HP 11

1.2K 41 0
                                    

Alisis.


"Malapit na kami Athena pero hindi parin namin alam ang mga kapangyarihan namin." Napatingin ako kay Chester dahil sa sinabi niya.

Tama siya, malapit na sila at sila na ang lalaban. Hindi ko alam kung bakit hindi parin lumalabas ang kapangyarihan nila o baka hindi pa nila alam kung paano gamitin? Nag-activate na ang kapangyarihan nila dahil nga nag-iba na ang kulay ng mga mata nila. Ang light blue na mga mata ni Sera at ang mga ubeng kulay na mata ni Chester.



"Kahit ako Chester hindi ko alam kung bakit hindi niyo pa nagagamit ang mga kapangyarihan niyo." Nagtataka kong sabi sa kanila at napansin kong napabuntong-hininga si Sera.

"Maghintay lang kayo. Lalabas din 'yan." Turan naman ni Venedict kaya napatango naman sila.

"Kanina pa tayo naghihintay pero bakit hindi pa sinisimulan?" Naiinip na turan ni Venedict kaya napahagikhik ako.

"Excited ka na talagang lumaban no?" Tatawa-tawa kong tanong at napairap naman siya sa akin.

"Merong part sa utak ko na, why do I need to fight kung alam kong mananalo rin naman ako?" Ngising asong turan ni Venedict kaya ako naman ang napairap kunyari.

"Saan mo natutunan ang mga ganiyan Venny? Bakit nagiging mahangin ka na?" Kunyaring seryoso kong turan sa kaniya pero ngumisi lang siya pabalik sa akin.

"From someone."

Napatingin kami sa pinto nang may pumasok do'n at rinig ko ang tibok ng puso ng tatlo kong kasama dahil nandiyan na ang Professor. Akala ko ba excited si Venny? Oh eh bakit siya kinakabahan? Hahaha!

Nagtaka naman kaming nakasulyap sa Professor dahil parang wala siya sa sarili, parang tuliro pero nanghihina ang buong katawan. May napansin pa ako sa likuran niya at halos mapasinghap ako ng isang dagger ang nakatarak sa kaniyang likuran at napansin na ng iba kong mga kaklase kaya agad silang nagsigawan at tarantang dinaluhan ang Professor namin. Nakiisyoso narin kami dahil sa kuryusidad.

"Prof what happen?" Tanong ng isa naming kaklase, si Seyvana. Ang unang babaeng kaklase kong nanalo kahapon.

"T-Tumakas m-muna kayo!" Nagulat kami sa biglaan niyang pagsigaw na para bang takot na takot siya.

"Sabihin mo sa amin kung ano ang nangyayari?" Seryosong tanong ngayon ni Olcor. Hindi ako nasanay sa pagiging seryoso niya, simula no'ng laban namin kahapon ay biglaan na siyang naging seryoso. Guilty nga ako eh dahil alam kong ako ang may dahilan kung bakit siya nagkakaganiyan.

Napatingin ako kay Venedict at napansin kong seryoso din siyang nakatingin kay Professor.

"Anong nabasa mo Venedict?" Tanong ko sa kaniya na may pag-aalalang tono.

"May kalaban, hindi ko alam kung sino s-siya b-basta napakalakas niya!" Sigaw ng Professor kaya agad kaming napaatras dahil sa sinabi niya.

Our Professor's power is to sense how strong your presence is, nalalaman niya kung gaano kalakas ang isang specialist o Elementalist.

Kinabahan ako sa tinuran niya, makikita sa mukha niya ang takot, kaba at pagkataranta. Nanginginig ang kaniyang mga labing nakatingin sa aming lahat, his knees are trembling and his hands are shaking.

"Professor! Kakalabanin namin siya!" Sigaw ng isa sa amin at nagulat ako ng nilakihan siya ng mata ng Professor.

"No! S-Sabi ko umalis na kayo! He is a monster! Hinding-hindi niyo makakaya ang isang tulad niya kahit napakarami n-niyo pa!" Sigaw niya at napahiyaw ang lahat dahil bigla nalang itong sumuka ng dugo. Dali-dali naman akong pumunta sa likuran niya dahil nakatarak pa do'n ang dagger. Tanong sila ng tanong pero hindi nila napansing nahihirapan ang Professor sa dagger na nakatarak sa likuran niya.

Academia: Hidden Powers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon