Chapter 24

1.3K 40 0
                                    

NATIGILAN si Yana habang nakahawak sa balikat ni Gideon. Di niya alam kung tutuloy siya sa pagdo-Dora the Explorer sa katawan nito. Na akala nito matatakot siya sa simpleng salita na sex. Noon iyon. Siguro nga ilang oras ang nakakaraan. She had no time to be prude right now. She was a girl on a mission.

"Okay. Nice workout," sabi niya at dumapo ang labi niya sa gilid ng leeg nito.

Narinig niya ang paghigit ng hininga nito. Di siguro nito inaasahan na ipagpapatuloy pa niya ang freestyle lesson niya dito. Good. She was getting a reaction from him. It was one of the most erogenous part of a man's body. And she heard him moan.

"Masakit?" nag-aalalang tanong niya sa lalaki.

"No. It is good. Are you sure you need lessons?"

Tumigil siya sa paghalik sa baba ng tainga nito. "I do. Ngayon pa lang ako nagsisimula, di ba? Just testing the theory."

"What do you mean theory?"

"N-Nabasa ko lang sa isang libro ng pinsan ko kung saan ang pinaka-sensual na parte ng lalaki."

"Di mo pa ito nasusubukan kay Dong Uk?"

Malungkot siyang umiling. "H-Hindi pa. Dini-discourage ko si Dong Uk. I don't want it to go too far. At alam ko na di siya titigil kapag sinimulan ko. And we will fight... again."

"Pero sinusubukan mo ang theory mo sa akin dahil...."

"Hindi ka naman madadala basta-basta. Di mo rin ako pipilitin kung ayaw ko na o hindi ko na kaya. No hurt feelings."

Bumaba ang labi niya papunta sa dibdib nito. He tasted salty and musky but addictive. Very manly and earthy. She never thought it could be addictive. Naramdaman niya ang malakas na tibok ng puso nito. She smiled when she her tongue played with his male nipples and scraped it with her teeth. She heard him moan again, louder this time. She took it as an encouragement and her lips travel southward, aiming for his delectable abs. She would love to explore that one.

Nagulat siya ang sapuhin nito ang likod niya at iangat siya. "Enough lesson for now," sabi ng lalaki. His face looked stern. Di na ito ngumingiti.

"Hala! Bakit? May ginawa ba akong mali? I am willing to learn..." Masyado yata siyang naging confident kaya di niya napansin na ayaw na nito ang ginagawa niya.

"Sabi mo sa akin, alam ko kung hanggang saan ang limitasyon. At sa palagay ko, nasa limitasyon ka na."

"Paanong nasa limitasyon?" Di pa nga siya umaabot sa abs nito. "Ano ngang mali sa ginawa ko?"

"Nothing," kaswal na sagot nito at kinuha ang sando sa mat saka isinuot. "I will take a cold shower. Get ready. In thirty minutes aalis na tayo para bumili ng iluluto sa dinner."

"Pero... bakit parang galit ka?"

Ibinaba nito ang sando at matiim siyang tiningnan. "Yana, hindi ako gawa sa bato. You arouse me."

"I arouse you?" Parang di naman siya naniniwala doon. Ganoon lang na-arouse na agad? Baguhan pa nga lang siya. "Bakit tayo tumigil?"

"Are you really that naive? O nananadya ka lang talaga na mang-asar at I-torture ako?" Lalong naging maigting ang mukha nito. "Kung hindi ka tumigil kanina, do you really want me to take your virginity here at the rooftop? Sheesh!"

Tinalikuran siya nito at naglakad palayo. Pabalabag din nitong isinara ang pinto ng rooftop. Nanginginig siya nang maiwang mag-isa sa rooftop. She aroused him. At kung di siya tumigil, baka may mangyari sa kanila. Ganoon na ba talaga ang epekto niya sa katulad ni Gideon?

Nakangiti siyang hinarap ang magandang view ng dagat. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang halikan si Gideon sa open space, halos sa publiko. Mas mataas ang rooftop nito kaysa sa ibang bahay pero paano kung may makakita sa kanila? To think na hinalikan pa niya ito hanggang sa ibabaw ng abs. She could still taste him on her lips. Nakaka-addict.

"Ginawa ko talaga iyon? Hinalikan at hinawakan ko siya sa lugar na pwedeng may makakita sa amin at di man lang ako na-conscious?" usal niya sa sarili. Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya pero di siya nahihiya. It was a liberating experience. Siguro dahil kanina ay siya ang may kontrol sa sitwasyon at may kontrol din si Gideon sa sarili nito. Alam nito ang limitasyon niya at alam nito ang sariling limitasyon.

Something was telling her that this lesson might become more dangerous. Pero di siya nakaramdam ng takot. Sa kung anong dahilan, ligtas ang pakiramdam niya sa binata. Sana lang ay effective ang plano nila.

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon