Alisis.
Kaming Athena ang magkasama, kinakabahan ako dahil baka mahuli kami ng mga scientist wannabe na mga Enchanters. Kinakabahan ako na baka kami ang isunod, well hindi ako makakapayag dahil lalaban ako. Not in physical way, kapangyarihan sa kapangyarihan dapat.
"Ligtas kaya si Senya sa pinagtaguan natin sa kaniya? She told us kasi na may humahabol sa kaniya kaya do'n natin siya nakita." Turan ko at pansin ko talaga na seryosong-seryoso lang si Athena sa pagbabantay sa kapaligiran. Baka kasi may kakaibang tunog o kaluskos edi nahuli na kami.
We can handle ourselves naman, ang akin lang ay gusto kong walang nasasaktan. Pero alam ko namang imposible ang mga bagay na iniisip ko dahil sa mundo na'to, walang katarungan o karapatan ang bawat isa. Basta gugustuhin nila, gagawin at gagawin nila and I'm looking forward for this Enchanters na pinaglalaruan ang katawan ni Senny.
This girl, she is the Goddess of Spell at nakakagawa siya ng mga portal. Katulad niya si Venedict na ewan kung saan na siya ngayon. Hindi parin siya nagpaparamdam, hindi pa niya naman nakokontrol ng maayos ang kapangyarihan niya kapag hindi siya kumakalma. Sana makita na namin ang nanay niya, we need to find her mother para alamin kung paano namin maililigtas ang mga batong rebulto nila nanay.
"Alam kong ligtas siya do'n Alisis, huwag mo na munang pansinin ang batang 'yon. What we need is to look for Senny, kaibigan siya nina Genesis at Menesis kaya kung nandidito sila ay sigurado akong hindi rin sila magdadalawang-isip na iligtas ang babaeng 'to." Tinignan niya ako sa mga mata habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon. Parang nag-uudyok ang mga mata niyang nakatingin sa akin, para bang may hinuhuli siya sa akin.
I'm smarter than her, oo nai-kuwento niyang marami na siyang napag-aralan sa iba't-ibang mundo ng mga nilalang. Pero hindi niya maitatagong mahina siya sa pagtatago ng emosyon, hindi niya alam kung paano umakto ng seryosong-seryoso dahil minsan nakikitaan siya ng lungkot sa mga mata.
Siguro masakit parin ang dinanas niya kay Igneous, ginamit pa niya si Enzyme na crush ni nanay no'n. Gano'n na talaga ka-desperada si Athena but I know, gusto niya lang gawin 'yon dahil gusto niyang ipakita na ayos na siya. Pero for me, hindi 'yon sagot para maka-move on sa isang tao o specialist. What you need is to move-forward, hindi mo naman kailangan kalimutan ang mga nakaraan niyo. Just treasure the moment na nalampasan niyo ng sabay, mga alaalang nagpatibay ng kalooban mo at napunta sa kasalukuyan kung ano ka ngayon.
Minsan kasi, kailangan nating masaktan bago natin ma-realize na hindi pala worth it ang isang lalaking ipaglaban ng matagalan. Na hindi pala siya worth it na dalhin sa future mo, hanggang sa past mo lang talaga dapat siya.
"Sana walang mangyaring masama kay Senya, we need to help her sister para hindi na 'yon umiyak." Malungkot na sabi ko kay Athena and she just nodded na para bang naiintindihan niya ang tinutukoy ko.
May naramdaman ako kaagad na malalakas na presensiya na nagpatigil sa amin sa paglalakad. Even Athena stopped na may nanlalaking mga mata. Nanginginig ang mga tuhod niya and this is the first time seeing her like this. Even me, hindi ko alam na may ganito palang klaseng presensiya pang natitira, this is so strong.
"Napakapamilyar ng mga presensiya na'to, d-dalawa silang nandito. As expected, lahat sila nakawala." Utal na turan ni Athena na kahit taka akong nakatingin sa kaniya ay iniisip ko nalang na may panibagong kalaban kaming haharapin and hindi ito magiging madali para sa amin.
Sinundan namin ang presensiya na nararamdaman namin at habang papalapit kami ng papalapit ay mas lalong lumalakas ang presensiya at kahit ako ay kinakabahan—sobrang kinakabahan dahil sa napakalakas ng presensiya nila. This is quite familiar, may katulad silang presensiya, at alam kong tama ako. Hindi ako nagkakamali sa mga kalkulasyon ko, I think this would be a battle between monsters and specialists.
BINABASA MO ANG
Academia: Hidden Powers
FantasyStarted: August 21, 2019 Ended: February 06, 2020 U N E D I T E D Academia 2 They are not actually the cursed, they are just powerfully gifted. They are the real product of truth and lies, and it is already predicted. Another secrets will be reveal...