Chapter 61

1.3K 34 0
                                    


SERYOSONG-SERYOSO si Yana sa panonood ng Spring Waltz sa laptop niya. Ini-screencap niya ang mga damit na suot at ag mga sikat na eksena pati na rin ang lokasyon ng series. Masyadong malaki ang Jeju Island kaya kailangang maplano nila ang schedule pati ang mga damit na isusuot.

"Break muna," sabi ni Gideon at inilapag sa tabi niya ang plato ng matcha chocolate cookies na paborito niya. "Iyan ba ang gagayahin natin?"

"Gusto ko 'yung eksena sa canola fields. Alam mo ba, itong Spring Waltz ang paborito ko sa lahat ng Korean series dahil lang sa canola field. Tapos gusto ko na gumawa rin ng music video diyan."

"Alam ba ni Dong Uk 'yang pangarap mo?" tanong ng binata.

"Oo naman. Sabi ko ultimate dream ko na mapuntahan 'yung lugar na iyon. Oo daw, tutuparin daw niya ang pangarap. Kaso parang malabo pang ngayon mangyari." Huminga siya ng malalim. "'Yung babae pa na ipinalit niya sa akin ang kukuha ng pictures natin. Ang weird."

"Bakit ka pala pumayag? Di ka ba naiilang?"

"Iniisip siguro niya na naka-recover na ako kay Dong Uk. At base sa reaksyon ni Dong Uk, di pa siya nakaka-get over sa akin. Gusto sigurong ipamukha ni Eu Jin na wala nang aasahan sa akin. Di ba gusto nating pagselosin si Dong Uk?"

"Kaya nga pumayag ako, di ba? Para magngitngit si Dong Uk. I am looking forward to our pictorial." At sumubo rin ito ng cookies.

"Me, too. May fitting tayo ng costume bukas. Pag-uusapan din ang schedule." Hinaplos ni Yana ang gilid ng labi nito na may berdeng crumbs."Salamat kasi hindi ka kumontra sa pictorial at bibigyan mo pa si Eu Jin ng talent fee kahit na di naman daw niya kailangan iyon."

"Importante iyon para sa nagsisimula pa lang na photographer. And she's good. Mababa lang talaga ang confidence niya minsan."

Nagsalubong ang kila ni Yana. "Bakit parang di suportado ni Dong Uk ang career niya?"

"Dahil ang alam ko, magte-take up sana ng Medicine si Eu Jin. She flunked. She went into photography instead. Inaasahan yata ng magulang ni Eu Jin na ia-advice ni Dong Uk na magseryoso siya sa kurso niya at mag-focus sa Medicine."

"Pero masaya siya sa photography," usal ni Yana. "Bakit hindi na lang siya suportahan ng mga magulang niya at ni Dong Uk? Let her be happy."

Napailing si Gideon. "Mabait ka talaga sa karibal mo 'no?"

"Hindi ko lang gusto ang pagtrato sa kanya ni Dong Uk. Samantalang ginagawa naman niya ang lahat para i-please si Dong Uk. Kulang na lang sambahin niya."

Hindi siya komportable sa nasaksihan. Mas gusto ba ni Dong Uk ng babaeng sunud-sunuran sa lahat ng gusto nito kaya nito pinili si Eu Jin? Na masaya na sa kaunting atensyon na ibinibigay nito?

"Di ko rin gusto ang ginawa ni Dong Uk sa iyo," dugtong ni Gideon. "Alam naman niya na mahina ka sa maanghang pero bakit pinipilit ka niya?"

Nagkibit-balikat siya. "Ganoon talaga iyon kahit dati pa. Dapat daw masanay na ako sa pagkain dito sa Korea kung dito ako titira."

"Ibig sabihin pipilitin ka niya sa di mo gusto?"

"Masasanay din naman ako kalaunan. Maghahanda lang ako ng gatas lagi."

Matagal na nilang napag-usapan iyon ni Dong Uk. Handa naman siyang mag-adapt. Huwag lang sana siyang bibiglain gaya kanina.

"Yana, food is something you should enjoy and experience. Hindi kailangang ipilit sa iyo kung ayaw mo. Kung di mo gusto ng maanghang, pwede namang bawasan iyon. Kung babalikan mo si Dong Uk at ganyan ang uugaliin niya sa iyo, di na lang kita ibabalik sa kanya," banta ng binata.

Nahigit niya ang hininga. "Hala siya! Bakit mo naman nasabi iyan?"

"Kung di ka niya kayang alagaan at pagtatawanan ka niya o mamaliitin sa mga kahinaan mo, he is not worth it. Don't settle for anything less. Tandaan mo iyan." Kinintalan nito ng halik ang noo niya. " Matulog ka na. We need to play dress up tomorrow."

Tumayo siya at yumakap sa baywang nito. Tama ang binata. Di siya dapat maging sunud-sunuran lang kay Dong Uk kahit mahal niya ito. She must not compromise her preference and her happiness.

Sana maging katulad na lang ito ni Dong Uk.

"YOU will have pictorial? A prenuptial pictorial?" excited na tanong ng lola ni Gideon na si Mi Su nang tawagan ni Yana sa cellphone. Nagpaalam siya dito na ilang araw silang mawawala ng binata.

Madaling-araw pa lang ay papunta na sila sa Seopjikoji kung saan nai-shoot ang Korean drama na All In. May kasamang hair and make up artist si Eu Jin at may wardrobe assistant pa.

"Not really. J-Just a vacation pictorial. We are just doing a favor to a friend."

"Gideon told me that it is your dream to do this pictorial as well. But I think he is considering marriage, right?"

Naumid si Yana. Di niya alam kung anong isasagot dito. She didn't know why a part of her was wishing it was real. Nadadala na yata siya ng pagpapanggap. Naroon siya bilang fake girlfriend lang ng binata. At di niya alam kung paano ipapaliwanag sa matandang babae kung dumating ang panahon na kailangan na nilang maghiwalay ni Gideon - magkabalikan man sila ni Dong Uk o hindi.

"I have to go," sa halip ay sabi niya sa matandang babae. "I will send you some of the shots later."

"Enjoy and hope you'll have a ring on your finger soon," sabi nito.

Nagpaalam siya sa matandang babae at tiningnan ang sarili sa compact mirror. Nakapusod ng low bun ang buhok niya. Suot niya ang dark blue knitted long sleeve sweater at may checkered scarf gaya ng suot ni Song Hye Kyo.

Paglabas niya ng kotse ay naghihintay na si Gideon na hindi maipinta ang mukha. Nakasuot ito ng dark suit gaya ng bida sa teleserye na si Lee Byung Hun. May make up na rin ang mukha nito at naka-gel ang buhok "Do I really need a make up, too?" tanong nito at itinuro ang mukha.

"Siyempre. Kasama iyon. Artista ka na, di ba? Ikaw ang may bonggang idea sa prenuptial na ito. Tatalunin mo si Lee Min Ho, remember?" paalala niya.

"I thought I am handsome the way I am," anito at mariing pumikit.

"Are you ready?" excited na tanong ni Eu Jin at pinagkiskis ang palad. "We should start shooting while there are no people around."

Alas syete pa lang nang umaga noon. Sumikat na ang araw subalit hindi pa masakit sa balat. Naglakad na sila papunta sa lokasyon ng teleserye mismo - isang simbahan na sadyang itinayo para lang sa teleserye. 

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon