Serafina.
Simula nang maging isa ako sa mga Apostoles ni Alisis, nagbago na ang takbo ng buhay ko. Hindi, noon na pala bago ko nakilala si Alisis. Inampon ako ng isang estrangherong lalaki at babae na alam kong hindi sila ordinaryo, mga kakaibang nilalang.
Nagulat ako dahil sa kakayahan nila, ang nanay-nanayan kong kayang magpalabas ng tubig galing sa katawan niya at ang tatay-tatayan kong kayang kontrolin ang lupa.
Nang nakita ko kasing kinuha ang mga magulang ko ng mga bampira ay agad akong nanghina, oo they are vampires. Hindi ko alam kung anong kailangan nila sa mga magulang ko, hindi ko alam kung bakit kinuha nila ang mga magulang ko. At first I'm scared, pero naging matatag ako at naging matapang.
Seryoso lang akong nakatingin sa Tita nina Alisis at Venny dahil sa sinabi nito. She knew everythin' pero hindi niya sinabi ang lahat. Hindi naman kasi marami ang kinuha ng mga bampira sa mundo ng mga tao, kundi ang mga magulang ko lang naman. I don't know kung ano ang papel ng mga magulang ko sa mundo ng mga bampira, sana mali ang mga hinala ko. Sana.
Malaki ang galit ko sa mga bampira dahil sa kakaibang kinikilos nila. I don't want what will they do to my parents, hindi ko alam kung anong kinalaman ng mga magulang ko sa mga ginagawa nila. At nang malaman kong isang bampira ang mate ni Venny, bigla ko tuloy naisip na sugurin ang lalaking 'yon but I ended defending their bloodlines. Pinaglaban ko ang mga karapatan at pamumuhay nila sa harapan ni Venny. I studied their histories, places, likes and dislikes. Masiyadong maraming impormasiyon akong nakalap kaya minsan napapagod na ang utak ko sa kakaisip.
I died, but I am now alive because of Alisis. Ewan ko ba kung dapat kong pasalamatan si Alisis dahil sa pagbuhay niya sa akin which is forbidden. Also, nang makita ko ang ginawa niya kay Chester ay hindi ko malaman kung ano ba talaga ang kapalit ng mga ginagawa ni Alisis. Alam kong meron.
I loathed people with those weird abilities pero nang dahil kay Alisis, namulat ako sa katotohanang bakit ko kamumuhian ang mga gano'ng klaseng nilalang kung ito naman pala ang magbibigay proteksiyon sa amin? And I promised to myself that I will do everythin' for Alisis' protection. Nabuhay ako ulit hindi lang sa may mapatunayan kundi iligtas ang dapat iligtas at tulungan si Alisis sa mga misyon niya.
"Nasa loob sila n-ng isang laboratoryo ate, may kung ano silang ginagawa sa katawan ni Ate Senny at kapag hindi po natin maagapan ay baka kung ano na ang nangyayari ngayon." Iyak na sabi ng batang si Senya. Agad namang tumango si Alisis, she is so kind and even it's dangerous for us—for her ay susuungin niya. Tita Azania raised her well, palaban kahit alam niyang natatakot siya. Siguro isa na din sa mga rason niya ay gusto niyang tumulong at ensakto naman na ang babaeng hinahanap namin ay ang babae palang pinag-e-eksperimentuhan.
"Wenessa and Cylechter, kayo ang close ni Senny kaya kayo dapat ang gumawa ng paraan." Sabi ni Athena na parang may inuudyok.
"Wait what? Akala ko ba tulong-tulong tayo dito?" Takang tanong naman ni Cylechter na may bahid ding inis. Oo nga naman, tulong-tulong dapat!
Napansin kong nakatingin lang sa akin si Chester na para bang minamatyag palagi ang kinikilos ko. I hate his stares, oo close na kami kahit papaano pero hindi ko makakalimutan ang mga ginawa niyang masama kay Alisis before noong nasa mundo pa kami ng mga tao.
Bigla ko nalang naalala ang mga magulang ko, ang mga totoong magulang. They need my help, hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi ni papa sa akin noon.
'Dadating ang panahon anak, you will saved us from chaos by your power.'
BINABASA MO ANG
Academia: Hidden Powers
FantasyStarted: August 21, 2019 Ended: February 06, 2020 U N E D I T E D Academia 2 They are not actually the cursed, they are just powerfully gifted. They are the real product of truth and lies, and it is already predicted. Another secrets will be reveal...