Chapter 2

1.9K 54 0
                                    

ILANG beses na tiningnan ni Yana ang sarili sa salamin ng restroom. Nag-reapply siya ng powder at lipstick at muling ipinusod ang buhok. Nagpalit din siya ng peach na blouse kapalit ng cream blouse na suot niya habang may klase siya.

"May date kayo ni Dong Uk?" tanong co-tutor na si Pamela.

Ngumiti lang siya sa babae. No. I am going to a war.

Buong araw na kumukulo sa loob niya ang inis sa mga sinabi ni Gideon. Habang nakangiti sa mga estudyante at matiyagang nagtuturo ng tamang paggamit ng adverb buong araw, iniisip naman niya kung anong gagawing approach sa lalaki. Pero di siya uuwi ng bahay sa araw na iyon hangga't di sila nagtutuos.

Paglabas ng restroom ay tumuloy siya sa opisina ni Gideon. Huminga muna siyang malalim bago kinatok ang pinto. "Come in!"

Binuksan niya ang pinto at sumilip. Mukhang seryoso pa ito sa binabasa sa laptop. Technically, opisina iyon ng lola ni Carson na may-ari ng English tutorial school. Pero dahil wala ang matandang babae, si Carson ang gumagamit ng opisina. He looked out of place with the pink interior of the room.

"Sir, do you have time? Gusto ko sana kayong makausap."

Inangat nito ang ulo. "Pasok. Take a seat," utos nito at inilahad ang palad.

Sinamantala niya ang ilang segundo para pagmasdan ang kaguwapuhan nito nang may pinindot ito sa laptop at itinupi iyon. Hindi ito mukhang typical Korean. Mas nakuha ito ang pagiging moren ang mga Filipinang ina at ang mata nito na may mahahabang pilik-mata.

He was too young to be a school administrator, albeit temporary, but he was way too strict for his own good when it comes to his employees. Di katulad ng lola nito na palaging nakangiti at approachable sa mga tauhan.

"Do you want coffee or tea?" alok nito at akmang tatayo.

"Salamat na lang po, Sir." Umupo ito at saka lang niya ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Gusto ko lang malaman kung may problema kayo sa akin, Sir."

Umiling ito at dinampot ang ballpen. "Nothing. You got glowing reviews from your students. They love you. And you are our top tutor. Maganda ang result ng oral at written exams ng mga estudyanteng hawak mo. You got recommendations left and write. My grandmother adores you." Pinagsalikop nito ang palad. "Gusto ka nga niyang ampunin."

"Not professionally but personally. May problema kayo sa akin, Sir?" mas mariin niyang tanong dito.

Nagsalubong ang kilay nito. "What do you mean?"

"Bakit sinisiraan ninyo ako kay Dong Uk?"

Bahagya nitong inilayo ang katawan sa mesa. "Excuse me?"

Nagngangalit ang ngipin ni Yana dahil nagmamaang-maangan pa ito. "Narinig ko ang usapan ninyo ni Dong Uk sa pantry. Pinalalabas ninyo na gold digger ako..."

Itinaas nito ang isang palad para patigilin siya. "Hey! Eavesdropping is rude. I thought you are better than this."

Wow! Siya pa ang babaligtarin nito ngayon. "Ano ba ang mas rude? Di ba 'yung palabasin n'yo na high maintenance ako na parang kilalang-kilala ninyo ako."

"I never said that," kaila nito at lalong naging seryoso ang mukha.

Itinaas nito ang dalawang kamay. "Okay. Sabi mo na high maintenance ang mga Filipina."

Nagkibit-balikat ito. "A very general comment."

"At kapag nagka-girlfriend o asawa siya ng Filipina, gagawin lang siyang gatasan ng buong angkan niya," dagdag niya at ibinuka ang bisig.

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon