Alisis.
Sumapit na ang gabi, lumabas na ang maliwanag na buwan, presensiya ni Wenessa ay mas lalong nag-iba.
Kahit naglalakad kami, hindi ako mapakali sa presensiya ni Wenessa dahil sa biglaang pagbabago ng kaniyang presensiya. Mas lumakas ang kapangyarihan niya, mas lumakas ang aura na meron siya. Napapansin ko ring hindi na siya mapakali, napapansin kong hindi siya kumikibo. Ito na ba ang problema niya? Hindi niya na ba ulit nakokontrol ang kapangyarihan na meron siya? How difficult her status is?
"Ayos ka lang ba Wenessa?" Tanong ko, binigyan niya lang ako ng tango na hindi sigurado.
"Nasaan na ba tayo?" Iritang tanong ni Venedict.
"Bakit ba ang init ng ulo mo bakla?" Irita na ring tanong sa kaniya ni Chester pero sinamaan lang siya ni Venedict ng tingin.
"Bakit ba nangingialam ka?" Tugon pabalik sa kaniya ni Venedict.
"Dahil isa ka sa mga Apostoles! May pakialam ako dahil hindi namin maintindihan 'yang kinikilos mo at baka diyan mapahamak si Alisis!" Nabigla ako dahil sa sigaw ni Chester at dahil din sa sinabi niya tungkol sa Apostoles.
"Chester!" Sabay sigaw namin ni Venedict pero hindi parin siya natinag at patuloy niya paring sinamaan ng tingin si Venedict.
"Apostoles, bakit kailangan ni Alisis ng gano'n?" Takang tanong ni Athena kaya nagkatinginan tuloy kami ni Sera at palipat-lipat sa puwesto ni Chester na nakakunot ang noo at si Venedict.
"M-Mahina ang puso ni Alisis, kailangan niya ng mga taga-bantay." Rason kaagad ni Sera kaya napahinga ako ng malalim.
Ayan na nga ang sinasabi ko eh, dahil diyan sa pag-aaway nilang hindi naman gaano malaki kami mapapahamak.
"Ang Apostoles dito, sila ang taga-bantay sa isang napakalakas na specialist o Elementalist." Napatingin kami kay Wenessa dahil sa biglaan nitong pagsabat na may pagtataka din sa kaniyang ekspresiyon.
Magsasalita pa sana ako nang biglang umulan ng napakalakas, kasabay no'n ang malakas na simoy ng hangin. Inilibot pa namin lahat ang mga mata namin sa paligid kung anong meron pero iba atang lugar ang napuntahan namin.
"I think this is the Town of Rain." Bulong ni Athena.
"Town of Rain?" Takang tanong naman ni Sera.
"Lugar ito kung saan hindi nasisinagan ng araw, mahina lahat ng mga katulad ko dito. Mga kapangyarihan na may kinalaman sa apoy. Pero napapatuloy parin ang paglago ng mga bulaklak dito at mga puno." Seryosong turan ni Athena.
"Wala ding silbi ang kapangyarihan ko gano'n?"
"Oo Chester kaya tumahimik ka na." Sita sa kaniya ni Sera.
"Lamig ng hangin kasabay ang lamig ng tubig galing sa itaas ng kalangitan. Malambot na kalupaan dulot ng masaganang ulan, malulusog na halaman dahil sa aking kapangyarihan."
Unti-unti naming inilingon ang mga ulo namin sa aming harapan kung saan bumungad sa amin ang isang imahe ng babae na sumasayad ang kaniyang asul na bestida sa maputik na lupa. Sumasabay sa lakas ng hangin ang kaniyang mahabang buhok, at ang kaniyang asul na mga mata na parang nagbibigay liwanag sa buong gabi.
"Sino ka?!" Sigaw na tanong ni Wenessa na ngayo'y nakakuyom na ang mga palad at seryosong nakatingin sa estrangherang babaeng nakangiti sa harapan namin.
Noon, I really love people who smile at me pero kakaiba ang mga ngiti na ipinapakita niya. Her smile creeps me out, kakaiba ang pagkibot ng kaniyang mga labi at ang asul na liwanag galing sa kaniyang mga mata ay mas lalong nagpapalala ng kaba sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Academia: Hidden Powers
FantasyStarted: August 21, 2019 Ended: February 06, 2020 U N E D I T E D Academia 2 They are not actually the cursed, they are just powerfully gifted. They are the real product of truth and lies, and it is already predicted. Another secrets will be reveal...