Chapter 17

1.4K 54 5
                                    

Dahan-dahang hinila ni Yana ang maleta palabas ng guestroom. Masyado siyang nag-enjoy sa rain shower sa banyo ni Gideon dahil parang minamasahe ang pagod niyang katawan. Na-relax din siya sa green tea shower gel na gamit. Nakatulong iyon para mabawasan sa hangover niya. Kung di lang niya gustong tumalilis na, gusto pa niyang magbabad sa shower.

Naplano na niya sa utak ang gagawin pagkatapos kumain. Hahanap agad siya ng bus na maghahatid sa kanya papunta sa Jeju International Airport at magtsa-chance passenger na lang siya sa flight pabalik ng Pilipinas. Parang may kamalasang dala sa kanya ang Korea. Kung matatagal pa siya doon, baka tuluyan nang mawasak ang buhay niya. Kailangan din niyang dumistansiya kay Gideon.

Di na siya nag-abala na mag-make up o mag-powder man lang. Wala na siyang oras. Wala rin siya sa mood. Ganoon siguro kapag bigo. Di na rin niya pinatuyo pa ang buhok. Sinuklay lang niya at hahayaan na lang niya iyon na matuyo sa biyahe mamaya. It was pathetic. She was not in the mood for anything. Pakiramdam niya ay wala siyang ibang dahilan para magpaganda.

Nagulat si Yana paglabas ng kuwarto. Naabutan niyang nakahalukipkip si Gideon sa dingding sa tapat ng pinto ng guestroom. Animo'y hinihintay siya. "Saan mo dadalhin ang maleta mo?"

"I-Ibababa ko na sana..."

Inagaw nito ang maleta sa kanya at ibinalik sa kuwarto. "No. You are not leaving yet. Hindi ka pa nga kumakain ng agahan. And besides, alam mo ba kung saan ka pupunta? Kung saan ka tutuloy?"

"Not exactly," marahan niyang sagot. Tiyak na magpa-panic ito kapag sinabi niyang sa airport na siya tutuloy at uuwi na ng Pilipinas.

"Mamaya mo na isipin iyan. Sa palagay ko mas lilinaw ang utak mo kapag nakakain ka na," anang lalaki at inalalayan siyang bumaba ng hagdan.

Pagbaba ng hagdan ay sinalubong siya ng aso. "Hi! May aso ka pala."

"Si Moody, alaga ni halmoeni. Ako lang ang nag-alaga sa kanya habang nasa Udo Island pa si halmoeni. Nakausap mo na siya kagabi," anang binata.

"Nakausap?" tanong niya habang hinahaplos ang ulo ng aso.

"Oo. Tinanong mo siya kung iba ang kalendaryo sa Korea at sa Pilipinas."

Umungol ang dalaga. Pati pala aso ay kinakausap niya kagabi. Magaan pa iyon kumpara sa ibang kabaliwan na naaalala niya. Idinala siya ni Gideon sa dining area matapos niyang maghugas ng kamay. Awtomatikong kumalam ang sikmura niya nang makita ang ramyeon sa malaking clay pot. May kahalo iyon na binating itlog. May chocolate drink din sa tabi niyon.

"Unahin mo ang ramyeon. Tapos isunod mo ang chocolate drink. Tanggal 'yang hangover mo," utos ng lalaki.

"Salamat," usal niya at tahimik na kumain.

Seryosong-seryoso si Yana sa pagkain ng ramyeon noodles. Buwis-buhay. Di pa siya tapos makibaka sa hangover, may bagong pakikibaka na naman siya . Lumabas na ang lahat ng luha at sipon niya sa sobrang anghang ng kinakain niya pero kailangan niyang tapangan ang loob. Pampamanhid ng sakit sa puso niya.

Pinunasan ni Gideon ang luha sa mata niya. "Brave."

"Ganoon yata talaga kapag nandito sa Korea. Kailangan maging matapang. Parang mula nang tumapak ako dito, puro kamalasan na ang dinanas ko."

"Naalala mo na lahat ng nangyari kagabi?"

Marahan siyang tumango. "Yes. Nakita ko si Dong Uk na may ibang babae. Di man lang niya sinabi sa akin. Parang tanga lang ako sa sorpresahin siya. Kailangan ko pang gumastos para malaman na niloloko niya ako."

Nang maramdaman niyang maiiyak na naman siya ay humigop siya ng sabaw ng ramyeon. Napaiyak na lang siya sa anghang. Mabuti nang iyon ang iyakan niya kaysa si Dong Uk.

"Easy," sabi ni Gideon at inabot ang chocolate drink sa kanya.

"May alam ka ba sa relasyon nila?" pagalit na tanong niya sa lalaki.

Itinaas bigla ng binata ang dalawang kamay na may hawak pang chocolate drink ang isa. "Hey! Hindi mo ako kaaway dito, Yana. Ang alam ko lang, nagkalabuan na kayo ni Dong Uk mula nang di ka matuloy sa Korea. Kung anuman ang status ng relasyon ninyo, wala na ako doon. Di ako nakikialam sa relasyon ng mga kaibigan ko. Kayo lang ni Dong Uk ang dapat na nag-uusap tungkol sa inyong dalawa."

"Sorry," hinging paumanhin niya. "Tama ka. Dapat si Dong Uk ang magsabi sa akin. Ikaw na nga ang tumulong sa akin, sa iyo pa ako magagalit. Siguro wala lang si Dong Uk dito at naghahanap ako ng paliwanag, ng masisisi."

Inabot nito ang chocolate drink sa kanya at inabot iyon. "I can't blame you. Pinaghirapan mo para makarating dito. Tapos ganoon ang maaabutan mo. Yana, gusto ko lang malaman mo na hindi ko ito-tolerate ang ginawa ni Dong Uk. I am not a fan of cheaters, even if he is my friend."

"Talaga?" di makapaniwala niyang tanong. Hindi ba playboy ito at papalit-palit ng babae?

"Don't give me that look. I don't cheat. Dahil di naman ako nakikipag-relasyon. I like my women warm, willing and temporary. Walang masasaktan. Walang iiyak. All I can give them is pure pleasure for one night only. Just pleasure."

Nahigit niya ang hininga ang mag-flashback na naman sa kanya ang mga nangyari nang nagdaang gabi. Di siya aalis ng Korea hangga't di malinaw kung hanggang saan sila umabot ni Gideon. "Ano... may nangyari ba sa atin kagabi? Kasi paggising ko kaninang umaga..."

Tumaas ang kilay nito. "Bukod sa naghubad ka ng damit at hinalikan mo ako, wala nang iba. Nakatulog ka na agad. And I left you alone afterwards."

Nagsalubong ang kilay niya. "Sigurado ka?"

"Yana, I like my women willing and sober."

Tumirik ang mga mata niya. "Women." Fuckboy.

"At kung may nangyari sa atin, mararamdaman mo iyon. Being a virgin that you are and given my size, you will feel me inside you for days."

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon