Alisis.
Hindi ko aakalain na ang lalaking nasa harapan namin ngayon ay siyang hinahanap namin. Hindi ko alam na ang lalaking nasa libro ng Heiress at ang minamahal ni Wenessa ay iisa. Napakaliit nga talaga ng mundong 'to, sabagay madali mong mahahanap ang gusto mong hanapin kapag may ganito kang klaseng kapangyarihan.
Hanggang ngayong oras na'to, iniisip ko parin kung anong oras ba babalik si Venedict at parang nawiwili na siya sa lugar kung nasa'n man siya ngayon. Nakakainis dahil pinapakaba niya ako—kami ng mga kaibigan niya. He is supposed to be in my side because he is one of my Apostle pero nasa'n siya? Hayst, ang baklang 'yon talaga.
"Lolo, puwede ba natin silang pagpahingahin muna? Nakikita ko sa kani-kanilang mga itsura ang matinding pagod." Sabi niya at tumingin siya sa akin.
"Maliban sa isang 'to." Dagdag niya pero hindi ko nalang siya pinansin.
Bigla namang napabuntong-hininga ang tinatawag niyang Lolo ay agad kaming sinenyasan na sumunod sa kaniya.
Nagsimula na kaming maglakad habang sinusunod ang Lolo ni Cylechter. Sa kinikilos nito ay parang siya talaga ang namumuno ng lungsod ng Sacred. Dahil ba tinawag nilang Sacred ay dahil sa propesiya na tinatago nila?
"God! Parang dudugo na ata ang ilong ko dahil sa napakalalim nilang magsalita." Sambit ni Sera na hinahawak-hawakan pa ang ilong niya.
"Serafina, akala mo lang ikaw ang naghihirap intindihin ang mga sinasabi nila?" Inis ding turan ni Chester kaya napatawa nalang ako at tumingin nalang sa kinakapuwestuhan ni Wenessa.
She look sad, ewan ko pero naririnig ko ang bawat pagtibok ng puso niya kahit ang layu-layo niya sa kinakatayuan ko. Nakatingin lang siya sa likod ni Cylechter
"Wenessa." Tawag ko sa pangalan niya kaya walang kabuhay-buhay niya akong tinignan. Hindi ko alam kung ang kapangyarihang nawala sa kaniya ang problema o ang hindi pagpansin sa kaniya ni Cylechter. Nalaman kong si Cylechter ang minamahal niya because the way she looked at his face like she is longing for his hugs, voice and kisses.
"Bakit parang hindi ka pinapansin ni Cylechter?" Tanong ko sa kaniya pero nagbikit-balikat lang siya na parang wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari.
And that Cylechter, he is familiar. Hindi lang sa libro ko siya nakita but I know, nakita ko na siya. Hindi ako nagkakamali, parang parte siya ng nakaraan ko pero nalilito ko kung saan ko siya nakita. I want to clarify such things, but first ay kailangan ko munang tulungan si Cylechter. I remember Auntie Azania told me that what I need to do is to touch his head, kailangan ko lang daw ilagay ang kamay ko sa ulo niya. I'm confuse, ano ba ang problema ni Cylechter at bakit kailangan niya ng tulong?
Mukhang sunud-sunod na ang mga misyon na kailangan naming tapusin.
Pumasok kami sa isang bahay na gawa sa mga kahoy, its not that poor kung tignan dahil maganda ang pagkaka-diseniyo. Kung titignan sa labas, presko ito kung papasok ka sa loob. Sa mga nakikita ko sa paligid, ito ang pinakamalaking bahay dito sa lugar nila.
Karamihan sa mga gamit nila ay gawa sa matibay at matigas na kahoy. Lamesa, mga iba't-ibang klaseng upuan like rocking chair and sofa and also the vases ay gawa sa kahoy. They are unique here, ang napapansin ko lang sa Avalon ay wala silang telebisyon.
"Maupo muna kayong lahat, maghahanda kami ng makakain." Turan ng Lolo ni Cylechter at magalang naman kaming tumango at nagpasalamat.
It's really fresh here, hindi mo na kailangan pa ng electric fan o ano pa dahil napakapresko ng hangin na pumapasok sa bawat gilid ng bahay. Like they made a small hole para hayaang makapasok ang hangin.
BINABASA MO ANG
Academia: Hidden Powers
FantasyStarted: August 21, 2019 Ended: February 06, 2020 U N E D I T E D Academia 2 They are not actually the cursed, they are just powerfully gifted. They are the real product of truth and lies, and it is already predicted. Another secrets will be reveal...