HP 51

874 33 0
                                    

Alisis.





"Pero hindi tayo sigurado kung nandodoon nga si Devos sa Westheria. Puwedeng ibang rebulto ang pinupunto niya." Turan ni Sonata kaya napabuntong-hininga nalang ako.


"Sonata, walang ibang rebultong tinutukoy si Devos kundi ang rebulto ng kaniyang ina. Kung ayaw mong maniwala at kung ayaw mong makita si Devos, ayos lang naman kung dumito ka nalang muna." Seryosong turan ni Specter at napatango nalang si Spencer.



Kanina pa kami dito at pinipilit si Sonata na sumama, kailangan namin siyang dalhin sa amin para makumpleto na ang mga Diyos. Kailangan nilang magkaisa para matalo ang mga kalaban—para matalo ang mga Eastherians.



"Nakakairita ka na alam mo ba 'yon? Ang dami naming gagawing misyon pero nandito kami at pinipilit ka at sinasayang ang oras namin."


"Sera!"

"Serafina!"

Sigaw naming sabay ni Chester pero hindi natinag si Sera at hinarap pa si Sonata.


"Alam mo naman ata na hindi lang ang problema mo ang dapat naming problemahin diba? May mga problema din kami na kailangan namin isolba, may mga misyon pa kaming dapat gawin at kung tutuusin, mas importante ang misyon namin kaysa hanapin namin 'yang lalaking kinakabaliwan mo." Mahabang salaysay ni Sera kaya napailing nalang ako. Hindi mo talaga mapipigilan si Sera kapag gusto niyang magsalita, ibang-iba na siya sa Sera na nakilala ko no'n pero ayos lang naman. At least alam niya at natutunan niyang maging matapang at malakas and I'm so proud of her for that.



"Tama siya Sonata, nasa sa iyo din kung gusto mong sumama o dito ka lang at maghintay sa wala." Sabat naman ni Satro kaya agad siyang napatingin sa kaniya at napatango like she doesn't have any choice.



"Pero paano nalang kung may kalaban? Hindi natin sila kakayanin, they are strong and it's enough for them to break us all." Hindi parin mawala sa mga mata ni Sonata ang pag-aalala at takot na baka hindi na siya makabalik ng buhay. Nasa mga mata niya ang takot na baka ano ang magiging posibleng resulta kapag nakarating na kami do'n.


"Huwag kang mag-alala, kakayanin natin sila. Hindi tayo magpapatalo, hindi tayo magpapatumba nang gano'n-gano'n nalang. Lalaban tayo Sonata dahil kailangan, lalaban tayo dahil para sa mga kasamahan nating naging bato." Napatango kami sa sinabi ni Specter at pansin kong seryoso lang na nakatingin si Spencer kay Sonata.


Magkaiba nga talaga ng ugali ang magkambal, seryosong-seryoso si Spencer at hindi palasalita at kabaligtaran niya naman si Specter na halos palagi nalang sumasabat sa usapan. Pero kapag naging seryoso ay mahahalata mong halos magkamukha na sila.



"We are here to help!" Napalingon kami sa may sumigaw at halos manlaki ang mga mata ko—no! Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa hindi makapaniwala na nasa harapan namin siya!


"Venedict!" Sigaw naming sabay ni Sera, ang ngiting matamis ni Venedict ay ngayo'y naging simangot kaya natawa nalang ako.


"It's Venny nga, lagot kayo sa mate ko kapag tinawag niyo akong Venedict." Hindi ko alam kung anong meron sa mate niya pero at least nandito na siya.


Agad ko siyang dinamba ng yakap at pansin kong nakatingin lang sa likuran ko ang mga kasamahan ko sa ginagawa ko ngayon. Pagkahiwalay ko ay agad ko siyang sinimangutan dahil naaalala ko parin ang ginawa niyang pag-alis na hindi man lang nagpaalam.


"Umalis ka nalang bigla Venny, ni hindi mo kami sinama sa misyon mo."  Simangot kong sabi sa kaniya kaya napahagikhik siya.


"Mas ayos lang na hindi ka sumama, kapag sumama ka sa akin ay hindi ka makakarating sa ganitong sitwasiyon. Hindi mo sila mahahanap." Turo niya sa likuran ko kaya napatingin din ako do'n.



Academia: Hidden Powers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon