HP 7

1.3K 43 4
                                    

Venedict.



Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga nangyayari ngayon. Oo aware naman akong bakla ako at hindi babae pero bakit imbis na maging masaya dahil sa dalawang lalaking nasa paligid ko ay lungkot ang nararamdaman ko? Inis at kaba sa puso siyang nag-uunahan.

"A-Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kaniya habang iniiwas ang tingin malayo sa kaniyang mapupungay na mga mata.

"Huwag ka na ngang magmaang-maangan, alam kong alam mong mate kita at sa ayaw at sa gusto mo, ako ang magiging boyfriend mo." Ngising turan niya habang dinidilaan ang mga pangil na siyang mas lalong nagbibigay sa kaniya ng kaguwapuhan.

Shit!—am I going to assume again? Expect again? To hurt again? Am I ready to feel the pain again? Handa na ba talaga ako? Pero hindi ko alam, hindi ko maintindihan kung bakit bumalik pa si Hyros sa akin. Iniwan niya na ako no'n, oo nagsinungaling ako kay Alisis na kayamanan ang reason niya na alam ko namang wala kami no'n. Mas mayaman sa akin si Hyros, at alam ko kung anong sikreto na meron siya. But it's the only way para hindi na mapag-usapan pa.

Sikreto? Oo alam ko kung sino siya, kung anong meron siya at anong klaseng abilidad na meron siya.

Hindi ko nababasa ang isip ni Hyros dahil nakasarado ang utak nito na siyang pinaghinalaan ko na noon. Kakaiba siya, hindi ko maramdaman ang presensiya kaya alam kong hindi siya tao. Katulad ko siya, katulad namin si Hyros.


"Fuck you man! Anong steal-steal ang pinagsasabi mong gago ka?! Ako ang mahal niya at hindi ikaw!" Dinig kong sigaw ni Hyros kaya agad akong lumayo kay Wyeth at tinignan sa mga mata si Hyros.

He is begging, hindi ko alam kung sino ba ang papanigan ko. Hindi ako makapaniwalang mangyayari sa akin 'to, hindi ko alam na noo'y pinangarap ko lang mangyari ay ngayon ay nagkatotoo. At sino din ba ang niloloko ko? Alam kong ako rin naman ang masasaktan sa huli, alam kong ako rin ang mawawalan kaya mas maganda kung wala akong pipiliin sa kanila.

"I am his mate and that love thingy is useless kapag ikaw ang makakaangkin kay Venedict." Turan ni Wyeth habang seryosong nakatingin kay Hyros.

"Mate? Psh! You will die if I kiss him in front of you, alam kong mawawalan ka ng hininga kapag hahalikan ko siya ng hahalikan." Seryoso na ding sambit ni Hyros kaya napatakip nalang ako sa mga tenga ko.

They are so noisy, hindi ako makapag-isip ng maayos kapag patuloy silang magtatalo sa harapan ko.

"Umalis na kayo." Sambit ko nalang out of nowhere kaya napatingin sila pareho sa akin at agad kong sinuklian ng malamig na tingin ang dalawa.

"Yeah. I hate boys so I hate both of you." Turan ko sa kanila at bigla nalang lumitaw ang dalawang gintong liwanag sa kani-kanilang mga likuran at nakita kong gulat na gulat si Hyros na nakatingin sa akin.

"M-May kapangyarihan k-ka?" Nanlalaking mga mata nitong tanong sa akin kaya tumango naman ako sa kaniya pero hindi ako nagpapakita ng kahit anong emosyon.


"Hyros, alam ko na ang sikreto mo no'n at hindi ko alam pero masiyado akong nasaktan dahil sa ginawa mo. Akala ko sasabihin mo sa akin ang totoo mong pagkatao pero pinili mo akong iwan at hindi na binalikan. Naghintay ako eh, naghintay ako Hyros." Sabi ko sa kaniya na walang pag-uutal.


I don't want him to expect na may pag-asa pa, marami pang mangyayari at dadaan na mga sitwasyon. Ayokong mangako, ayokong bumitaw ng mga salita na alam kong hinding-hindi ko magagawa.

"Pero binalikan kita!" Sigaw niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin at tanging sigaw nalang niya ang narinig ko matapos siyang higupin ng gintong liwanag na ginawa ko.

Academia: Hidden Powers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon