Chapter 56

1.2K 29 0
                                    

"GUSTO MO baaaaaa.... Gusto mo bangggg..."

Walang pakialam si Yana kung mabulabog man ang mga seagulls at ibang turista sa Hapjyeon Beach dahil sa pagkanta niya ng kanta ng Eraserheads. Nakasalpak ang earbuds sa tainga niya habang nagpapatugtog sa phone niya.

Kailangan niyang libangin ang sarili para hindi matensiyon sa pag-uusap nina Gideon at Sang Hee. Hindi nakatulong sa kanya ang paglalakad-lakad sa mga establishment sa paligid. Nate-tempt siyang silipin ang dalawa. Baka mamaya ay pumalpak si Gideon at kailangan ng tulong niya. Alam naman niyang napipilitan lang ito na humingi ng tawad kay Sang Hee. Baka mamaya kung ano ang masabi nito na lalong makasakit sa babae. Ayaw naman niyang isipin ng binata na wala siyang tiwala dito.

Nagulat siya nang biglang may humatak sa cord ng earphone niya. "Hey!" usal niya at handa nang makipag-away sa sinumang panggulo. Mababait ang mga tao sa Jeju pero malay niya kung may maligaw na sira ulo.

"Ano itong pinapakinggan mo?" tanong ni Gideon na umupo sa tabi niya at isinalpak ang earbud sa sa isang tainga nito. "Elisi ba ito?"

"Shungers! Alapaap iyan ng Eraserheads. Elisi sa kay Bamboo iyon."

"Rivermaya," pagtatama naman ng lalaki. "Paborito ko si Bamboo."

"Kaya siguro pakinig mo sa lahat ng kanta siya ang singer. Akala ko mga Kpop at Krock ang gustong mga tugtog."

"Ito ang gusto ni Papa na tugtog noong buhay pa siya." Malungkot itong ngumiti. "Hindi ka ba naiinitan dito sa labas?"

"Hindi naman ganoon kainit ang sikat ng araw dito di tulad sa Pilipinas. Wine-welcome ko nga ang init ng araw dahil di ako sanay sa lamig dito."

"Or maybe you are used to my hotness. Sabi mo daw kay Sang Hee, parang sun daw ako na nakakasilaw ang kaguwapuhan."

"Hala! Wala naman akong sinabing ganoon. Bakit kasama 'yung guwapo?"

Inalis nito ang shades at pinanlakihan siya ng mata. "Because that's a given."

Umikot ang mga mata niya at tumayo. "Doon na tayo sa windmill. Sabihin mo mag-a-apply ka na windmill dahil mahangin ka."

"Nag-sorry na ako kay Sang Hee," anang si Gideon habang maghakawak ang kamay silang naglalakad.

"How's the experience? Nahirapan ka ba? Parang nasasakal?"

He rolled his shoulders. "Surprisingly I felt lighter. Noong una, pinanghahawakan ko ang galit ko. In the first place, hindi ko naman ipinilit ang sarili ko kay Sang Hee. Hindi ko siya pinaasa. But I hurt her just the same. Tama ka. She's not a bad person. Masakit lang talaga sa kanya na pakawalan ang nararamdaman niya sa akin," may kalungkutang sabi nito.

"Kasi minahal ka talaga niya." Huminga siya ng malalim. "At kapag nagmahal ka, gagawin mo ang lahat para sa taong iyon. Kung may kakulangan ka, pupunuan mo para magustuhan ka niya. Kahit pa siguro kumain ng apoy gagawin ng isang taong in love. At kapag di pa rin kami minahal o ipinagpalit sa iba, sarili namin ang sisisihin namin. Tinatanong namin saan kami nagkulang."

"Sinabi ko na di lang talaga kami para sa isa't isa. Tell me, bakit niya mamahalin ang katulad ko. Masyado akong guwapo? I didn't even kiss her. So she won't know that I am a good lay. Hindi niya na-experience."

Lumabi ang dalaga. "Seryoso? Tingin mo nakaka-in love ang pagiging fuck boy mo?"

"Anong nagustuhan niya sa akin?"

Sinapo niya Yana ang isang pisngi nito at malamlam ang mga mata itong pinagmasdan. "You are a good grandson. Alam mo naman na solo parent lang ang nanay niya nang palakihin siya at malapit siya sa lola mo. Nakita niya kung paano ka magmahal. You will be a good provider for you family. After all, para sa kanya, isang phase lang ang pagiging fuck boy mo. Titino ka rin."

Naging seryoso ang mukha nito na may pag-aalala sa mga mata. "Kaya mo bang mahalin ang katulad ko?"

"Bakit naman hindi? Kung wala lang Dong Uk sa buhay ko, magugustuhan kita. Di nga lang kita hahabul-habulin tulad ni Sang Hee."

"Paano kapag nag-break na kayo ni Dong Uk, iko-consider mo ba ako na maging boyfriend mo?"

"Gideon, ang tanong doon kung iko-consider mo ang seryosong relasyon sa akin bilang girlfriend mo. Di pang-one night stand lang. Gusto ko ng lalaki na mananatili sa tabi ko at aalagaan ako. Kaya mo bang maging lalaki na iyon?" Bumuka ang bibig ng lalaki para sumagot pero inunahan na niya. "O! Hypothetical question lang iyon. Di mo kailangang I-assume na seryoso ako sa tanong ko. Baka mamaya isipin mo pa na may pagnanasa sa akin."

He flashed her a naughty smile. Ipinatong nito ang kamay sa kamay niyang nakasapo sa pisngi nito. "I actually like that idea. Na may pagnanasa ka sa akin."

Binitawan niya ang pisngi nito at itinakip sa bibig nito. "Shut up!"

Natawa ang binata. "Paano kung sabihin ko na pagdating sa iyo, papayag akong magpakumbinsi na maging seryoso?"

Hindi agad nakapagsalita si Yana. Malay ba niya kung seryoso ito o joke lang. "B-Basta kapag na-in love ka na, magiging masaya ako kapag nag-take ka ng chance. Salamat kasi pinagbigyan mo ako na kausapin si Yana. Salamat kasi nag-sorry ka rin sa kanya at nagkaroon siya ng closure."

Hinapit nito ang baywang niya at kinintalan ng halik ang noo niya. "Aniyo," tanggi nito. "Ako ang dapat magpasalamat sa iyo. You taught me how to be brave. That it's okay to forgive. It's okay to ask for forgiveness. You are changing me and it is a good change."

Ngumiti lang si Yana at hinayaan ang binata na yakapin siya. She closed her eyes and inhaled his scent. She was getting used to this. Having him near her. Having his arms around her.

Pakiramdam ni Yana na may nagbabago rin sa kanya. Pakiramdam niya, hindi sila nagpapanggap lang ng binata. 

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon