HP 47

899 30 1
                                    

Wenessa.




Seryoso lang kaming nakatingin kay Zhavia na ngayo'y nakangisi na sa amin. Hindi ko mapigilan na hindi magtaka, kakaiba ang presensiya na meron siya. At bakit gano'n? Mas lumakas ata ang kapangyarihan niya?


"At sino ka namang babae ka?" Sigaw no'ng nagngangalang Cross na ngayo'y nakaharap na pala kay Zhavia. Nakatutok parin kay Athena ang mga daggers niya at kahit anong tunaw do'n ni Athena ay hindi niya ito matunaw-tunaw. Ano bang klaseng kapangyarihan ang meron ang mga lalaking 'to at napakalakas?



"Wala ka ng pakialam kung sinuman ako dahil mamamatay ka din naman sa aking harapan." Ngising sagot naman ni Zhavia kay Cross.


"Ang lakas ng loob mong magsali—" Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaang pagtama ng kidlat sa kabuuan ni Cross at parang isang bula na nawala sa paningin namin. Napasinghap ang mga kasamahan ko at pati ako ay hindi ako makapaniwala dahil sa nakita. Nakakatakot ang Zhavia na kaharap namin, may kakaiba sa kaniya ngayon.


"Hangal!" Sigaw ng lalaking na ngayo'y nakaanyong demonyo kagaya ni Athena. Kakaiba lang sa kaniya dahil pakpak ng isang ibon ang meron siya hindi katulad kay Athena na pakpak ng isang dragon.


Napatingin agad ako kay Cylechter dahil sa pag-aalala, baka mapahamak siya dahil nasa malapit siya ni Zhavia. Hindi ko alam pero parang hindi si Zhavia na nakilala namin ang nasa harapan namin ngayon, isa siyang kakaibang specialist ngayon. May nangyari ba sa kaniya at ganiyan nalang ang pagbabago niya? Zhavia can't smirk like that!




"Ako isang hangal? Hahaha nagpapatawa ka ba lalaki? Ako ay naglilinis lang ng mga kalat sa lugar ng babaeng ito!" Natatawang turan ni Zhavia na siyang ikinagulat naming mga nakakakilala sa kaniya.


May kakaiba nga sa kaniya!



"She is not Zhavia, I am sure of that." Dinig kong turan ni Athena na ngayo'y nasa tabi ko na pala. Nawala na ang mga daggers na nakatutok sa kaniya dahil sa pagkamatay ni Cross.


"Anong pinagsasabi mo babae ka?!" Sigaw parin ng lalaking anyong-demonyo, ngayon ay seryoso nang nakatingin sa kaniya si Zhavia o kung sino man ang babaeng nasa harapan namin ngayon.



"Isa ka lang specialist na kayang magpalit ng anyo, hindi ka isang tunay na demonyo. Hindi tayo magkauri, lalaking hangal." Sa sinabing 'yon ni Zhavia ay unti-unting napapasigaw ang lalaki na hindi namin alam ang dahilan.


Nagtaka kami dahil unti-unting naglalaho ang mga pakpak ng lalaki hanggang sa naging ordinaryo na ang kaniyang anyo. Nawawala na din ang presensiya na meron siya at parang lantang gulay na siya ngayon. Namumutla, at mapapansin mo ang biglaan niyang pagpayat. Mukha niyang nanghihina at hindi na kaya pang makatayo pa. Tumingin sa amin ang lalaki na para bang nanghihingi ng tulong, ni walang magawa ang mga kasamahan niyang gulat narin sa nangyari at hindi na makagalaw dahil sa ginawa ni Zhavia.



Hindi nga talaga si Zhavia ang nasa harapan namin, kakaibang babae ang nasa harapan namin at masasabi kong mapanganib siya sobra. Hindi siya kakayanin ng mga lalaking 'to at kung ako ang tatanungin, sana hindi na sila sumugod pa sa lugar na ito.

"Nakakaawa ang inyong mga kasama, hindi nila alam kung sino ang kanilang binabangga at pinagsasalitaan ng masama. Ako lang dapat ang masama dito." Ngisi na ulit ngayong turan ni Zhavia. Napansin ko ang pagkuyom ng mga palad ng mga lalaking sumugod dito, napatingin ulit ako sa lalaking kayang mag-anyong demonyo.


Wala na siya, ang uniporme nalang at pantalon nalang ang natira.


Tumingin ako kay Zhavia, kung titignan ay ordinaryo lang siya. Pero nang dahil sa kapangyarihan na meron siya, nangamba na ako at hinding-hindi na siya ang kaharap namin ngayon. Isa na siyang malakas na nilalang, isa na siyang demonyo kung ituring dahil sa kakayahan niya.



Academia: Hidden Powers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon