Venedict.
Bigla akong napabangon sa kinahihigaan ko dahil sa kaba. Agad kong inilibot ang mga mata ko and I'm here sa kwarto kung saan ako dinala ni Wyeth no'ng bago akong dating sa Verdugal.
At hindi ako patay. I'm alive and breathin'! Grabe muntikan na akong mawalan ng buhay dahil sa ginawa ko!
"Glad you're awake." Napalingon ako sa gilid ko at agad akong napakalma ng ngiti niya and even his presence give me happiness. Isa talaga siyang gamot para sa akin na kahit ngiti niya lang ay ayos na ayos na.
Kagigising mo lang Venny pero 'yang kalandian mo umaapaw na talaga. Nakakaloka na talaga!
Tinignan ko ang katawan ko at wala naman akong kasugat-sugat natamo, baka siguro nagamot na ako ng kung sino. Ni wala mang pasa galing sa mga suntok at sipa, that was cruel! Akala ko mamamatay na ako sa mga suntok at sipa nila, akala ko hindi na ako sisinagan ng araw at akala ko hindi ko na makikita ang mga kaibigan ko. I almost fail them, I almost give my life na wala pang nagagawa at napapatunayan.
"Where's Xyron?" Tanong ko na agad nang ikinanuot ng noo niya na parang nagtataka kung bakit siya kaagad ang hinanap ng bunganga ko.
"Bago ka pa mag-isip ng kung anu-ano, I just want to thank him dahil sa pagligtas niya sa akin. Kung wala siya, I'm dead." Dagdag ko kaagad at maririnig niya talaga ang seryosong tono sa pananalita ko. Napabuntong-hininga naman siya at napatango.
"He is on guard, nakabantay siya sa south of this kingdom. Umatras na ang mga puting bampira dahil sa unti-unti na silang nalalagasan." Sagot ni Wyeth kaya ngumiti nalang ako sa kaniya at tumango.
Napakarami kong tanong sa kaniya, napakaraming-napakarami. Hindi ko alam kung mabibilang pa pero iwawaksi ko muna ang lahat. Kahit sa pagpunta ko man lang dito ay maramdaman kong nasisiyahan ako sa lugar at paligid.
Napatingin ako sa pintuan ng bumukas 'yon at agad akong napatayo at napayuko ng ulo dahil sa presensiya ng Inang Reyna ni Wyeth.
"Hindi mo na kailangan gawin 'yan specialist, masiyado ka ng pormal." Dinig kong sabi niya habang nakayuko ako, inangat ko ang ulo ko at agad sumalubong sa akin ang kaniyang napakagandang mukha na kahit seryoso.
"I want to give a respect sa isa sa mga namamahala ng kastilyong 'to mahal na reyna." Ngiting sabi ko at tumango na lamang siya.
"Hindi na ako magtatagal, gusto lang kitang bisitahin at kamustahin. Ayos na ba ang iyong kalagayan?" Tanong niya sa akin kaya agad naman akong napatango. Hindi man siya makatingin sa mga mata ko ay ayos lang, she is looking at my body na para bang sinusuri.
"Salamat po sa pagbisita at sa pag-aalala at huwag po kayong mag-alala dahil maayos na ang aking kalagayan. Salamat sa inyong anak na nagbantay sa akin." Ngiti ko paring turan na siyang ikinatingin niya sa mga mata ko. Bahagya pa akong nagtaka dahil sa gulat sa mga mata niyang napatingin sa akin pero agad naman 'yong bumalik sa dati.
"Hmmm—salamat din pala sa pagtulong sa anak kong ilayo sa mga kalaban. Alam mo na ang sitwasiyon niya kaya hindi siya maaaring lumaban pero sa ngayon, alam kong makakalaban na siya. Namarkahan na ang dapat namarkahan." Sa sinabi niya ay ang naunang mga kataga lang ang naintindihan ko pero sa huli ay hindi na. God! Masiyadong makaluma talaga ang mga salita dito na pati ako ay nadadamay sa pananalita nila! Kaloka!
"Inang Reyna, katulong ko siyang nagbantay sa hiyas. He also killed the three princes of the white vampires." Nagulat naman ang reyna dahil sa sinabi ng anak niya and for the first time! I saw her smile at mas lalong tumingkad ang kagandahan na meron siya and she is so gorgeous. Well, wala naman atang pangit sa lugar na'to pero parang mas angat ang reyna sa lahat ng kababaihan dito.
BINABASA MO ANG
Academia: Hidden Powers
FantasíaStarted: August 21, 2019 Ended: February 06, 2020 U N E D I T E D Academia 2 They are not actually the cursed, they are just powerfully gifted. They are the real product of truth and lies, and it is already predicted. Another secrets will be reveal...