Chapter 40

1.4K 31 4
                                    

**Anneong! Some scenes are exclusive sa book. The cherry blossom festival scene and their viral video po sa libro na lang nila basahin. :)


"ANNEONG, sangjang-nim!" bati ni Yana sa lola ni Gideon na si Mi Su. Naka-video chat sila sa lola ng binata habang namamasyal sa tea plantation ng O'sulloc.

"Oh! You are at the tea plantation?" tanong nito at pinagsalikop ang palad. Nakaupo sa garden nito ang matandang babae habang kumakain ng tangerine cake. May hilera ng mga canola na nagsisimula nang mamulaklak sa likuran nito.

"We bought your favorite milk tea and green milk tea spread, halmoeni," balita naman ni Gideon na nakayakap sa baywang sa likuran niya. "Wish you are here."

Umiling ito. "Aniyo. Enjoy your date and send me more videos. I enjoy watching your videos on the internet. So romantic."

"What video?" tanong ni Yana at nagkatinginan sila ni Gideon. Wala naman silang ipinapadala na video dito. Pictures lang. Ngayon lang sila nag-video chat.

"The video of you two dancing at the cherry blossom festival. Someone uploaded it online and tagged me. Didn't you see it?"

"May nag-upload ng video namin?!" bulalas ni Yana at nakalimutan na di nga pala marunong mag-Tagalog ang kausap.

Nagulantang si Mi Su. "Why? I thought you saw it already. I tagged Gideon, too."

"Uhmmm... we were too busy to check our Facebook account. We only used Skype so we can chat, halmoeni," paliwanag ni Gideon na mas kalmado.

"Don't worry, Yana. No need to be ashamed of it. You showed the people how much you really love each other. Many people love it." His grandmother had a dreamy look in her eyes and hugged herself. "I remember when my childhood sweetheart would take me on to the festival. You remind me of my youth."

Pinisil ni Gideon ang balikat ni Yana para pakalmahin siya. "Halmoeni, we are not aware of the video. And Yana is just shy."

"No need to be shy. You love each other so much and it makes me so happy. My Jin Woo is the perfect boyfriend, right?"

"Nee, sangjang-nim," pag-oo na lang ni Yana at pilit na ngumiti.

At kung totoong boyfriend niya si Gideon, kikiligin pa siya. Wala siyang irereklamo sa lalaki. Sa dami ng mga magagandang babae mula teenager hanggang mga cougar level na nagpapapnsin dito, nakatuon lang ang atensyon nito sa kanya. Sino ba naman ang aayaw sa ganoong boyfriend? At masasabi niya na sobrang romantic nang isayaw siya nito sa festival sa harap ng maraming tao habang kinakantahan niya ito.

"Aniyo," tanggi ni Gideon at idinikit ang pisngi sa pisngi niya na parang gusto nitong pagkasyahin ang mukha nila sa maliit na screen. "Yana is the perfect girl. She changed me in a lot of ways. I can't be perfect. I know I am not. But I want to be the man she deserves. The man who will make her happy."

"Ahhhh! That is beautiful. Marry him already, Yana-ssi," excited na sabi ni Mi Su. "Stay here in Jeju with him. With us."

"I will try to convince her, halmoeni," sabi ni Gideon.

Natawa si Yana. Kung totoo lang sana ang relasyon nila at totoong mahal siya ni Gideon, di na niya ito pakakawalan. Maraming beses na nararamdaman niyang totoo ito sa kanya at mahal talaga siya nito.

Kumalas sa pagkakayakap si Gideon sa kanya pero inalalayan siya nito na umupo sa bench sa gilid ng tea farm. "Saan mo gustong magpakasal tayo?"

"Ha?" maang na tanong niya.

"Maganda siguro sa gitna ng canola fields. Tapos mag-red gown ka para kitang-kita ka sa gitna ng yellow na flower field."

Pinisil niya ang kamay nito. Masyado yata itong nadadala sa saya dahil sa mga sinabi ng lola nito. Pero kailangan nilang harapin ang realidad. "Uy! Kumalat daw ang video natin. Anong gagawin ko? Baka makita ni Dong Uk..."

"Mabuti ngang makita niya. Para malaman niya na may ibang nag-aalaga sa iyo. Nagi-guilty ka ba?"

"No. Wala akong ginagawang masama. Siya itong nambabae. Kaso kapag hinarap niya tayo, k-kaya ko na bang pangatawanang maging girlfriend mo? Baka mamaya pumalpak ako."

"Hey! You are perfect as you are. Ikaw pa rin ang Yana na minahal niya dati. Iniba mo lang ang itsura mo nang konti. Pero ang gusto ko makita ni Dong Uk at ng ibang tao na isa kang babae na puno ng kompiyansa sa sarili. At in love na in love ka sa akin. Na di mo pinanghihinayangan na mawala siya sa buhay mo dahil nandito ako. Wala kang nakikita kundi ako lang. Kaya mo ba?"

"Nee, oppa," kampante niyang sabi at humilig sa balikat nito. Kung tatanungin siya isang linggo na ang nakakaraan kung pwede siyang maging convincing na girlfriend ni Gideon Lee, baka sabihin niya na mas kakayanin niyang mag-skydiving nang walang parachute kaysa maging girlfriend nito.

Ngayon ay mas komportable na siya na kasama ito. Parang natural na lang na hawakan nito ang kamay niya o humilig dito. Pamilyar na sila sa isa't isa. At kapag pakiramdam ni Gideon na lumalampas na siya sa boundary, ito na ang kusang dumidistansiya sa kanya. Alam nito ang limitasyon nito kaya naman di siya natatakot kung maging malambing dito. Kahit kay Dong Uk ay di siya naging ganito kapamilyar o kakomportable.

Mula sa Osulloc Tea Farm ay bumiyahe sila papunta sa Seongsan, isang bayan kung saan matatagpuan ang sikat na Seongsan Ilchulbong. Isa itong extinct na bulkan at pinakasikat na tourist spot sa Jeju Island. Plano ni Gideon na mag-overnight sila doon para alas tres pa lang ng madaling araw ay aakyat na sila sa tuktok ng bundok upang doon panoorin ang pagsikat ng araw. Tapos ay pupunta sila sa Udo Island para daw magawa niya ang pangarap niya na magpagulong-gulong sa canola field kung gusto niya. Gusto daw nitong ibigay sa kanya ang full Korean drama experience katulad ng napapanood niya. Pampadagdag daw iyon sa pampainggit nila kay Dong Uk.

Nagpapa-picture siya sa baba ng Sanbangsan Peak na isa ring sikat na tourist spot sa Jeju Island at nadaanan nila papunta sa Seongsan nang makatanggap ng tawag si Gideon. Nauna siyang bumalik sa kotse at hinintay ito sa loob. Hinayaan niya ang lalaki sa kausap nito. Bakas ang frustration at pag-aalala sa mukha nito nang isuklay ang daliri sa buhok nito habang pabalik-balik ng lakad sa gilid ng kalsada. Siisipa-sipa pa nito ang bato sa inis.

Bumalik ang binata sa kotse matapos makipag-usap. "I am sorry. May emergency sa bar kaya di na tayo matutuloy sa Seongsan. Absent ang dalawang wait staff ko at assistant cook dahil may sakit."

"Uso ata ang sakit ngayon," usal niya. "Okay lang iyon kung di man tayo matuloy. May ibang araw pa naman para doon."

"Pero pwede kang tumuloy sa cabin kung gusto mo. Ipapa-pick up kita sa bar sa tourist guide na kaibigan ko para ihatid ka at sasamahan ka niya sa sunrise watching bukas at sa Udo Island."

"Di naman kita pwedeng iwan mag-isa, Gideon," sabi niya. "Paano ko naman maiisip na mamasyal kung namomoroblema ka sa bar mo? Mukha ba akong girlfriend na nang-iiwan sa ere."

"Pero gusto ko na mag-enjoy ka habang nandito sa Jeju Island."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Hindi ako mag-e-enjoy kung hindi ka kasama. Malulungkot lang ako na mag-isa. Doon na lang ako sa bar. Tutulong ako..."

"Yana, kukuha ako ng ibang part-timer para doon. Don't worry. Kung gusto mo, ihahatid na lang kita kay halmoeni."

"Alam ko na di ako pwedeng kumuha ng orders. Mahina ako sa Korean. Di ko rin kabisado ang mga sistema sa kusina ninyo. Pero pwede naman akong maglinis ng lamesa o kahit maglampaso ng sahig. Kahit sa ganoong bahay makatulong ako. Nagtrabaho ako sa fast food at karinderya noong estudyante pa ako. Sanay ako sa ganyang trabaho."

"Hindi kita mapipigilan, tama?"

Umiling siya at ngumisi dito. "Hindi."

Magaan na lang na tinapik ni Gideon ang manibela at bumagsak ang balikat bilang pagsuko. Wala itong nagawa kundi pagbigyan siya. "Okay. Basta hindi ka masyadong magpapagod at sasabihin mo sa akin kapag may mambabastos sa iyo o kung may problema. Arasso?"

Sinaluduhan niya ito. "Nee, sangjang-nim!"

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon