Alisis.
Nasa harapan na kami ngayon ng Satharia, yes bumalik na kami. Ang rason? Magpapahinga at ilang araw na din kaming naglakbay. Walang choice si Athena kundi bumalik kahit ayaw niya, natapos na din ang misyon niya kaya puwede na siyang mag-stay dito at kami naman ang maghahanap kay Venedict.
Nakatingin parin sa akin ang mga mata ni Senny, hindi parin ata siya makapaniwala na hindi ako ang inaakala niya. Akala niya iisa lang kami, pero alam kong masasagot din ang mga katanungan niya mamaya. Wala ako sa mood para magsalita, siguro dahil nanghihina narin ako. Gamit kasi namin ang portal na ginawa ni Senny, at least siya kontroladong-kontrolado niya ang kapangyarihan niya.
Agad kaming pumasok sa mini gate nang makitang nakabukas lang 'yon. Siguro lumabas ang mga Satharia Knights na siyang nagbabantay sa mga corners dito. They are not just an ordinary knights, they're also trained here at dito na rin sila lumaki sa Satharia Academia. Agad bumungad sa amin ang tahimik na lugar, siyempre may klase ang mga specialist dito kaya walang makakapansin sa pagdating namin.
"Nakarating ka na." Napalingon ako sa lalaking nagsalita, si Olcor.
"Ikaw pala, kamusta ka na dito? Bigla ka nalang kasi umalis no'ng nasa Town of Rain tayo eh." Ngiti kong sambit sa kaniya pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin na para bang sinusuri. Nagtaka naman ako dahil sa biglaan niyang pagbuntong-hininga.
"May problema ba Olcor?" Tanong ko sa kaniya.
"May sumugod dito, mga naka-blue coat. Buti nalang nakayanan ng mga Royal blooded at ng mga Diyos at Diyosa dito." Seryosong sabi ni Olcor na ikinasinghap ko. Blue coat, mga Eastherian!
"Eastherian!" Sigaw na bulong ni Sera kaya napatango nalang ako.
"Pupunta lang muna kami sa dorm, magpapahinga at mag-uusap tayo. Nasa'n na ba ang mga Royal blooded?" Tanong ko sa kaniya, nagbikit-balikat lang siya at agad naglakad papalayo sa amin.
"Minsan talaga ang bastos no'n." Turan ni Chester kaya napailing nalang ako sa kaniya telling him na huwag ng makipag-away dahil baka another problem na naman. Magpahinga na muna dapat.
"Mamaya na tayo mag-usap." Turan ko at agad nag-teleport habang nakahawak sina Chester at Sera sa akin.
Nakadating kami kaagad sa kwarto at agad akong pumunta sa kusina at uminom ng tubig na malamig. Wala namang nagbago sa room, gano'n parin at malinis. Siguro may pumapasok dito at nililinisan ang bawat parte ng room namin.
Pagbalik ko sa sala ay napansin ko ang bagsak na bagsak na katawan ni Chester at pati si Sera ay nakaupo na natutulog. Hayst! Grabe ang misyon na 'yon, nakakapagod ng sobra.
Agad naman nanlaki ang mga mata ko na may mapagtanto.
Si Venedict! Hindi nga pala siya namin nahanap! Hindi din namin siya kasama sa pag-uwi! Nasaan na ba kasi 'yon? Alam pa ba niya ang pagbalik dito? Alam pa ba niyang gamitin ang kapangyarihan niya na hindi naliligaw? Naligaw na siya no'n dati eh! Ginamit niya kapangyarihan niya sa mundo ng mga tao at imbis sa C.R. ng mga lalaki sa school siya mapunta ay nasa C.R. siya ng mga lalaki sa mall napunta. 'Yon ang ikinatakot ko na baka kung saan siya napunta at baka hindi niya nakontrol ang kapangyarihan niya ng maayos.
Isa din 'yong pasaway, kapag gusto niya ay gagawin at gagawin niya. Hindi puwedeng hindi niya nagagawa ang kagustuhan niya. Minsan nabatukan na din 'yon ni Auntie Azania dahil sa masiyadong confident sa paggamit ng kapangyarihan niya.
"The next mission is to find Venny." Turan ko sa kanila na ikinadilat ng mga mata nila.
"Shit! Muntikan ko na siyang kalimutan! Nasaan na nga ba 'yon?!" Sigaw ni Chester kaya napapitlag kami ni Sera dahil sa gulat.
BINABASA MO ANG
Academia: Hidden Powers
FantasyStarted: August 21, 2019 Ended: February 06, 2020 U N E D I T E D Academia 2 They are not actually the cursed, they are just powerfully gifted. They are the real product of truth and lies, and it is already predicted. Another secrets will be reveal...