HP 33

932 33 1
                                    

Alisis.



"Manloloko ka." Bulong ko pero narinig niya 'yon kaya naibaling niya sa akin ang ngisi niyang demonyo. Naglakad na siya at agad kaming nilampasan pagkatapos niyang magpakilala sa amin na para bang hindi niya kami nakikilala.


"Napakagandang laruan sa napakagandang laro." Dinig kong turan ni Mammon na hindi mawala-wala ang ngisi sa mga labi pati na ang isa pang Devil Lord.




Inilibot ko ang mata sa kabuuan ng kwarto at nagbabaka-sakaling may makita akong babae. Inisa-isa ko ang mga malalaking capsule at do'n ako napasinghap nang makita ang babaeng walang malay do'n at namumutla.


"Is that Senny?" Turo ko sa babae at do'n sila napatingin lahat at narinig ko nalang ang pagsinghap ni Wenessa pati ang lalaking kasama nina Chester.



I think she is.



"Senny!" Sigaw ni Cylechter at ni Wenessa, nagulat nalang ako nang bigla nalang sumugod ang estrangherong lalaki kay Mammon na ngayon ay parang walang pakialam na sumugod ang lalaki.



Susuntukin niya na sana si Mammon nang bigla nalang humarang si Senya na ikinagulat niya. Agad ngumisi si Senya at agad siyang binugahan ng apoy galing sa bibig nito kaya nagulat kami. Nabalot ang kwarto ng makapal na usok kaya agad ko itong hinigop gamit ang palad ko.



"Enexx!" Sigaw ni Athena sa lalaking ngayon ay seryosong nakatingin sa bata. Pero ang kakaiba, hindi nasaktan ang lalaki sapagkat bigla nalang nagliyab ang buhok nito. Oo literal! Literal na nagliliyab ang buhok niya!


Bubugahan na sana siya ni Senya pero agad itong nakulong sa isang bolang tubig. Napalingon ako kay Cylechter dahil sa ginawa niya. Hindi makahinga ang bata at akmang lalapit na ako kay Senya pero may pumigil sa mga braso ko.


"Mahina na naman ang puso mo, tandaan mo, siya ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasiyon tayo ngayon." Seryosong turan ni Sera pero napailing lang ako.



"Kahit hindi tayo pumunta dito, we are destined to fight with those two Devil Lords." Sabi ko sa kaniya pero napailing lang siya at agad akong hinila.


Napansin ko nalang na bumagsak sa sahig ang wala ng malay na si Senya habang bumubula ang bibig.


"Walang kuwentang laruan." Bulong ni Mammon at nabigla nalang ako ng umuyog ang lupa.


"Chester, kunin mo ang katawan ni Senny sa isang malaking capsule na nasa likuran ni Belpregur." Utos ko na ikinatango niya pero agad humarang si Belpregur na ikinahinto ni Chester at napaatras.


Tumalon ako papalayo sa bitak na lumalapit na sa akin. Napahawak ako sa isang ding-ding na mas lalong lumakas ang paglindol. Nahihilo na ako pero hindi ako dapat magpatalo, I need to help Senny. We need to be out of here as soon as possible at matalo ang dalawang 'to. They are crazily strong kaya hindi madali para sa amin ang talunin sila, kakaiba ang kakayahan nila sa amin.


"Hayst, akala ko pa naman mahirap i-deceive si Asmodeus pero ang dali lang pala. Hiniram ko muna ang mga kampon niya sa Nine Hells." Ngising turan ni Mammon at biglang tumigil ang lindol. Napabuntong-hininga ako pero agad akong natumba dahil sa malakas na uyog at parang bubukas ang lupa.


"Lumayo kayo!" Sigaw ko kaya agad naman silang nagsilayuan at lumabas ng kwarto.


Tumakbo kami sa malapit na quadrangle, its wide at walang ni kahit building dito. Ilang segundo pa para makapunta dito kaya minabuti naming dalhin ang kalaban dito para hindi masira ang mga buildings. Mahalaga parin ang eskwelahan na'to para sa mga Enchanters kaya hindi namin hahayaang magiba ang matagal na nilang pinag-iingatan. Its special to them, marami ng lumaki dito at marami ng naging matatag sa eskwelahan na'to dahil sa itsura palang ng eskwelahan, marami na'tong pinagdaanan.





Academia: Hidden Powers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon