HP 45

989 33 0
                                    

Alisis.




Hindi kami puwedeng gumamit ng portal na puwede ko namang gawin. Hindi din kami dapat padalos-dalos dahil baka mapahamak kami at hindi matuloy ang misyon na'to. Nasa Satharia kami, gitna ng Satharia. Ang Town of Darkness ay nasa pinakagitna ng isla at malayong-malayo ang Westheria. We need to take a risk, kailangan naming maghintay at kailangan din naming magtiis.



"Naalala ko, Levinas went to our house at sinabi na dapat na daw namin kunin kaagad ang kaharian. Mas mapapadali daw ang pagbagsak ng Westheria dahil nando'n daw ang magiging sandata para matalo ang Westheria." Sabi ni Specter.


Isang sandata, it could be a thing or a specialist or a power.


"Wala kaming kaide-ideya kung anong klaseng sandata. 'Yon daw ang magiging alas namin, matagal na daw 'yong nakatago sa ilalim ng kaharian namin." Dagdag pa niyang turan kaya napatango ako. Sana nga makatulong ang sandatang sinasabi ng ina ni Venedict. Sasabihin ko ba sa kanila na malaki na rin ang anak ni Auntie Levinas?


Siguro kailangan ko na ring sanayin na hindi sila tawaging auntie o uncle dahil hindi naman malayo ang edad namin sa isa't-isa kung tignan. Sigurado akong bata din tignan si Levinas, gano'n nga rin si Auntie Azania eh.


"Kung maaari, hindi muna tayo gagamit ng kapangyarihan para hindi nila maramdaman ang presensiya natin." Spencer butt in at tumingin siya sa akin na para bang huwag na huwag akong gagamit ng kapangyarihan.

"Huwag kang mag-alala Spencer, kahit gumamit si Alisis ng kapangyarihan ay hindi nila malalaman. Her presence was sealed, kaya hindi malalaman ng mga kalaban na gumagamit siya ng kapangyarihan." Sabat din ni Sera habang nakatingin kay Spencer na ngayo'y nakakunot ang noong nakatingin sa akin na para bang may iniisip.


"Sakto! Mapapadali ang paglalakbay natin kung gagamit siya ng portal diba? Para hindi narin tayo maglakad ng maglakad." Turan din ni Chester pero sinamaan lang siya ng tingin ng mga lalaki.



"Hindi nga mararamdaman ang presensiya niya, pero mararamdaman nila ang atin. Hindi niyo ba alam? Sumisipsip ng lakas ang portal, kaya mararamdaman at mararamdaman nila 'yon sa portal." Agad na turan ni Specter kay Chester kaya napaatras nalang siya ng kaunti.


"Dadaan tayo sa pinakadulong lungsod, nando'n ang mga kailangan nating mga sandata. Ayos lang kay Alisis kung hindi siya bibili, may kapangyarihan siya na sinasabi niyong hindi mararamdaman ang presensiya niya kapag ginamit." Napatango nalang kami sa tinuran ni Spencer at naglakad ulit.

Hindi mo talaga maiaalis ang pagkaseryoso ni Spencer, mas bubbly sa kaniya si Specter kung tignan. Sa kuwento ni Auntie Azania, mas seryoso daw si Auntie Menesis kaysa ni nanay. Si nanay kasi, palangiti at maalalahanin pero gano'n din naman si Auntie Menesis. Mas kamukha ni Auntie Menesis si Specter, at kamukha naman ni nanay itong si Specter.



"Olcor, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya dahil napansin ko kasing nanginginig siya.

"A-Ayos lang." Biglang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya pero mahahalata mo ang pagputla ng mga labi niya.

Agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa leeg at agad akong napasigaw dahil sa napakainit ng kaniyang leeg. Nakakapaso ang init na meron siya. Literal na napakainit kaya kaagad kong ginamot ang palad kong napaso.


"Ang init mo!" Sigaw ko kaya agad napatingin sa akin ang lahat at kay Olcor.


"Napakakulit mo talaga A-Alisis." Wala na akong pakialam kung makulit ako pero nag-aalala ako sa kaniya ng matindi. Pinayagan ko siyang sumama kaya dapat responsibilidad ko ang ingatan siya.


Academia: Hidden Powers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon