Chapter 18

1.4K 48 0
                                    

Kasusubo lang ni Yana ng noodles at natigilan siya. Wala siyang pakialam kahit naglawit pa sa bibig niya ang noodles. Inangat niya ang tingin kay Gideon. Nakatitig ito sa kanya. It was hot, smoldering. Parang tumatagos sa kaluluwa. Na parang napasok na nito ang kaloob-looban ng cells niya. She could feel him between her legs, taking her.

Bigla niyang nailuwa ang noodles at pinunasan ang bibig. Mas mainit pa ang binata kaysa sa ramyeon. Hindi niya ito kinakaya. So, she was a prude. Siguro dahil natatakot siya sa physical intimacy. Ayaw niyang gumawa ng mga desisyon na pinatatakbo lang ng libido. Ayaw niyang magkamali katulad ng nangyari sa magulang niya na nagpakasal nang maaga dahil nabuntis ang nanay niya sa kanya. May mas importante sa kanya kaysa sa pisikal na aspeto ng relasyon. Nagustuhan niya si Dong Uk dahil sa ugali nito at di dahil sa panlabas na anyo. Di rin siya komportable na ibigay ang sarili dito kung di pa sila kasal. Iyon din ang dahilan kung bakit nagtalo sila bago sila umalis ng Pilipinas.

Pero iba si Gideon. Walang kwenta ang harang na inilagay niya sa sarili niya. Tumitibag ito ng pader at walang habas kung magbukas ng gate. Sasabihin nito kung anong gusto nito at walang siyang ibang pagtataguan. Wala naman na akong maitatago sa kanya. Nakita na niya ang lahat sa akin.

"That is crass," iritadong sabi ni Yana dito.

Nagkibit-balikat lang ito na parang wala itong pakialam kung namumula man siya sa hiya. "Just stating a fact. You are an adult now, Yana. Hindi ka na minor. And besides, you are safe with me. I don't do virgins."

"Oh!" nausal niya bigla. Aray! Di niya alam kung bakit parang insulto iyon sa kanya. Di ba ako kagusto-gusto? Kaya ba ako ipinagpalit ni Dong Uk?

"Virgins are too messy. Kapag ako ang unang lalaki sa buhay niya, iisipin niya na ako na rin ang makakasama niya habambuhay. I am not that kind of man. I want my women wild, ready for action and ready to take me anyway I want to."

"Oo na. Di mo na kailangang ipamukha sa akin." Huminga siya ng malalim. "Napagtalunan na namin ni Dong Uk iyan dati. Gusto niyang may mangyari sa amin bago siya bumalik ng Korea. Sabi ko, gusto ko kapag kasal na kami. It is important to me. Siguro pagod na siyang maghintay."

"Pinagsisisihan mo ba na di mo ibinigay ang sarili mo sa kanya?" tanong nito.

"No. May dahilan ako kaya di ko ginawa iyon."

Nakatitig lang sa kanya si Gideon. Hinintay niya na I-virgin shame siya nito, na laitin nito ang paniniwala niya. Na sisihin siya nito kung bakit naghanap si Dong Uk ng iba. "Sorry if my friend cheated on you."

"Hindi ka ba natutuwa? Di ba ayaw mo naman talaga sa akin para kay Dong UK?"

"Ang tagal na no'n. And besides, di ako ang magdedesisyon kung sino ang gusto at di gusto ng kaibigan ko. Kapareho nang wala siyang pakialam sa desisyon ko sa buhay ko."

"Di mo ba ako sisisihin dahil hindi ako pumayag na ibigay agad ang sarili ko sa kanya?" tanong niya. Alam niyang liberated si Gideon. Pinagtatawanan lang ng mga ito ang tulad niya na di basta-basta ibinibigay ang sarili sa lalaki.

"Yana, katawan mo iyan. Buhay mo iyan. Walang karapatan ang kahit sino na I-virgin shame ka. If you want to be a virgin forever, that is cool. Kung gusto mong ibigay ang sarili mo sa kahit na sino mo gusto, walang pwedeng manghusga sa iyo. Walang magsasabi sa iyo kung tama iyan o mali. Ikaw lang."

Natigagal siya. "O-Okay lang sa iyo?"

Tumango ito. "Yes. Di ka dapat pilitin sa mga bagay na di ka komportable at di ka rin dapat maliitin sa mga desisyon mo. Kaya kalokohan din ang slut-shaming."

Ngumiwi siya. Guilty naman siya doon. Di ilang beses niya itong nahusgahan dahil sa pagiging babaero nito. Kung wala nga naman itong sinasaktan na babae, sino ba siya para manghusga? Mahirap talagang manghusga lalo na't di niya alam ang totoong katauhan ng isang tao.

Parang bumaligtad ang mundo ni Yana. Kung sino pa ang inaakala niyang faithful, iyon ang manloloko. At kung sino pa ang babaero, iyon pa ang mas nakakaunawa sa paniniwala niya at tumulong sa kanya sa oras ng pangangailangan.

"Salamat sa pag-intindi. At salamat din kasi di mo pinatulan ang kagagahan ko kagabi," nakangiwi niyang sabi. "H-Hindi naman ako naglalasing, nagwawala, nagwawalwal..."

Tinapik nito ang kamay niya. "I understand. May-ari ako ng bar kaya alam ko kung ano ang nangyayari sa mga tao ka pag nakainom. Wala ka sa sarili mo. Nasaktan ka at kailangan mong makalimot, maging manhid sa pamamagitan ng alak. Basta sa susunod, huwag kang iinom na mag-isa. Dapat may kasama ka na magbabantay sa iyo. Maraming mapagsamantala diyan. Buti dumating ako bago pa may ginawa sa iyo 'yung dalawang lalaking kasama mo kagabi."

"Basta na lang silang tumabi sa akin. Ewan ko. Di ko na sila maitaboy. Parang gusto ko lang maging masaya kagabi. Parang lahat kaibigan ko. Nawala na lang ang hiya at reservations ko. Epekto siguro ng soju." Soju was evil. Di na niya iyon hahawakan kahit na kailan.

"Anong plano mo ngayon?" tanong ng lalaki.

"Uuwi ng Pilipinas. Wala naman nang dahilan para manatili ako dito. Kaya pagkakain ko, tutuloy na ako sa airport."

"Kadarating mo lang kahapon, aalis ka na agad? Saka di mo ba kakausapin si Dong Uk bago ka umalis? Sabi mo kagabi gusto mo siyang mabawi."

Yumuko siya. Libo-libong karayom ang tumutusok sa puso niya. "Hindi na siguro kailangan. That was just me and the alcohol talking. At sa totoo lang, parang mas masakit pa ang hangover ko kaysa sa puso ko." Her heart was dull and numb. Kapag pala wala na ang epekto ng alkohol, wala na rin ang lakas ng loob niya. "Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin. Huwag mo na lang sabihin kay Dong Uk na galing ako dito." Mabuting tahimik siyang mawala sa buhay ng nobyo.

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon