Alisis.
"Umalis ka diyan Alisis!" Sigaw sa akin ni Sera mula sa likuran pero hindi ko siya pinakinggan at mas lalong binigyan ng kakaibang tingin si Werrestella, ang nanay-nanayan ni Sera.
Hindi dapat kasama si Sera sa gulo ko kung hindi niya pinatay ang anak niya. Oo hindi niya kadugo pero dapat may respeto man lang siya sa katawan kahit kaunti because they adopt Sera, inangkin kahit alam nilang may totoo siyang mga magulang.
Ang mga butil ng ulan ay unti-unting nabibiyak hanggang sa naging pira-piraso ang mga 'to.
Wala ng ulan, wala ng kapangyarihang bumabalot sa kagubatan na ito at kitang-kita ko ang panghihina ng babaeng nasa likuran ng babaeng nasa harapan namin. Unti-unti na nitong naipipikit ang mga mata niya hanggang sa nawalan na siya ng malay.
"Guess only me and your pathetic comrades huh?" Ngising sambit ni Werrestella na mas lalong nagpatindig ng mga balahibo ko.
I know I'm strong enough to beat her pero may kakaiba parin na nagdadalawang-isip ako dahil nandiyan si Sera. I don't want to hurt her, ayokong makita niya ang gagawin ko sa nanay-nanayan niya.
Naalerto nalang ako nang biglang umatake si Werrestella ng walang pag-aalinlangan. Sinuntok niya ako sa tagiliran ko pero agad kong hinampas ang kamao niya pero hindi 'yon enough para maiwakli ang kamao niya kaya sa huli, natamaan ako.
Napadaing ako sa sakit dahil sa kakaibang lakas ng kamao niya, she is really into battle kung tutuusin. Kamao niyang mabigat na tumama sa tagiliran ko ay masasabi kong para na akong binato ng isang malaking bato na kasing-laki ng din ng kamao niya. Akmang susugod siya sa akin nang bigla nalang pumaharap sa akin si Athena kaya kitang-kita ko ang likurang bahagi niya.
"I really wanted to punch her face, nang dahil sa mga lahi niya ay nagkagulo ang lahat." Bulong ni Athena kaya napaatras ako ng kaunti.
"Oh Athena?" Ngising turan ni Werrestella na parang nababaliw pero hindi natinag si Athena at siya na ngayon ang sumugod.
Nagpalitan sila ng mga suntok at sipa, nakikita ko sa mukha ni Werrestella na nahihirapan siya kay Athena dahil damang-dama ko ang bawat bigat ng suntok ni Athena.
"Athena has the strenth when it comes into physical battle. Bawat suntok niya ay katumbas ng isang sakong bato, that is why nahirapan din ako sa kaniya noon." Napalingon ako kay Wenessa dahil sa sinabi niya at napatingin uli kay Athena.
She is really strong, kakaiba ang presensiya na ipinaparamdam niya ngayon. Kayang-kaya niyang talunin si Werrestella, at nakakagalaw na siya ng maayos dahil wala ng ulan na nakakapagpigil sa kaniya.
Bigla nalang nagpalabas ng naglalagablab na apoy sa palad si Athena at hindi rin nagpahuli si Werrestella dahil nagpalabas din siya ng likido sa kaniyang mga palad. Bigla nalang umatake si Werrestella at gano'n din si Athena habang ang mga kamao nila ay parang naghahanap ng mala-landing-an pero sa huli, ang mga kamao nila mismo ang nagkasanggaan na nagdulot pa ng kaunting usok dahil sa magkasalungat na kapangyarihan.
"Sera." Bulong ko ng mapansin kong seryoso siyang nakatingin sa puwesto ni Werrestella.
"She deserves to die, she killed me. Dahil sa kaniya hindi ko nasundan ang mga magulang ko." Turan niya at hindi nalang ipinahalatang nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi alam na si Werrestella pala ang dahilan kung bakit hindi siya nakasunod. Auntie Azania told us na alam na ni Sera na may totoo siyang magulang pero she stayed parin sa mga peke niyang mga magulang. Sera used her adoptive parents para matulungan siyang hanapin ang mga magulang niya pero hindi siya natulungan.
BINABASA MO ANG
Academia: Hidden Powers
FantasyStarted: August 21, 2019 Ended: February 06, 2020 U N E D I T E D Academia 2 They are not actually the cursed, they are just powerfully gifted. They are the real product of truth and lies, and it is already predicted. Another secrets will be reveal...