman akong nilingon.

Gustong-gusto kong basahin ang utak niya ulit pero hindi ko makaya dahil sa takot na hindi niya pala talaga ako mahal. What if, gagamitin niya lang ako? What if pinahulog lang niya ako sa patibong niya para gamitin ang kakayahan ko? Pero napaka-unfair ko naman at kung tatalon agad ako sa mga ganitong klaseng konklusiyon diba? I think I need to investigate with myself, kailangan kong siguraduhin ang proteksiyon ko laban sa mga may balak sa amin ni Alisis.

Ngayon ko lang napagtanto, importante ang kapangyarihan ko because I can go to other worlds just in one snap. At kaya namang gawin lahat ni Alisis, lahat-lahat, kaya niyang bumuhay ng patay, magbigay ng mga kapangyarihan kaya hinding-hindi na ako magtataka na may aatake sa aming mga estranghero.

"Anong iniisip mo Venedict? Gustong-gusto ko na ako lang ang isipin mo pero parang ang selfish ko naman ata." Ngising aso niyang turan sa akin kaya agad kong sinapak ang braso niya na hindi naman kalakasan na siyang ikinatawa niya.

Napasimangot tuloy ako dahil ang hilig niyang mang-trip sa akin palagi.

"Tito Way-way?"

Way-way? Pft! Napansin kong agad niyang nilingon ang bata na parang pinangliliitan niya ito ng mata, nang hindi ko na mapigilan ay agad akong napatawa ng malakas. Gustong-gusto kong gumulong sa kama pero huwag nalang baka ano nalang gawin ni Wyeth. Kakaiba din kasi ang lalaking 'to, parang may sapi. Bigla nalang manti-trip kung gugustuhin niya.

Academia: Hidden Powers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon